Chapter 12: Seriously?

33 8 0
                                    

Alexia's POV






"Hi Alexia."







Nagulat ako nang batiin ako ni Oliver Rico.








Guys!! OLIVER RICO. Yung crush ko. Omg. Totoo ba 'to? Anong nakain niya at binati niya ako? Si Oliver, yung nakwento ko na crush ko na boyfriend ni Honey. Ang swerte ni Honey 'no? Bakit kaya nagustuhan ni Oliver 'yon? Hindi naman maganda ugali 'non e. Psh.







Hindi na ako nakapag-response sa sinabi ni Oliver. Grabe, nakakagulat talaga e. Nagpunta nalang ako sa locker ko para kunin ang mga libro para sa mga susunod na subjects namin. Pagkasara ko ng locker ko, halos mabitawan ko na ang mga libro ko kasi biglang nasa harapan ko si Oliver. Bakit ba ganito siya kumilos? Parang trip ako. Haynako.









Nagulat na lamang ako ng palapit ng palapit ang mukha ni Oliver. Don't tell me ikikiss niya ako? Seryoso? Napapikit nalang ako kaso . . .








O____o








o_____O







Nagising ako sa katotohonan na nilalawayan na pala ako ni Yumi. Si Yumi na pala ang humahalik sa'kin at hindi si Oliver e. Paasa e. Basang basa na tuloy ng laway yung mukha ko. Psh. Aysus, panaginip lang pala 'yon. Aish. Akala ko totoo na e. Tinignan ko nalang ang phone ko kung anong oras na at agad akong napabangon nang makita ko ang oras.








Anooo?!! 6:58 na?! Waaaaa!!! 2 minutes nalang late na ako. Nasaan na ba kasi si mama? Hindi ako ginising ni mama >.< alam naman niyang matagala kong gumising. Oh my god. Dali dali akong naligo na para bang wala ng bukas. Nagbihis na rin ako agad at bumaba.








"Mama!! Bakit hindi mo 'ko ginising?!" pagrereklamo ko habang naglalakad pababa ng hagdan."Late na--






Agad akong napatigil sa sasabihin ko nang may nakita akong may kasama si mama. Napatigil ako sa ganda niya at ang simple lang ng damit pero maganda na. Sino kaya 'to? Nahiya naman ako inasal ko kaya nagbow ako sa'kanya.








"Ay sorry po. Akala ko po kasi walang bisita e. Magandang umaga po." masayang bati ko at nagbow muli. Nakakahiya talaga sa'kanya. Tinignan ko uli ang wrist watch ko at OKAY. -.-







Wala na talaga akong pag-asa. Late na late na talaga akoooooo. Kung minamalas ka nga naman. -_____- Dumiretso na ako sa kusina para kumain.









"Anak, late ka na. Bukas ka na lang kaya pumasok?" nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod. Napalingon ako, si mama lang pala. Lagi nalang ako ginugulat neto. Psh.









"Ahm bakit ma? May importante ba tayong pupuntahan?" tanong ko ng nakakunot ang noo. Kumuha naman ako ng baso at uminom.






"May pag-uusapan kayo ng bisita natin." bigla akong namasid sa narinig ko. Nilapag ko ang baso sa mesa at hinarap si mama. Napamewang ako sa sinabi niya.









"Natin? Kaano-ano ba natin 'yon ma?" tanong ko ng nakakunot ang noo. Sino ba kasi 'yon?








"Basta malalaman mo rin. Dali na, kausapin mo na." sabi sa'kin ni mama at tinutulak pa 'ko palabas ng kusina.








Sige na nga, tutal sobrang nacu-curious na rin naman ako. Kakausapin ko nalang siya. Pero bakit bigla akong kinabahan? Aish.







Lost in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon