Chapter 15 : Alex
"Huwag ka na lang kasing makialam sa kanila."
"Hindi maaari. Buhay ni Gian ang wawasakin ng babaeng yun. Tsaka bakit hindi ako pwedeng makialam, at ikaw pwede?"
"Dahil mas kilala ko si Cheska."
"Sabihin mo nga sa akin Alex, anak ba talaga ni Gian yung bata?"
"Allyna, nagpapatawa ka ba? Hindi ako doktor, hindi ko pa din alam ang resulta ng DNA so hindi ko alam."
Para namang tanga ang tanong ni Allyna. Pero sa mga ikinikilos ni Cheska, hindi ko pa man nakikita ang resulta ng DNA, gusto ko ng maniwala na anak talaga ni Gian si Cian.
Kung sakaling totoo man yun, magugulat pa din ako. Hindi ko pa din kasi ineexpect na magkakaanak siya sa iba, pero kung positive, matutuwa ako.
Nang araw na makita ko ulit si Cheska, at sinabi niya na may anak sila ni Gian, isang plano lang ang naisip ko. Isang idea. Ang sirain ang buhay ni Gian. Ang itakwil siya ni Lolo.
Parehas naman kaming makikinabang ni Cheska, siya, makukuha niya ang tatay ng anak niya at ako, sa akin ibibigay ni Lolo ang kumpanya.
"Sana naman negative. Baka kung anong mangyari kay Lolo kapag nalaman niya na may anak si Gian sa ibang babae", dasal ni Allyna.
**
Maaga akong pumasok sa kumpanya. Madami nga pala akong aayusin at may meeting pa akong pupuntahan.
Kumatok ako sa pinto ng office ni Gian. Pumasok ako sa loob. Nakaupo lang siya sa upuan niya. Parang nag-iisip.
"Gian, kasama ka ba sa meeting mamaya?" tanong ko sa kanya.
Nag-angat lang siya ng tingin at tumingin sa akin. Hindi niya ako sinasagot.
"What? Napano ka?"
Hindi pa din siya sumasagot, sa halip may kinuha siyang papel at iniabot sa akin. Kinuha ko naman yon at binasa.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Iba pa rin pala talaga kapag ikaw na mismo ang nakakita, kapag kumpirmado na. Tiningnan ko siya. Kaya naman pala ganun ang hitsura niya.
"P-POSITIVE??"
Positive ang resulta ng DNA test.
O__________________O
Napatayo siya.
"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa pagpapaliwanag sa mag-ina ko", sabi niya.
"Anong plano mo?"
"Gusto kong kunin yung bata. After all, he's my son."
****************************************************
It's a short update pero at least nasagot ang mga tanong nyo. :) Can you share me your comments? Thank you.
~youramnesiagirl
BINABASA MO ANG
Kiss Me
General FictionFIXED MARRIAGE. Does it really work? Gaano mo nga ba kakilala ang taong pinakasalan mo? Kaya mo bang tanggapin ang lahat sa kanya? Even his imperfections? Kiss Me (Book 2 of Marry Me)