Part V

128 3 2
                                    


(Conan POV)

"Breaking News: Kaito Kid reveal his new heist."
Sabay patay ng tv
"Conan! Nandito si Professor Agasa"
"Saglit lang Ate Ran, pinapanood ko pa yung balita"
"Mamaya na yan" tumayo na ako pagbukas ng pinto nandun si Prof. Agasa.
Pinapasok siya ni Ran
"Prof. Agasa, naparito ka?"tanong ko
"Gusto kasi kitang isama papunta sa dati kong kaibigan, Ran! Gusto mo rin ba sumama?"
"Ako? Okay lang po wala naman po akong gagawin saka wala naman po si Papa dito" Sagot ni Ran
"Nasaan siya ngayon?"
"Pumunta siya sa paghuli kay Kid"
Hapon na nakarating kami galing Osaka at mamayang 7 ng gabi ang manifesto ni Kid. Ang pinagtataka nila ay biglang nag-iba ng target ni Kid. Ang una niyang heist ay ang Tears of Siren. Isang malaking hikaw na gawa sa pure pearl na may halong diamonds. Tears of Siren ang tawag dahil pinaniniwalaan na galing ito sa isang mangingisda na nakapag-asawa ng sirena. Tapos bigla na lang nawala ang babae at naiwan ang hikaw. Sad story, sana malaman ko anong bagong heist ni Kid. Hindi kasi kami sinama ni Kugoro at nayaya pa ako ni Prof. Agasa.
Papunta kami ngayon sa isang hotel. Napakaraming tao at ang sinabi lang ni Professor ay may pupuntahan siyang party ng kaibigan niya. Ang pinagtataka ko, bakit ang daming pulis sa labas ng hotel na nakaabang. Pagpasok namin nakita ko ang tarpaulin na nakalagay ay "Yusaku Book Signing ".
"Professor Agasa, hindi mo naman sinabi na pupunta ka sa book signing ni papa" bulong ko.
"Sorry, gusto ko sana masopresa ka. Tutal matagal na din kami hindi nagkikita"
"Yun lang ba?"
"Sasabihin ko din yung pinapahanap mo sa akin"
Muntikan ko na makalimutan ang tungkol dun saka gusto ko malaman yung libro ni dad.
"Tungkol kay Haibara? May impormasyon na ba?"
Tumango lang si Prof.
Kasalukuyan ngayon na kasama ni Mom si Ran.  Nililibot siya sa conference hall. Kami ni Prof ay nakaupo sa table namin na nakalagay sa banda kanan at harap ng stage. Kaya kitang-kita kami ni Papa na nasa stage ngayon. "I dedicate this story for a certain person that inspired me. My close friend who died in an accident. This whole incident is a big mystery so I come up of an idea to make it a story and I'm so thankful that I'm safe after the car accident happen in Osaka. That was a supprise but ofcourse "

Car accident?

"Agasa, pwede mo bang makwento ang tungkol sa katahuhan ni Kaito "
"Bakit mo biglang natanong yan?"
"Basta dali na Professor"
"Hindi pwede dito, masyadong maraming tao at maaring may makarinig sa atin"
Napatingin kami kay Mama dahil bigla niya akong tinawag.
"Professor,ilayo mo muna si  Shin-chan. Nandito ang kaibigan namin na kilala si Shinichi nung bata siya" bulong ni Mama.
"Narinig mo Mama mo. Umalis ka muna" ng tatakbo ako palayo nakita ko si Mama na may lumapit sa table nila. Matandang lalaki, medyo mataba na parang si Agasa. May kasama siyang babae pero di ko makita ang mukha. Para bang kinagulat ni Mama na makita siya. 
Lumabas ako sa hall at dumiretso sa cr. Binuksan ko agad ang speaker sa eyeglass ko. (A/n: I'm sure na alam niyo na kung anong gadget to. Para sa di nakakaalam yung dulo ng eyeglass niya ay isang mic at yung kabila ay speaker. Natatangal yung mic ay binigay niya kay Agasa para marinig niya ang usapan kahit malayo siya.)

"Kamusta na kayo Mrs. Kudo? Kayo din Agasa? Ang tagal na ng huli nating pagkikita"  medyo malalim ang boses nang nagsasalita.
"Mga sampung taon na rin Mr. Hikaru.  Siya nga pala, buti at nakarating kayo"
"Gusto ko kayo makamusta nila Yusaku saka si Shinichi. Siguro malaki na siya."
"Hehehe naku! Lumaking napakagwapo ng batang yun" parang labas sa ilong.
"Nandito rin pala ako dahil kay Kid."
"Kid? Si Kaito Kid?" Tanong ni Agasa.
"Kasalukuyan kasing nasa pangangalaga ko ang bagong heist ni Kid. Kaya maraming pulis sa labas. Nakaexhibit ang alahas sa taas. Kaya nakapunta ako dito pero okay lang dahil sobrang tagal na natin hindi nagkikita"
Wooh!  Nandito si Kid.  Swerte naman.  Ang kailangan kong alamin kung nasaang floor.  Lumabas na ako ng cubicle ng may narinig akong ingay sa kabilang cubicle. 

Ran POV

"Sonoko?! " nagulat ako ng makita ko si Sonoko sa lobby ng hotel.  Hindi ko kasi akalain na sasama siya.
"Ran! " biglang tumakbo sa akin si Sonoko at humakbay.
"Bakit nandito ka? " sabay kami nagtanong.  Nagkatitigan kami at nagtawanan. 
"Akala ko hindi ka kasama sa papa mo? "
"Niyaya kasi kami ni Prof.  Agasa sa party ng dati niyang kaibigan.  Hindi ko naman akalain nandito rin sila papa"
Tinawagan ako ni papa kanina at nalaman ko na nandito din siya.  Paakyat palang ako ng makita ko sa lobby si Sonoko.  "Ikaw,  anong ginagawa mo?"
"KID" nakangiti pa siyang sinabi yan.  Sonoko talaga.  Minsan hindi ko maintindihan. 

"Papa! " napasigaw ako dahil nakita ko si papa lumabas sa elevator. 
"Ran, sakto may papakilala ako sa iyo" may babae na lumapit sa akin. 
"Siya si Aoko,  anak ni Nakamori.  Pwede bang samahan niyo muna siya habang nandito siya.  Iwan ko na muna kayo" sabay alis ni papa.
"Hi!  Ako pala si Aoko Nakamori,  nice to meet you"

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon