Chapter nine

16 0 0
                                    

Chapter nine

     “Best, kumusta na? mabuti dumalaw ka.”

Nakangiting sabi ni Chena nung nakita nito na pumasok sa shop si Gelina, pero hindi ito nakangiti kay Chena, seryoso ito.

     “Bakit parang may problema ka? Sabihin mo baka may maitulong ako.”

At naupo si Gelina sa isang upuan, at tinabihan naman sya ni Chena.

     “Oo may problema talaga ako, nasasaktan ako! Yung lalaking gusto ko inaagaw ng Best friend ko!”

Sabi ni Gelina ng prangkahan kay Chena, kaya naman nasaktan itong si Chena sa sinabing iyon ni Gelina, pero wala syang masabi dito, dahil alam naman ni Chena na sya ang may kasalanan ng lahat.

     “Sorry, Best kung prangka ako sayo, kilala mo naman ako diba? Hindi ako plastic.”

Sabi pa ni Gelina, kaya halos mapaluha na itong si Chena sa kanyang harapan.

     “Best, magkaibigan  lang naman kami ni Prince, hindi ko naman sya inaagaw sayo.”

     “Okey, sabihin na natin na hindi mo sya inaagaw! Pero parang ganon narin iyon, dahil nakikisabay ka sa kanya sa pag-uwi.”

Sunod sunod pang sabi ni Gelina.

     “Sorry, Best. Dibale…mula ngayon iiwasan ko na si Prince.”

Sabi ni Chena. Naisip nitong iwasan nalang si Prince, para lang kay Gelina.

     “Sana huwag kanang magalit sakin, Best. Ikaw lang ang nasasabihan ko pag may problema ako, ayokong magalit ka sakin, dibele iiwasan kona talaga sya.”

 Naiiyak pang sabi ni Chena, samantalang si Gelina naman ay tahimik lang. maya maya lang ay hinawakan na ni Gelina ang kamay ni Chena.

     “Sorry sa mga nasabi ko, Best. Alam mo…ayoko rin na mawala ang pagiging mag Bestfriend natin ng dahil lang sa isang lalaki, pag naloko kasi tayo, tayo lang na mag-Bestfriend ang magdadamayan diba? Pero alam mo, Best? Kay Prince ko lang nararamdaman na hindi sya ang lalaking manloloko sa babae, iba kasi talaga sya sa lahat ng lalaking nakilala ko.”

Sunod sunod na sabi ni Gelina habang hawak parin ang kamay ni Chena.

     “Tama ka, Best. Tayo tayo lang talaga ang magdadamayan, kaya nga…magpapaubaya ako, isa pa…mas matanda ako sayo.”

Sabi pa ni Chena. Masakit man sa kanya na iwasan si Prince, ay gagawin nya iyon para lang kay Gelina na Bestfriend nya na ayaw nya naman mawala sa kanya.

     Isang hapon, habang sound trip lang itong si Chena sa shop ay may naricieve na naman syang text ni Prince. Nangangamusta ito pero hindi nya nalang ito nireplyan. Gusto na kasi nitong iwasan si Prince.

     “Alam kong imposible naman na magustuhan mo rin ako, Prince. Mabuti pa siguro na habang maaga ay iwasan nalang kita, baka kasi mawalan din ako ng Bestfriend, ayokong manyari iyon dahil mahirap makakita ng isang tunay na kaibigan, hay…”

Sabi pa sa isip nito.

     “Siguro walang load kaya hindi sya nagrereply, sayang naman.”

Sabi ni Prince, habang nakatambay lang ito sa labas ng kanilang madalas tambayan. Maya maya ay si Gelina nalang ang tinext nito, at nagreply naman ito agad sa kanya kaya si Gelina ang katext nito ngayon.

     “Pre, samahan mo naman ako, may bibilhin lang!”

Sabi bigla ng isang kasamahan ni Prince, nagpapasama kasi ito sa tindahan na medyo malapit lang sa shop na pinag-tatrabahuhan ni Chena, kaya naman agad naman na pumayag itong si Prince. Gusto kasi nitong Makita si Chena.

"Just tell me you love me"        "Crizymarsh"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon