Chapter three

60 0 0
                                    

Chapter three

     “Namamaos ako Best, hindi na naman ako makaka-awit ng maayos nito, kainis!.”

Sabi ni Chena habang nasa labas palang sila ng kanilang Church. Araw iyon ng sabado, araw din ng practice nila, kasama kasi sa mga choir ang dalawa dahil maganda ang boses ng mga ito.

     “Hmmp! Okey lang yan, edi magpangap ka nalang na hindi paos.”

At nag tawanan sila.

     Maya maya, napansin ni Gelina na nasa kanilang Church din pala si Prince, at Kurt. Naglilinis kasi ang mga ito, kaya ng makita ni Gelina itong si Prince ay natuwa ito.

     “Best yung crush natin oh! Si Prince nandito kasama si Kurt.”

     “Oo nga ah! Hmm…ano bang gagawin natin?”

     “Ano pa…edi lapitan natin sila.”

At ng lalapitan na sana ni Gelina ang dalawa, bigla naman syang pinigilan ni Chena.

     “Wait lang, best!”

     “Why?”

     “Huwag kang padalos dalos, tignan mo ang buhok mo ang gulo ayusin mo muna.”

     “Oo nga no! na exite kasi ako masyado eh! Ang gwapo talaga ng crush natin. Hmm…tignan mo yung dalawa oh! Ang puti ni Prince, samantalang si Kurt ang itim bagay sila magkasama itim, at puti. He he!”

Tatawa tawa pang sabi ni Gelina, hilig kasi talaga nitong mang asar pero kahit ganon, masayang kasama itong si Gelina, at mabait naman ito kaya nga naging Bestfriend ni Chena itong si Gelina.

     “He he he! Nakakatuwa ka talaga, best. Tara lapitan na natin sila.”

At agad na silang lumapit sa dalawa.

     “Hi…ang sipag naman ng dalawa.”

Nakangiting bati ni Gelina sa dalawa.

     “Hello…nandiyan pala kayong dalawa. Kumusta?”

Bati rin ni Kurt habang nililinis nito ang gilid ng gate ng Church nila.

     “Okey lang kami.”

Sagot ni Gelina, habang si Chena naman ay naupo lang sa isang tabi, at tahimik lang. pinag-mamasdan lang nito si Prince na tahimik lang din habang naglilinis.

     “Ano ba itong si Gelina? Natatawa ako! Si Kurt ang pinagtityagaan nyang kausapin para lang Makita si Prince ng malapitan. He he he! Mananahimik na lang ako dito para hindi mahalata, Masaya na naman ako, at nakita ko naman sya ngayon. Kaka-inlove sya talaga.”

     “I think I fallen, fallen in love with you and I don’t I don’t know what to do…”

     “Naks! Inlove ang best ko.”

Sabi ni Chena habang sila lang dalawa ang tao sa shop na binabantayan ni Chena, kaya pakanta-kanta na lamang itong si Gelina.

     "There is hope so I'm with Prince? What do you think best. "

     “ Huh! Ahm…Oo naman.”

Sagot lang ni Chena. Napapansin ni Chena na gustong gusto talaga ni Gelina si Prince kaya sumang-ayon ito dahil sa best friend nya itong si Gelina, at ayaw nyang masaktan ito.

     “Diba gusto mo rin si Prince, best?”

     “Hmm? Amh…crush ko lang sya, pero sa ngayon hindi na no! he he he! Alam mo bagay kayo ni Prince.”

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon