Part IV

207 6 0
                                    


 ( Kaito Kid Pov ) 

 Nasaan na yun? Tinignan ko ang kwarto pero wala siya. Nakakapagod na kahahabol sa babae na yun. Bakit kasi kailangan ko pang habulin siya? Ang tanga ko talaga. Woh! ang hirap maghanglider ng may sugat sa braso. Muntikan na ako mahulog babalik na lang ako para mabigay ko ang manifesto ko. Habang nakasakay ako sa elevator ay may naiisip akong bagay pero hindi siya malinaw kung ano?. Pagbukas ng pinto ng elevator sa floor kung nasaan si Kudou ay nakasalubong ko si Aoko. Pagtingin ko sa tabi niya nandun si Kudou. Kung ano man ang napagusapan nila sana hindi na niya malaman kung sino ako talaga. Ngumiti na lang ako kay Kudou na parang sinasabi ko sa kanya na "malalagot ka sa akin". Pagtingin ko kay Aoko ay nakatitig siya sa akin. Ginulo niya ang buhok ko at nilapit ang mukha niya sa akin para lalo niya matitigan ang mukha ko. Naramdaman ko na medyo namula ang mukha ko habang nakatitig siya. Nilayo ko ang mata ko sa kanya para hindi niya mapanin na namumula ako. 

"Anong problema? Sino ka?" tanong ko kay Aoko para hindi niya mapansin kung sino talaga ako. "Kaitou umayos ka alam kong ikaw yan" ano ba yan narinig ni Kudou. 

"Ano bang sinasabi mo miss? Pangalan ko ay Shinichi Kudou"

 "Bakit kamukha mo siya? Wag ka nang mangloko, hindi na masaya itong laro mo" habang sinasabi niya ito ay napatitig ako sa mata niya at bakas ang kalungkutan. Paglingon ko kay Kudou ay tumuro siya sa papel. Natandaan ko magkikita pala kami dahil nagkaaway kami. 

"Miss hindi kita kilala sorry baka nagkamali ka lang" pagtingin ko sa kaliwa ay nakatayo ang girlfriend ni Kudou. 

"Oo nga, sorry napaghinalaan kita kasi kamukha mo siya. Sorry" lumakad siya pasakay sa elevator pagkadaan niya sa akin ay may nakita akong patak ng luha niya. Gusto ko siyang habulin kaso nagsara na ang pinto. Pagtingin ko sa girlfriend ni Kudou, ang sama ng tingin at tumakbo papunta sa hagdan. 

"Ayaan mo na lang siya"sabi ni Kudou. 

"Ang weird ng mga babae noh?"

 "Sinabi mo pa" pagkasabi ni Kudou ay naglakad na siya papunta sa kwarto ng kaibigan niya.

 "Ano pala napagusapan niyo ni Aoko?" alam ko naman na hindi siya magsasabi ng totoo. 

"Wala, nagtanong tungkol sa kanya, grabe anak pala siya Nakamori pero hindi halata."

 yun lang? Alam ko na may tinatago siya. Bakit ko kasi sinabi ang tungkol kay Aoko. 

"Alam ko hindi mo na kailangan ulit-ulitin, sigurado ka yun lang napagusapan niyo?" 

"Bakit may iba pa ba kami na dapat pagusapan?" sabi ni Kudou . 

"Wala naman" mas nakakahalata siya basta kailangan ko ngayon ay magingat kay Kudou. Saglit ang manifesto ko kailangan makabalik na ako sa Tokyo.

"Siya nga pala Kudou hindi ko nasundan ang babae, aalis na ako bahala ka na sa lahat ha". Pumasok na siya sa kwarto kaya tumalikod na ako.pababa na sana ako sa hagdan ng sumalubong sa akin ang girlfried ni Kudou. Ito na naman tayo. 

"Siguro tama si Sonoko" umiiyak siya habang binabanggit ang mga salitang yun.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

 "Nakita ko na masaya ka kausap ang babae kanina sa harap ng elevator at namumula ka pa" bakit ba ganinto ang girlfriend ni Kudou? Wala ako ibang nagawa kundi yakapin na lang siya. 

"Tahan na wag ka nang umiiyak, ano ka ba iba ang pagmamahal ng matagal nagkasama" 

 "Ibig sabihin mahal..." napahinto siya sa pagsasalita dahil nakita kami ni Kudou mula sa taas ng hagdan.

 "Sige Ran kailangan ko na umalis" dali-dali na ako tumakbo paalis 


 (Conan POV) 

Isang araw lang ang lumipas pero napakarami nang kaguluhan. Ano kayang problema ni Ran minsan hindi ko talaga siya maintindihan. Pagpasok ko sa kwarto ni Hattori biglang tumunog ang phone ko. 

"Oh! Kudo! Nandyan ka na pala may tatanong ... " sumenyas ako kay hatori na tumahimik. 

 "Agasa? Napatawag kayo?" 

"Kudou, nakidnap si Haibara" 

"Professor? Kailan pa? Paano? Hindi wag mong sabihin na nasa likod nito ay Black Organization?" 

"Kudou kalma ka lang. Humingi na ako ng tulong sa pulis. Mahahanap din natin siya" 

 "Saan ba siya nawala?" 

"May iniwan lang siyang phone call" 

" Sige! Sabihin mo lang kapag may improvement sa paghahanap sa kanya. Saka pwede mo ba alamin ang tungkol *******" 

"Okay"   binaba ko na ng phone. Sana makita siya. Saka kung tama ang hula ko hindi pwedeng sila Gin yun dahil nandito sila sa Osaka. Ngunit kung ngayon lang nangyari yun maaring nasa Tokyo na sila. Asar, pinatakas ko pa si Vermouth. May dahilan kung bakit siya pinagtaksilan ng Black Org. Asar! 

"Kudou!" sigaw ni Hatori 

"Anong problema?" 

 "Nawawala si Haibara" 

"Makakabalik din yun. Matalino naman siya" 

"Hindi sa nawawala, nakidnap siya. Kailangan ko malaman kung bakit siya kinuwa"

"Subukan mo muna maginbestiga sa nangyari ngayon" Sabay pinakita ni Hattori ang dyaryo.

"Totoo ba ito? Naaksidente ang magulang mo?"

"Oo, nandito rin sila sa hospital na ito"

"Bakit parang ang dami kong nalagpasan na mahahalagang bagay?"

"Hindi mo na kailangan kasi malaman yun"

"Hahaha magaling kaya ako. Sa talino ko nga masasabi ko na magkaconnect ang nangyari sa tatay mo saka nangyayari ngayon""Tumigil ka nga sa kalokohan mo""Joke nga diba?""May laptop ka ba diyan? Kasi may binigay si Kid na memory card""Wala, sabihin mo muna kung anong nalalaman mo na"naglakad na ako papuntang pinto. Ayan ko na si Hattori haha."Hoy! Kudou! wag ka namang ganyan"Humarap ako sa kanya sabay dila bago ko isara ang pinto. Nasa isip nanaman nun "Hindi ako magpapatalo kay Kudou!" (A/N: paki-imagine na lang po ang mukha ni Hattori pagnagsasalita siya ng ganyan para mas enjoy) Dumiretso ako sa kwarto ni Papa"Shin-Chan, ano nangyari? Nakita ka ba ni Sharon?""Hindi, saka nakaalis na siya. Ma, may laptop ba kayo jan?""Anak, gabi na hindi ka pa ba susunduin ni Ran""Dali na papanoorin ko lang ito" pinakita ko sa kanya ang memory card. Habang pinapanood ko ang video may nakita akong napakalaking revelation. "Ang logo na yan" sabay turo ni mama sa logo sa letter na nakalagay sa video. (A/N: nasa photo yung logo. Oo sinabi ko yan bilang clue sa mystery)"Shin-chan parang pamilyar ang sitwasyon na ganyan. Sa pagkakaalam ko ganyan din ang topic ng libro ng tatay mo""Ma, pwede bang mabasa ang libro?""Hindi pwede. Hintayin mo ang release ng libro hindi naman yun magtatagal dahil bukas mabibili na yun sa mga bookstore"Bukas pa. Ano kaya halaga ng memory card na ito kay Vermouth? Kailangan ko na pagdugtungin ang mga nangyayari. "Shin-Chan matulog ka na para lumaki ka""Saglit lang may tatawagan ako"****ring****"Hattori tingin ko tama ka""Huh?"--------END OF CHAPTER---------Author's note: Nagtaka ba kayo bakit tumawag pa si Conan samanthalang dun lang room ni Hattori? Para mystery yun lang. sorry sa sobrang tagal ng update dahil medyo nabago yung plot dahil sa revelation sa Detective Conan. Isasama ko sana sa kwento na si Subaru ay si Akai pero nareveal sa movie 18. Kaya nabago ang plot ko. Dito sa chap na ito dapat isasama, kung natatandaan niyo ang sky bridge dapat nandun si Subaru na dapat tutulong tungkol sa memory card. hahaha Idea ko lang po yan. Shinare ko lang sa inyo para may idea kayo ng original na kwento na naisip ko. Ang nagpatagal din dito ay pagrevise ng plot tapos busy ako dahil college student.Kaya ang istorya na ito ay maraming gawang bagong character para mapaganda lamang. Kung may maiba man na mangyari sa tunay na kwento tulad ng kay Subaru sana intindihin niyo na fan fic lang po. Iba ito sa nasa isip ng tunay na author ng DC. See you at next chap 

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon