Chapter seven

32 0 0
                                    

Chapter seven

     Kinagabihan, pagkalabasan palang sa kanilang church ay nakaabang na kaagad si Prince kay Chena sa labas, at kasama nito ni Pince si Kurt.

     “Tara na! sino pang inaantay mo diyan?”

Sabi nito ni Kurt, hindi kasi ito alam na may inaantay pa itong si Prince, at si Chena iyon.

     “Basta! Hintayin ko lang sya dito.”

Sabi lang ni Prince, maya maya lang ay bigla namang lumapit sa kanya si Verna. Ang kaibigan ni Chena na may crush din dito kay Prince.

     “Hi…natatandaan mo paba ako? Ako si Verna.”

Pakilala pa  ni Verna nung lumapit ito kay Prince.

     “Ou naman! Friend ka ni Chena.”

Nakangiting sagot lang ni Prince kay Verna.

     “Sya ba ang inaantay mo, Prince?”

Sabat ni Kurt, napagkaman nito na si Verna ang inaantay nito kaya napangiti pa itong si Kurt kay Prince.

     “Huh! Ahm…”

Walang masabi na si Prince, kaya ngumiti na lamang ito.

     “Ahm…hello, Kurt.”

Bati naman ni Verna kay Kurt, at bumati narin itong si Kurt kay Verna.

     “Uuwi naba kayo? Pwede ba akong makisabay sa inyo, Prince?”

Tanong bigla ni Verna kay Prince, at nabigla naman itong si Prince, hindi nya naman kasi ito gustong makasabay dahil si Chena ang gusto nitong makasabay, at si Chena naman kasi talaga ang inaantay nito.

     “Huh! Ahm…maya pa kasi ako uuwi eh! May inaantay pa ako.”

Nakangiting sagot ni Prince.

     “Akala ko ba sya ang inaantay mo, Prince. Ahm…sino ba talaga ang inaantay mo?”

Tanong pa ni Kurt. Maya maya lang ay nakita na ni Prince si Chena, at nakangiti pa ito sa kanya kaya naman ang ganda ganda rin ng pagkakangiti nito ni Prince.

     “Hi…”

Nakangiting bati pa ni Chena, at medyo lumapit pa ito kay Prince.

     “Dala kona yung story ko na ipapahiram ko sayo, eto oh!”

At iniabot na ni Chena kay Prince ang story.

     “Salamat ah! Isasauli ko nalang pagtapos kong basahin.”

Nakangiting sabi ni Prince, samantalang sina Verna, at Kurt naman ay nakatingin lang sa kanila.

     “Pagpasensyahan mo na iyan ah!”

Sabi pa ni Chena. Maya maya lumapit sa kanila si Kurt.

     “Ang daya naman! matagal ko ng hinihiram sayo iyan nagawa mong story pero hindi mo maipahiram sakin, bakit sa kanya naipahiram mo, Chena? Nakakapagtampo naman.”

Sunod sunod na sabi ni Kurt kay Chena, hinihiram din kasi dati ni Kurt ang story na iyon na ipinahiram nya ngayon kay Prince, pero hindi nya iyon pinahiram kay Kurt.

     “Ahm…sorry ah! Hehehe! Pagkatapos nya nalang mabasa iyon, at ipapahiram ko narin sayo iyon.”

Nahihiyang sagot ni Chena. Maya maya lang ay napansin bigla ni Chena si Verna na tahimik lang na nakatingin sa kanila kaya agad nya itong binate.

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon