Chapter ten

22 0 0
                                    

Chapter ten

     “Si Marsh!”

Sabi ni Prince ng makita nito si Chena na makakasalubong nya. Katatapos palang ni Prince magsamba, at papauwi na sana ito ng mag isa, dahil hindi nya nga nakasabay ngayon sa pagsamba si Chena, pero nagpunta naman doon si Chena para Makita lang si Prince.

             Malayo palang si Chena ay nakangiti na ito kay Prince, kaya naman Masaya si Prince na sinalubong pa talaga si Chena.

     “Prince.”

Nakangiting bangit pa ni Chena nung nakalapit na sya kay Prince.

     “Kumusta kana? Ahm…papicture tayo!”

Sabi naman ni Prince.

     “Sige!”

Sagot naman ni Chena. Maya maya Lang, ng sabay na sana silang maglalakad patungo kung saan sila magpapa-picture ay bigla naman na tinawag sila ni Gelina. Agad naman na nilingon ng dalawa ito.

     “Best, Nandito ka pala! Aha…at magkasama pala kayong dalawa, kayo huh…”

Sabi ni Gelina na nagbibiro pa, pero ang totoong nararamdaman nito ay nasasaktan ito, at nararamdaman iyon ni Chena, kaya sobrang nahihiya naman ito kay Gelina na Best friend nya.

     “Kumusta kana, Best?”

Nahihiya pang sabi ni Chena kay Gelina habang magkakaharap na silang tatlo.

     “Eto…masama ang pakiramdam ko! Ahm…mukhang may lakad kayong dalawa ah! Prince?”

At ngumiti pa itong si Gelina kay Prince. At ngumiti rin naman itong si prince kay Gelina.

     “Bakit hindi kayo umiimik na dalawa diyan? Hmm…talagang may usapan kayo no! ano naman kasi ang dahilan na pumunta ka dito, Best? Eh… wala ka naman gagawin sa Church ngayon, kaya nagpunta ka dito ay para makita si Prince. Uy…”

Sunod sunod pang sabi ni Gelina na pabiro pa sa dalawa, nasasaktan ito kaya dinadaan nya sa pagbibiro ang gusto nyang sabihin sa dalawa.

     “Ahm…tara! Magpa-picture tayong tatlo.”

Yaya bigla ni Chena.

     “Dapat kayong dalawa lang! Hindi naman ako kasali.”

     “Sige na, sumama kana! Akin na iyang dala mong bag, ako na ang magdadala.”

Sabi naman ni Prince, na kinuha pa ang bag ni Gelina para sya nalang ang magdala non.

     “Huwag na! Nakakahiya sayo.”

     “Sige na, Best. Mukhang mabigat iyan kaya hayaan mo nalang kay Prince.”

Sabi ni Chena, kaya naman pumayag narin itong si Gelina, at sabay sabay na silang naglakad, at habang naglalakad naman silang tatlo ay walang imik itong sina Prince, at Chena.

     “Bakit hindi kayo umiimik na dalawa diyan? Hmm…nagkakahiyaan kayo? Ikaw Prince huh! Diba may sinabi ka sakin sa text tungkol kay Chena? Gusto mo sya! Ano? Diba totoo? Aminin mona sa kanya.”

Sunod sunod na sabi ni Gelina.

Pag- magkatext kasi sila ni Prince ay palaging si Chena rin ang nababangit nito ni Prince, kaya naman nasabi iyon ni Gelina kahit masakit sa kanya iyon, wala naman kasi itong magawa sa nararamdaman nito ni Prince para kay Chena, nasasabi rin kasi talaga ni Prince kay Gelina na gusto talaga nito si Chena.

     “Ikaw naman, Best. Alam ko naman na gusto mo rin sya…mag aminan na kasi kayo!”

Sabi pa ni Gelina. Hindi naman maintindihan ni Chena ang mga pinagsasabing iyon ni Gelina, alam nya na nasasaktan ito pero nagtataka sya kung bakit pinapaamin silang dalawa ni Prince kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon