Chapter five

53 0 1
                                    

Chapter five

     “Best, ang saya ko kasi nakatext ko kagabi si Prince.”

Masayang sabi ni Gelina, habang magkasabay na silang papauwi sa bahay nila, galing sa trabaho itong si Chena, at dinaanan nalang sya ni Gelina para sabay na sila sa kanilang pag-uwi.

     “Talaga? Edi mabuti”

Sagot lang ni Chena.

     “Mabuti sigurong iwasan ko na talaga si Prince, pero…hindi ko magawa lalo na’t medyo nagiging close na kami kahit sa text lang! hay…panibagong problema ko yata ito ah! hindi pa nga ako tapos sa problema ko kay Sept, eh…may kasunod na kaagad. Hay…kailan ba ako sasaya talaga?”

Sunod sunod na sabi ni Chena sa kanyang isip, pakiramdam nya kasi parang hindi na sya sasaya kahit kailan dahil sa mga problemang dumarating sa kanya. Maya maya lang, habang naglalakad pa sila sa daan ay may narecieve na text itong si Chena galing kay Prince.

     “Si Prince nag-text!”

Sabi bigla ni Chena, kaya napalingon sa kanya si Gelina. Sa sobrang saya nito ni Chena, ay hindi nya manlang naisip na baka magselos itong si Gelina.

     “Si Prince nag-text sayo? Paano nya nalaman ang number mo? Hininge nya ba sayo?”

Sunod sunod na tanong ni Gelina, si Chena naman ay hindi nakaimik kaagad, nag-iisip kasi ito ng kanyang isasagot kay Gelina.

     “Nagkakatext na kayo ni Prince?”

Tanong pa ni Gelina.

     “Ahm…ako kasi ang unang nag-text sa kanya, hindi nya hininge ang number ko…gusto ko lang naman sya maging friend.”

Sagot ni Chena na hindi makatingin ng diretso kay Gelina, nahihiya kasi sya dito.

     “Ganon ba? Edi…nagkaka-text narin pala kayong dalawa nyan, madalas ba kayong magkatext?”

     “Hindi! Nagkakamustahan lang kami. Ahm…galit kaba sakin, Best?”

     “Hindi! Bakit naman ako magagalit? Hindi pa naman ako girl friend ni Prince para pagbawalan kita na huwag sya itext, hmm…hindi ako magagalit sayo dahil Best friend kita! Tandaan mo iyan.”

Sabi pa ni Gelina. Si Chena naman ay nanahimik nalang, wala na kasi itong masabi kay Gelina. Maya maya lang habang naglalakad parin sila sa daan ay nakita nila si Prince, kasama si Kurt na nasa  may harapan ng bilyaran nakatambay, kaya ng Makita nito ni Chena si Prince ay napayuko ito, pero nakangiti ito dahil Masaya sya na Makita si Prince.

     “Si Prince! Ngitian natin sya, Best!”

Pabulong na sabi ni Gelina. Masaya talaga ito ng makita si Prince, at nang papalapit na sila kala Kurt, at Prince ay agad na ngumiti itong si Gelina kay Prince, kaya ngumiti rin naman ito sa kanya. Pagkatapos ngumiti ni Prince kay Gelina ay sumunod na tinignan nito si Chena, hinihintay ni Prince na ngitian din sya ni Chena, para mangitian nya din ito, pero hindi sya nginitian nito. Nahihiya pa kasi talaga si Chena kay Prince.

     “Hi sa inyong dalawa.”

Nakangiting bati ni Kurt sa dalawa.

     “Hello…”

Bati rin naman ni Gelina kay Kurt na huminto pa sa harapan ng dalawa, kaya napahinto rin itong si Chena sa paglalakad. At nang nahinto ang dalawa sa harapan nila Kurt, at Prince, chaka naman nagkatinginan sina Prince, at Chena, kaya nagkangitian na silang dalawa.

     “Nakita ko na naman ang ngiti nya…hmm…ang saya naman!”

Sabi sa isip ni Chena, sabay yumuko na ito.

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon