Chapter 8 : Alex
Ngayon na sasabihin ni Cheska kay Gian ang tungkol sa anak nila, kaya naman kailangan nandon ako. Dapat ma-witness ko ang moment na yun kaya naman nandito ako ngayon sa opisina ni Gian.
"Sir, may naghahanap po sa inyo", sabi ng sekretarya niya.
Heto na. Dumating na si Cheska. Hindi na ako makapaghintay sa magiging reaksyon ni Gian.
"Busy ako. Wala akong ineexpect na bisita", sagot niya.
Hindi pwede! Dapat na silang magkita.
"Sir, importante daw po. Kailangan niya daw po kayong makausap."
Kailangan talaga!
^___^
"Sino ba yan?" tanong ni Gian.
"Cheska daw po. Francesca Vasquez."
BINGO! Tiningnan pa ako ni Gian, napangiti kasi ako pagkarinig ng pangalan ni Cheska.
"Bakit nandito si Cheska? Baka naman ikaw ang kailangan niya?"
"Gian, sa opisina mo siya nagpunta, hindi sa akin. Bakit hindi mo na lang siya papasukin para malaman mo."
Ang dami pang sinasabi ni Gian, papasukin na kasi.
"Papasukin mo siya", utos niya sa sekretarya niya.
Tiningnan ko si Cheska pagkapasok niya. Kasama niya si Cian. Kaya naman tumayo ako at umarteng nagulat ng makita siya. Nakipagbeso pa ako sa kanya.
"Cheska!"
"Hi Alex!" bati niya.
"Have a sit", alok sa kanya ni Gian. Panay ang tingin ni Gian sa bata waring nagtatanong kung sino ba ito.
"Anak mo?" tanong niya kay Cheska. Gusto kong matawa. Pinipigilan ko lang. Kung alam mo lang Gian! Hahaha! Ito na ang simula ng mga problema mo!
"Yes. Siya ang tinutukoy ko na gusto kong ipakilala sayo. Gian, meet Cian, our son."
>O<
Kitang kita ko ang pagkagulat ni Gian. Halos mahulog na nga siya sa kinauupuan niya.
"Cian, meet your Daddy, Gian Zayden Santillan", sabi ni Cheska sa bata. "Go, kiss your dad."
Lumapit naman si Cian kay Gian. Si Gian naman halos hindi na makakibo.
"Cheska, nagbibiro ka lang hindi ba?" tanong ni Gian.
"I never joke when it comes to OUR SON", sagot ni Cheska, binigyang diin pa niya ang salitang OUR SON.
"Paanong??!"
Pinapanood ko lang silang dalawa. Kung tutuusin its inappropriate na andito ako sa harap nila while talking about that matter pero sinabi ko kay Cheska na gusto kong mapanood ang pagguho ng mundo ni Gian.
"Stupid question. Do you really want me to answer that?" mataray na tanong ni Cheska.
"It can't be", naiiling na bulong ni Gian, sapat para marinig ko.
"Nandito ako upang maningil sa lahat ng utang mo sa kanya. Kailangan niya din ng isang ama, Gian."
"Cheska, may pamilya na ako", sabi ni Gian, tumitingin pa siya sa akin. Anong ineexpect niya?
"I know and I don't care. Hindi lang naman ako ang unang nagkaganito. Kung kinakailangang makihati namin sa pamilya mo, papayag ako."
Mas lalong nagulat si Gian. Tumayo siya at hinila palabas si Cheska. Naiwan kami ni Cian sa loob. Sayang hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila. Pagkatapos ng halos labinlimang minuto, bumalik na sa loob si Cheska.
"Cian, let's go. Say bye to your dad", utos ni Cheska sa bata na siya namang pasok ni Gian sa loob.
"Bye Daddy", paalam ni Cian kay Gian.
"Ah Gian, expect me to see more often", pahabol pa ni Cheska sabay ngiti, then she closed the door.
"DAMNNNN!!!" napasigaw si Gian pagkaalis nina Cheska.
Habang nagagalit siya, nagdidiwang naman ang loob ko. Kasalanan nya yun, gagawa gawa siya ng kalokohan eh. Gustong gusto ko ng sundan si Cheska para malaman ko kung anong pinag-usapan nila ni Gian pero papanoodin ko munang maghisterical si Gian.
Napaupo siya sa silya niya at napasabunot sa kanyang buhok.
"Anong plano mo?" tanong ko sa kanya.
Nakayuko pa din siya. "Hindi ko alam."
"I warned you about her", sabi ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nalilito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ng diretso?" tanong niya.
"I have no right. Anak nyong dalawa ang involved dun. Its between the two of you."
"Hindi pa tayo nakakasiguro na anak ko nga ang bata."
"Sa tingin mo ba lolokohin ka ni Cheska?"
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko."
"Sir, remind ko lang po yung meeting nyo after lunch", sabi ng secretary ni Gian.
"Cancel all my meetings for today", utos ni Gian.
Sige Gian, maaburido ka.
^__^
"Saan ka pupunta?" tanong ko ng bigla siyang tumayo at papalabas na ng opisina niya.
"I have to go somewhere", sagot niya at tuluyan na siyang lumabas. Umalis na din ako at tinawagan ko si Cheska upang itanong kung nasaan siya.
***************************************************************************
BINABASA MO ANG
Kiss Me
Fiction généraleFIXED MARRIAGE. Does it really work? Gaano mo nga ba kakilala ang taong pinakasalan mo? Kaya mo bang tanggapin ang lahat sa kanya? Even his imperfections? Kiss Me (Book 2 of Marry Me)