Chapter 11: Confrontation

41 9 2
                                    

Amerie's POV (Alexia's mother)




*ding dong*






Narinig ko yung pagdoorbell sa bahay namin. Baka naman bisita o baka yung manliligaw ni Alexia. Naku, talaga yung babaeng 'yon. Pasaway e, hindi man lang gumising ng maaga para maabutan siya ng mga kaibigan niya na gising siya. Hindi yung lagi nalang naaabutan siyang tulog. Lagi nalang kasi nanaginip. Parang hindi na nauubusan ng panaginip.




*ding dong*





Ay teka nga. Mapuntahan na nga. Nagbe-bake pa naman ako ngayon ng cake. Nag-aaral pa kasi ako ng mga bago kong mga styles or designs. Naghugas na muna ako ng kamay saka pumunta sa pintuan.






Binuksan ko na yung pintuan at nakita ko ang lalaki. May maganda pang kotse na nakapark sa tapat ng bahay namin. Bago nanaman ba 'tong manliligaw ni Alexia? Ang yaman ha. Nakakapagtaka nga lang kasi sobrang formal naman magsuot netong lalaking 'to.





"Ahm ano ho ang kailangan niyo?" magalang kong tanong sa lalaking katapat ko na nakapang-americana pa at nakashades pa.




"Is this the Villapando's residence?" tanong niya na napakafluent pa sa english. Nakakapagtaka talaga kasi ngayon lang may ganitong tao ang pumunta sa bahay namin. Ano naman kaya ang kailangan nito?




Tumango naman ako bilang sagot sa katanungan niya.






"Amerie Villapando?" napalunok ako nang tanungin niya ang pangalan ko. Bakit may kutob akong ewan. Basta parang nakakakaba naman kasi ito.





"Ako nga po. Ano po bang kailangan niyo?" tanong ko na medyo napapakunot na ang noo ko. Hindi pa kasi ako diretsuhin. Pinapa-thrill pa ako nito.



"Queen Guinevere wants to talk to you."






O______O





Queen Guinevere? Si Mama gusto akong makausap? Pero bakit? Akala ko hindi ko na muli siyang makakausap. Agad naman akong napalunok ulit nang marinig ko ang sinabi nitong lalaking 'to.





Kaya naman pala ang ganda ng kotse roon at nakapang-americana pa ang lalaking ito. Napaka-fluent pa mag-english. Isa pala kasi sa mga tauhan ni Mama.





Napatango nalang ako sa sinabi ng lalaki. "Ah sure, nasaan ba siya?" tanong ko na may halong kaba pa rin akong nararamdaman.





"There." at itinuro ng lalaki ang isa pabg kotse na napakahaba na akala mo'y pupunta sa red carpet. Napakabongga talaga nitong ni Mama."Don't worry Ma'am, she's the one who's going to talk to you privately." tugon ng lalaking 'to.





Nakamasid pa rin ako sa napakagandang kotseng nakikita ko. Unti unti namang bumaba ang salamin ng kotse at naaninag ko ang mukha ni Mama. Nakaramdam agad ako ng kaba.




Ngumiti lang siya sa'kin at may isa pang lalaking naka-americana ang nagbukas ng pintuan para kay Mama at inilalayan siyang makalabas.




Papalapit na siya dito sa'kin ngunit kinakabahan pa rin ako. Sapagkat napapaisip ako na baka sakaling sungitan ako ni Mama.





"Long time no see Amerie." masayang bati ni Mama sa'kin nang makalapit na siya sa'kin.




Ngitian ko na rin siya pabalik at nagbow ako."Long time no see din po Mama." bati ko na may mga ngiti sa'king labi.




"Can I talk to you for a minute?" tanong ni Mama sa'kin na bigla ko namang kinaba ulit. Tungkol saan naman kaya ang aming pag-uusapan?






Lost in RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon