Chapter 10 : Shane
"Wake up sleepyhead. Time for school."
Ayoko mang gisingin si Shasney sa himbing ng tulog niya pero kailangan. We are so lucky and happy na mabiyayaan ng isang anghel. Mahal na mahal namin ni Gian ang anak naming ito. Hindi man lalaki ang naging panganay namin ni Gian, hindi iyon nakaapekto sa pagsasama naming dalawa. Alam ko naman dadating din sa amin ang baby boy. Hindi ako papayag na hindi ko siya mabigyan ng Little Gian. Malaki na din naman si Shasney kaya sa tingin ko ayos lang na masundan na siya. Kailangan pa-usapan na namin ni Gian ang tungkol dun. Kunsabagay, halos araw-araw naman naming ginagawa yun.
"Mommy.."
"Good morning baby, bangon ka na. Are you ready for school?"
Tumango siya. Matapos ko siyang bihisan ay sinamahan ko na siya sa school. Si Gian naman nakapasok na sa office niya.
"Balikan mo na lang si Shasney sa school niya. Hindi naman yan mapapano dyan. Sige na, magpunta ka na dito."
Sina Faye at Ara, niyaya ako sa isang coffee shop na malapit dito sa school ni Shasney. Sige na nga. Babalikan ko na lang ang anak ko pagkatapos ng klase niya.
"Nag-order na kami para sayo", sabi ni Faye.
"Thanks."
"You mean tuwing Thursday at Sunday sayo siya?"
BINABASA MO ANG
Kiss Me
General FictionFIXED MARRIAGE. Does it really work? Gaano mo nga ba kakilala ang taong pinakasalan mo? Kaya mo bang tanggapin ang lahat sa kanya? Even his imperfections? Kiss Me (Book 2 of Marry Me)