Detective Conan last episode (Fan Fic)

866 7 9
                                    

(Author's Note: Ang Kwentong ito ay isang Fan Fic lang ng Detective Conan.Ito lang ang naisip ko na last Movie ng Detective Conan. Bakit Movie? wala lang gusto ko lang. Base lang din ito sa mga napakita na bagay-bagay katulad ng mga invented na gadgets ni Professor Agasa at ang mga tauhan ng black organization. Di kasi tayo sigurado kung dadagdagan pa ng tunay na Author ng Detective Conan. Sana masiyahan kayo sa kwento na nagawa ko. Mas masaya to kapag sinamahan niyo ng imagination niyo. Yun lang sige basahin niyo lang)

--------------------------------------

( Kaito Kid POV )

*Tunog ng Baril*

"Bakit mo ginawa yun, GIN?" paghihinalong tanong ng babae na dilaw ang buhok na napahiga sa lapag.

"Paalam na VERMOUTH, salamat sa serbisyo para sa organization"

Sabi ng lalaki na nakaitim at mahaba ang buhok. Napalingon siya akin na nasa bintana na nakatayo na nagbabalak pumasok. Tinutukan niya ako ng baril kaya lumipad ako palayo.

*Tunog ng mga Police Vehicles*

"Ayos ang dating nila, Dito muna ako para pumunta sila dito at makita ito" bulong ko sa sarili.

Sumilip ako sa loob ng bintana habang lumilipad at nakita ko ang lalaking mahaba ang buhok (Gin) na may pinainum sa lalaking duguan. Nang papainumin na niya ang babae na dilaw ang buhok (Vermouth) biglang lumapit ang kasama niyang malaki ang katawan at tinawag siyang kuya (Vodka)."Halika na kuya, may mga pulis sa baba"

"Bwisit na magnanakaw na yun, sinusundan siya ng mga pulis."

Nakita niya ako sa bintana at binaril ako, tinamaan ang braso ko at di sinasadyang napindot ang button kaya sumara ang hang glider ko kaya bumagsak ako ng biglaan sa balcony ng apartment.

"Kuya ano bang ginagawa mo?"

"Kailangan natin patahimikin ang isang to"

papainumin niya sana ako ng gamot ng bigla siyang inatak ng lalaking malaki kaya nahulog niya ang isang tableta ng gamot. Dali-dali silang tumakbo kaya tumayo na ako at dinampot ang gamot. Pagkadampot ko may naaninag akong tao sa kabilang kwarto lalapit na sana ako para tignan ng dumating si Inspector Nakamori.

"KID! Sumiko ka na sa mga pulis"

tumakbo siya palapit sa akin kaya dali-dali akong lumabas at lumipad palayo. Habang lumilipad ako, ito lang ang nasa isip ko. Kung sino kaya ang mga lalaking nakaitim na yun?Kung anong organization ang sinasabi nila? Kung ano ang gamot na ito at kung sino ang nasa kabilang kwarto? Alam ko malalaman ko rin yan. Sabay ngiti.

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon