Chapter 11 : Alex

35.1K 405 56
                                    

Chapter 11 : Alex

"So ipapa-DNA nyo pala ang bata?" tanong ko kay Cheska.

"Yup", sagot niya ng nakangiti.

Napapangiti na din ako. The fact na malapit ng masira ang pamilya ni Gian, ikinatutuwa ko.

Nandito siya ngayon sa loob ng kotse ko, sa tapat ng school ng anak niya. Gusto ko kasing malaman ang plano niya eh.

"Hindi ka ba nasasaktan sa idea na ipapa-DNA nyo pa ang bata. That only means na hindi naniniwala si Gian na anak nyo yung bata. Are you sure anak siya ni Gian?"

Natakot ako bigla, paano kung nanloloko lang tong si Cheska? Paano kung hindi naman pala talaga anak ni Gian si Cian eh di hindi na masisira ang pamilya niya?!

"Ang isang katulad ko ay walang panahong masaktan sa ganoong kaliit na bagay. Wala akong nararamdaman ni kaunting takot sa pagpapa-DNA sa anak ko. Anak niya ang bata kaya kailangan niyang tanggapin yun. Pati ako."

Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya.

"Kailan nyo siya balak ipa-DNA?"

"Soon. Hindi na nga ako makapaghintay na makapiling namin siya ng anak ko."

"Makikihati ka talaga?" tanong ko. Yun ang sinabi niya kay Gian sa opisina eh.

Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon