Alexia's POV
Kakagising ko lang, tinignan ko yung phone ko para icheck kung anong oras na. 10am na pala. Grabe, ang late ko talaga gumising.
Teka, 1 unread message. Ay may nagtext sa'kin? Aba. At kelan pa merong nagtetext sa'kin? Last time I checked, wala akong load. Psh. Binasa ko nalang yung text.
From: 09*********
Goodmorning Alexia. Keepsafe :)
Received: 6:37amAng aga ha? Sino naman 'to? Unknown number lang e. Ay baka si Katy, new number niya yata. Wait, pero kasi hindi naman siya ganyan sa'kin e. Hays ang gulo ha. De bale na nga, bahala 'yang nagtext. Hindi muna magpakilala. Psh.
*krrrr* (a/n: sound po ng nagugutom na. :D)
Napahawak ako sa tiyan ko. Nako, 10am na pala. Hindi pa 'ko nag-aalmusal. Ang galing mo talaga Alexia. Hays bumaba na 'ko para kumain.
Dumiretso ako sa kitchen kaso cookies lang naabutan ko. Wala na bang ibang pagkain dito? Psh. Pumunta ako sa ref namin para icheck kung may pwedeng lutuin pero may note na nakalagay.
"Nak. Sorry kung ayan lang nagawa ko para sa breakfast mo ha? Nagmamadali kasi ako e. Bumili or magluto ka nalang ng gusto mo." -mama
Ang bait talaga ng nanay ko. Aish. Naghanap hanap ako ng pwedeng makain kaso wala e. I'm craving for pizza. Waaaah. Gusto ko ng pepperoni pizza.
"Wala bang pepperoni pizza dito. Haynako." sabi ko sa sarili ko habang naghahanap kaso wala talaga e. Ang malas ko.
"Roo!"
Ay si Yumi. Ngayon ko lang siya napansin, kaya pala ang tahimik dito galing sa labas si Yumi. Binuhat ko naman si Yumi at niyakap.
"Hi baby. Ang cute cute mo talaga." niyakap yakap ko lang si Yumi kaso ang likot parang may gustong puntahan jaya binaba ko siya.
"Rooo!" kinakahulan niya yung pinto? Anong meron Yumi?
Nako. Ayoko ng ganyan. Medyo kinakabahan ako. Hays. Lumapit nalang ako sa pinto at binuksan baka may tao pero 'pagka-bukas ko, wala naman e.
Ay ang saya. Psh. Ang gulo netong ni Yumi. Aalis na sana ako kaso may nahagip yung mata ko. May plastik sa baba.
Kinuha ko yung plastik, eto yata yung kinakahulan ni Yumi e. Baka naman dog food. Si mama talaga mag-iiwan nalang sa tapat pa ng pintuan namin. Ang galing ha.
Bago ko kunin yung nasa loob. May nakita akong note kaya kinuha ko 'yon at binasa.
"Hi Alexia. :)"
Ay? Ang ganda ha. Natuwa ako pramis. Psh, haynako. Sa dami ba namang pwedeng sabihin. "Hi Alexia" lang nasabi with smiley face pa. 'Wag kayo. Hindi pa nilagay pangalan niya. Buset naman oh.
Kinuha ko nalang yung nasa loob ng plastik. At nakooooo kung sinuswerte ka nga naman. May mabait na nilalang ang nagbigay sa'kin ng 5 pieces ng pepperoni pizza. At ang nakakatuwa pa 'don is may kasamang picture ng 5SOS. OMAYGHAAAD.
Okay yung kanina pang nirereklamo ng tiyan ko, ayan na. Salamat kung sino man ang nagbigay. ^_^
***
Nandito naman kami sa tambayan namin, kasama ko si Katy at James. Aish ang bored pa rin. Kahit kasama ko na 'tong dalawang 'to. Ang bored pa rin, paano ba naman busy sa'kanilang mga cellphone. Kaya eto ako, walang maisip na pwedeng gawin. Ayan ang mahirap sa mga kabataan ngayon e. 'Pag may gadget, maadik na sila 'don lalo na pagdating sa wifi. Ang daming naaadik sa facebook, instagram at twitter. Katulad nalang netong dalawa kong kasama.Mukhang ewan si Katy e, ang lakas kumanta. Psh. Kakanta na nga lang e. Eto namang si James, mukha ring ewan. Kanina pa nakatingin sa cellphone niya. Medyo napapangiti pa nga e. May chix nanaman siguro 'to. Ganyan naman silang mga lalaki. Walang inatupag kundi ang chix.
"Hoy bi." kinalabit ko si Katy.
Tinanggal naman niya yung earphone niya at humarap sa'kin.
Bigla nanaman akong napangiti. May naaalala lang ako.
"Hala siya oh? Wala pa nga e. Ano ba kasi yung sasabihin mo?" pang-aasar niya sa'kin.
Naaalala ko kasi yung nangyari kanina. Ang sweet kasi nung tao na kung sino man ang nagbigay sa'kin 'non. 'Yun na nga, yung may nagbigay ng pepperoni pizza at may kasama pang picture ng 5SOS.
"Pambasag ka ng trip. E kasi kanina may nagbigay sa'kin ng---
"Talaga bi? Omg. Sino naman 'yung nagbigay? Ano yung binigay? Kilala mo kung sino? Grabe. Ikaw ha. May nanliligaw na pala sa'yo ha."
-_______-
Yung totoo? Akala ko ba ako yung kinikilig dito. E bakit mukhang si Katy naman ang kinikilig? Psh.
"Ewan ko sa'yo bi. Haynako." pag-iinarte ko at umiwas ng tingin.
"Halaaaaa siya? Sorry na. Kinikilig lang naman ako para sa bestfriend ko. Sige, tuloy mo na bi." sabi niya habang niyuyugyog ako.
Humarap naman ako sa'kanya."Ayun na nga, as I was saying. May---
"Ayieee. Omg. Anong reaction mo?"
-_______-
AYOKO NA. AYOKO NA TALAGA. I QUIT!
Chos. Asar talaga 'tong babaeng 'to. Panira e. Nakakainis.
"Tse. Bahala ka nga dyan." aakma na sana akong tatayo kaso pinigilan ako ni Katy.
"Halaaaa? Uy. Sorry na. Sige hindi na. Hindi na kita iinterupt." pagmamakaawa niya, aba? Nagpa-puppy eyes pa ang loko.
Well, ako? Nagpapabebe. Haha bahala siya. Makulit siya e.
"Uy bi. Sige na, dali na. Swear 'di na talaga ako sisingit." tinaas pa niya yung kamay niya na parang nanunumpa.
Aish. Sige na nga. Hindi ko naman matitiis 'tong babaeng 'to.
"Hmp, so ayun na nga. Paggising ko kasi kanina wala si mama. Umalis, e wala akong matinong makain kanina. Tapos may mabait na nilalang ang nag-iwan sa labas ng pintuan namin ng pagkain." pagkekwento ko na medyo napapangiti.
"Eh ano namang pagkain?"
"Yung favorite ko bi. Pepperoni pizza tapos guess what. May kasama pang 5SOS picture. Omg bi. Ang bait diba?" sa 'di inaasahan at hindi ko mapigilan. Napatili ako kasi kinikilig ako e. First time may mag-ganon sa'kin e. Syempre.
Tumili rin naman si Katy. Talo pa nga ako e. Akala mo namn siya yung binigyan.
"Tss."
Hala? Anong problema ni James? Parang kanina lang ngumingiti siya sa tinitignan niya sa phone niya.
Bigla ba naman nag-walk out si James. Psh. Bahala nga siya basta wala akong ginagawa. E kasi naman, feeling ko may nagawa ako para maging ganyan siya e.
"Hahaha." isa pa 'tong si Katy. Biglang natawa. Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko?
Tulog ba 'ko ng 24/7 para hindi malaman kung anong nangyari sa dalawa kong bestfriend. At 'di ko malaman ang dahilan kung bakit biglang napatawa si Katy nang simulang mainis at umalis si James? Hay ewan.
BINABASA MO ANG
Lost in Reality
Teen Fiction"My hobby includes faking smiles, faking feelings & overthinking." - Alexia Meet Alexia Chloe Villapando. Babaeng mahilig magdaydream, mag-isip ng kung anu-ano. Sa kakaisip niya, 'di niya inaasahan na isa sa mga 'yon ay mangyayari. Pero nangyari nga...