Chapter two

75 0 0
                                    

Chapter two

     “Sabay na tayo umuwi Vernalie.”

Sabi ni Chena sa kaibigan nyang si Vernalie. Kakatapos lang kasi ng Samba nila at sabay na sila sa pag-uwi dahil magkapit bahay naman sila nito ni Verna.

     “Sige…”

Sagot ni Vernalie. Maya maya ay napahinto ang dalawa sa paglalakad ng may sumitsit sa kanilang likuran.

     “Hmmp! Papansin nanaman itong lalaking ito! Malas at nakita ko pa ngayon ang Kurt na ito.”

Pabulong na sabi bigla ni Chena ng makita nito sa kanilang likuran si Kurt. Maya maya, lumapit si Kurt, at kasama nito si Prince. Nang Makita naman  ni Chena itong si Prince, biglang may naramdaman itong kakaiba. Parang sumaya ito bigla.

     “Si crush ko ito ah! Yung madalas kong makita na dumadaan sa harapan ng shop. Hmm…kasama nya si Kurt, magkakilala sila?”

Sunod sunod na sabi ni Chena sa kanyang isip.

     “Hi Chena, hi Verna.”

Nakangiting bati ni Kurt sa dalawa, at bumati rin naman kay Kurt itong si Verna.

     “Hello…pakilala mo naman yang kasama mo.”

     “Ah…si Prince Christian, kasamahan ko rin sa pag apply sa pagsusundalo. Kumusta naman kayo?”

     “Okey lang din kami ni Chena. Ahm…ganun ba kasamahan mo sya sa pag-aapply, goodlock po sa inyo.”

Sabi ni Verna. Habang si Chena at Prince naman ay tahimik lang. may iniisip kasi itong si Chena, at ganun din naman itong si Prince.

     “Sya siguro yung pinakilala sakin ni Kurt nung nakaraan lang. hmm…ang gwapo nya talaga! Crush na crush ko sya.”

Kinikilig na sabi ni Chena sa kanyang isip habang patingin tingin lang kay Prince. Si Prince naman ay sa iba nakatingin pero ang totoo Masaya din ito na nakita nya ang crush nyang si Chena. Nahihiya lang kasi syang tumingin kay Chena pero nakikiramdam lang ito.

     “Pauwi narin ba kayo? Gusto nyo sabay sabay na tayo?”

     “Sige! Sabay sabay na tayo.”

Sabi ni Verna. Gusto kasi nitong makasabay sa pag uwi si Prince, dahil naging crush na nito si Prince. Hindi nito alam na ganon din ang nararamdaman ng kaibigan nyang si Chena.

     “Chena, tara sabay na tayo sa kanila.”

Sabi pa ni Verna, pero mukhang hindi sila makakasabay kala Kurt, at Prince, dahil may nabasang text si Chena.

     “Mukhang hindi tayo makakasabay sa kanila, Verna. Nag papahintay kasi si Gelina eh…nagtext sya, okey lang ba sayo? Alam mo naman si Gelina matampuhin.”

Pabulong na sabi ni Chena kay Verna.

     “Ganon? Sige paunahin nalang natin sila.”

Sabi ni Verna, at agad na kinausap nito ang dalawa na hindi na muna sila makakasabay dito sa pag uwi dahil may hihintayin pa pala sila ni Chena.

     “Sayang hindi natin sila nakasabay sa pag uwi no! ang cute pa naman ng kasama ni Kurt.”

Nakangiting sabi ni Verna kay Chena. Ito namang si Chena ay hindi masabi kay Verna na crush din nito si Prince.

     “Diba cute sya, Chena?”

Sabi pa ni Verna.

     “Oo! Cute nga sya. Crush mo no?”

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon