Chapter four

45 0 0
                                    

Chapter four

     “Sana wala pang girl friend si Prince.”

Sabi sa isip ni Chena habang nakahiga lang sa kanyang kama, at habang iniisip ang crush nyang si Prince. Maya maya, tinignan nito ang kanyang cell phone, gusto kasi nitong may makatext

     “Itext ko kaya sya? Kaso…hindi ko alam ang sasabihin ko!”

Sabi pa nito. Gusto sana nitong itext si Prince pero nahihiya sya dito, hindi nya kasi alam ang unang sasabihin nya dito. Maya maya, nag text na ito kay Prince, nag Hi lang sya dito sa text.

     “Sino kaya ito?”

Tanong ni Prince matapos mabasa nito ang naricieve nyang text, at agad naman syang nag reply doon.

     ,cno po kau?,,

At napangiti si Chena ng mabasa nya ang text na iyon ni Prince.

     “Wow…nag-reply ang Prince ko! Ano kaya ang sasabihin ko? Hmm…nakakahiyang magpakilala.”

Maya maya, nakaisip na ito ng kanyang sasabihin sa text kay Prince.

     ‘Hi…kilala mo ba ako?..

Text ni Chena, at agad muling nag-reply si Prince.

     ,hndi eh,,cno kba?,,

     ,ako si…hmm…Ndi nlng aq magpa2kila2, nahihiya kc aq eh! Pcnxa kna ah…sorry po s istorbo. Geh…bye n poh ingat plgi…

Mahabang text ni Chena kay Prince, sobrang nahihiya kasi sya kay Prince, parang hindi nya kaya magpakilala dito kaya humingi nalang sya ng sorry dito, at nag goodnigth nalang.

     ‘Gudnyt nlng poh, ingat plgi…ice cream dr!mz…

Pahabol pang text ni Chena kay Prince. Nang mabasa naman ni Prince ang text na iyon, napangiti ito.

     “Hmm…talagang may ice cream dreams pa! sino kaya talaga ito?”

Sabi ni Prince, at muli nya pang tinext si Chena.

     ,Ok, gudnyt 2,,pero cno kba tlg?

     “Ano bayan…talagang gusto nyang malaman kung sino ako? Hmm…ano kayang gagawin ko? Ah…kunwari ako nalang si Gelina, tama!”

Sabi ni Chena nung naisip nito na magpakilala na  kay Prince sa text, pero hindi sya ang mismong ipapakilala nya kay Prince sa text, kundi ang kaibigan nyang si Gelina.

     .cge n nga aamin n aq kung cno aq pero wag k maga2lit huh! Aq 2 c Gelina fren ni Kurt, geh bye n poh ingat…

Text ni Chena, at ng mabasa iyon ni Prince, nagtaka ito dahil katext nya rin sa oras na iyon si Gelina, at nasabi pa sa kanya ni Gelina kung nag text narin ba sa kanya ang kaibigan nitong si Chena, kaya nagtaka talaga itong si Prince.

     “Si Gelina daw sya na kaibigan ni Kurt? Eh…katext ko rin sa ibang number itong si Gelina eh! Hmm…hindi kaya…”

Maya maya, napangiti nalang si Prince.

     “Parang kilala kona kung sino ito, si Chena, yung kaibigan ni Gelina. Hmm…pero bakit kaya si Gelina ang pakilala nya sa text? Hmm…kakatuwa naman.”

Sabi lang nito ni Prince sa isip.

     “Para talaga akong sira! Paano kung nalaman nya na hindi ako si Gelina na nagtext sa kanya? Baka nakatext nya na si Gelina ngayon! At magtaka sya, anong gagawin ko? Hay…ang tanga ko talaga, sobra! Hindi ko kaagad na isip na baka nakatext nya rin talaga si Gelina, hay...nakakahiya ang ginawa ko!”

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon