"Just tell me you love me" "Crizymarsh"

242 2 4
                                    

“Just tell me you love me”

     Sana basahin nyo ang story naming ng mahal kong si Christian Luneta… magugustuhan nyo ito…

                                                                  “Crizymarsh”

                                                                 …Loveteam…

                           Akala ko hangang pangarap ko lang sya, hindi pala! Ngayon…kami na! hehehe!!! I love you Chris…

     May minahal naba kayo na ang akala nyo ay hindi kayo magagawang mahalin dahil sa may masama kayong ugali?

Ako…

“Meron! Ang pinakamamahal kong si Christian Luneta na mahal na mahal din ako.

Gwapo sya, moreno, matangkad, may magandang boses, at syempre! Ang pinakagusto ko sa kanya, ang kanyang magandang “Ngiti”.

Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko sya minahal, mabait kasi sya, masipag, at higit sa lahat ay tapat sya.

Dati na akong nagmahal, at nasaktan ng sobra. Ang lalaking minahal kong iyon ay si David don Saure Jr. na sobrang minahal ko noon, nagkalayo kami pero sinabi nya na babalik sya  pero hindi nya na ako binalikan, pinag-intay nya lang ako.

Naalala ko ang sinabi nya sakin dati bago sya umalis. Ang sabi nya…

     “Sana hindi nalang kita nakilala, Cheys. Ang hirap mong kalimutan, may iba kapang lalaking makikilala na hihigit pa sakin, at ang lalaking iyon ang Princepe ng buhay mo, Cheys.”

Naiyak ako ng sabihin nya iyon, hindi ko alam kung bakit nya nasabi ang mga iyon, pero ngayon… alam kona!

Tama sya!

Tama sya talaga! Dahil nakilala ko si Christian Luneta na tinatawag kong “Prince”.

Mahal nya ako, nararamdaman ko! Crush na crush ko sya noon, hindi ko akalain na crush nya rin pala ako. Masaya ako pag nakikita ko sya, at ang ibig sabihin lang non ay mahal ko sya. Alam nyo…akala ko imposible nya akong mahalin pero nagkamali pala ako! Mahal nya rin pala ako noon pa, hindi nya lang maamin dahil nahihiya sya, palagi kami magkasama noon, at ang  nararamdaman namin sa isa’t isa ay dinadaan nalang namin sa mga biruan kahit alam ko na, at alam nya na na nagmamahalan kaming dalawa.

     “Just tell me you love me”

Para sa kanya ang kantangito, ang sagot nya sakin ng itanong ko ito sa kanya ay…

  “Oo mahal kita!”

Sana subaybayan nyo itong story naming na dalawa, please! Magugustuhan nyo ito. Sa ngayon nasa Mindanao sya, nangako sya sakin na babalik sya, at ito naman ako…muling maghihintay, lahat naman ng pangako nya ay tinupad nya kaya…alam ko na babalik sya dito para sakin.

Ayoko na sanang maulit pa ang nanyari samin non ni David don Saure Jr.

“Christian Luneta mahal ko na Prince ko pa, promise ko sayo! Maghihintay ako. Mahal na mahal kita. Ako nga pala si     “Cheyserr Mariñas”                                    tnx sa lahat ng makakabasa nito.

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon