dedicated to @bornfreeonekissJ
Maraming salamat sa comments :)) Ramdam kita! hahahaha! Gigil na gigil kay Cheska eehhh. Hehehehe!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 5 : Gian
"Si Gian o! GIAN!"
"You made it Pare!"
"Akala ko talaga hindi mo kami sisiputin. Magtatampo na talaga kami."
Nagtayo si P.J. ng bar after we graduate, at ngayon andito kami. Itinext ko si Shane at sinabing baka gabihin ako sa pag-uwi. Nilapitan ko sila.
"Anong tutugtugin natin?" tanong ni Matt, katabi niya si Ara. Bakit nandito siya?
Napansin yata ni Matt na parang nagtatanong ang tingin ko kay Ara.
"Inggit ka?" tanong ni Matt sa akin with matching nakakalokong ngiti sabay akbay kay Ara.
Natatawa lang ako na napapailing.
Pagkatapos naming tumugtog. Naig-inom kami. Then I realized, ang dadaya ng mga to. Biglang nagdatingan ang mga dates nina Chad at P.J.
"Ano? Inggit ka lalo noh?" sabi ni Chad.
"Sinasadya nyo ba to? Pinapunta niyo ako para dito? Ang dadaya nyo!" angal ko.
"Eh di itext mo si Shane", sabi ni Matt.
"Di pwede. May anak na kami. Sigurado tulog na ang mag-ina ko", sabi ko.
"Gusto mo ng ka-date? Ihahanap ka namin", sabi ni Matt. Napapansin ko lang, simula ng maging girlfriend niya si Ara naging madaldal na siya. Nahawa na ata kay Ara.
Binatukan ni Ara si Matt.
"Anong ihahanap ng kadate? Gusto nyo isumbong ko kayo kay Shane. Bestfriend here", sabi ni Ara.
"Joke lang naman", sabi ni Matt.
"Sayang! OK sana yung isang yun o!" sabi ni P.J. Tumingin kami sa direksyong tinitingnan niya.
Isang payat na babae. Maputi. She looks familiar.
"Gian, she's looking at you", sabi ni P.J.
"Isusumbong ko na talaga kayo kay Shane!" sabi ni Ara.
"Pare, huwag mo ng tingnan. I know she's hot pero mukhang hindi nagbibiro ang girlfriend ko", bulong sa akin ni Matt.
"Hindi talaga!" sigaw ni Ara.
Napatingin kami sa kanya. "Narinig mo pa yun? Eh halos wala na nga akong boses sa pagbulong kay Gian. Grabe ka", sabi ni Matt kay Ara.
"Ah basta! Ikaw Gian, isusumbong talaga kita!"
O___O
"Huh? Ano bang ginawa ko?" sabi ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagpaalam na si Ara, gusto na daw niyang umuwi kaya naman inihatid na siya ni Matt. Kami na lang apat ang naiwan.
"That hot babe keeps looking at you Gian. Teka, parang kilala ko siya", sabi ni P.J.
Sinulyapan ko ulit ang babaeng tinutukoy niya. Inaalala kung saan ko ba siya nakita.
Napansin ko na lang na unti unti na siyang lumalapit sa table namin.
"So, tumutugtog ka pa rin pala?" sabi ng babae sa akin. Binigyan ko siya ng do-i-know-you look.
"Don't you remember me? Imposible ka Gian!" sabi niya sabay tawa.
"Cheska??" tama ba ako? Si Cheska nga ba ang babaeng kaharap ko? Ang laki ng ipinagbago niya.
"Don't tell me hindi mo na ako natatandaan?"
Pinapanood lang kami nina P.J. na mag-usap.
"Of course I remember you. Its just that hindi kita nakilala. You've changed a lot", sabi ko.
"I know, but I know you cannot deny the fact that I still am beautiful", at ngumiti siya.
"So kamusta ka na?" I asked her. "Naalala mo pa ba sila?" tukoy ko kina Matt, PJ at Chad.
Tinapunan niya ng tingin ang tatlo.
"Yes, of course. They're your friends, how can I forget them. Ikaw ang kamusta na?" balik niyang tanong sa akin.
"Im good. I am married with one kid. Ikaw? Rocking someone's world?"
"Nope. But I'm gonna rock someone's world soon", sagot niya, na hindi inaalis ang ngiti sa labi.
"That's good. He must be really special."
"Yes, he is. By the way Gian, may gusto nga pala akong ipakilala sayo", sabi niya.
"Sino?"
Bigla na lang siyang tumayo at nagpaalam na aalis na.
"Basta. You will meet him soon", at lumabas na siya ng bar.
Him? Sino?
Bigla ko na lang naalala ang sinabi ni Alex sa akin.
"You're in a big trouble dude."
-***********************************************************************
Salamat sa votes and comments :)
May bago nga pala akong story entitled "Blackmail Bargain". You guys might wanna check it out. Thanks!
-youramnesiagirl
BINABASA MO ANG
Kiss Me
General FictionFIXED MARRIAGE. Does it really work? Gaano mo nga ba kakilala ang taong pinakasalan mo? Kaya mo bang tanggapin ang lahat sa kanya? Even his imperfections? Kiss Me (Book 2 of Marry Me)