PART II

340 4 4
                                    

Tumawag ako sa ambulance. Dinala kami sa Osaka General Hospital. Tinawagan ko si Ran at sinabi ang nangyari kaya pumunta sila dito sa ospital. Hindi ko sinabi ang tungkol sa Black Organization. Alam ko kung gaano kadelekado kapag binanggit ko yun. Dumating din ang pamilya ni Hattori at ibang pulis. Si Hattori kasi ay napilayan ang kanang paa niya kaya kailangan niyang magstay sa ospital. 

"Heiji, ayos ka lang ba? buti na lang walang nangyaring masama sayo"

"Ma, ayos lang ako wag mo na akong yakapin masakit ang sugat ko sa balikat"

"Sorry, ano ba kasing iniisip mo? Ayaan mo na ang pulis ang manghuli kay Kid"

Sabi ng tatay niya. Lumabas na ang mga bisita kaya kami na lang dalawa ang natira sa loob.

"Kudou!"

"Bakit Hattori?"

" Sila ba ang Black Organization? Bakit nila sinusundan si Kaitou Kid"

"Ewan ko pero tingin ko konektado sila sa kasong ito kailangan natin mag-ingat"

"Sandali! Tingin mo nakita nila ang mukha natin" Pagtatakang tanong ni Hattori

"Tingin ko hindi kasi kung nakita nila tayo siguro sinusundan na tayo ngayon"

"Hayaan mo! mahuhuli rin natin sila Kudou"

"Sana ito na ang simila ng kanilang......."

Bigla akong tumigil at napatingin sa pinto. Parang may taong nakikinig sa amin. Sino kaya yun?

"Bakit? May problema ba" tanong ni Hattori.

"May tao na nakikinig sa atin sandali lang titignan ko kung sino"

dali-dali ako lumabas at sa hall nakita ko si Kazuha at Sonoko. Tinanong ko sila kung ,ay nakita silang tao na dumaan o nasa harap ng pinto ng kwarto ngi Hattori. Umikot ako sa buong floor at nagtanong kung may taong dumaan sa nurse station at wala daw silang nakita kundi sila Ate Kazuha. Bumalik ako sa kwarto ni Hattori at pagdating ko nandun sila Ran na nakaupo sa tabi ni Kazuha. Pagkita ko ay hinugot niya ang phone niya at tumawag siya. biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tintawagan niya ang phone ni Shinichi. Lalabas na ako ng bigla akong pinigilan ni Ran.

 "Saan ka pupunta Conan" 

"Sa Cr" 

"Dito ka muna mamaya ka na pumunta"

Nakakainis ayaw niya ako paalisin. Alam ko na! Tinangal ko ang relo ko sa kamay at patagong tinago sa bulsa ko. 

"Ate Ran, hahanapin ko lang ang relo ko naiwanan ko yata sa labas, mahalaga yun dahil bigay yun ng mama ko"

Pinakita ko ang braso ko sa kanya para mapaniwala ko siyang nawawala talaga ang relo ko.

"Sige! bilisan mo"

Tumakbo ako palabas at pumunta sa banyo at sinagot ang phone.

( Ran's POV  )

"Ran, Bakit ka napatawag?"

"Shinichi wala bang nangyaring masama sayo"

"Ayos lang ako"

"Pwede ka ba makipagkita sa akin ngayon?"

"Hindi busy ako may inaasikaso akong kaso ngayon, gusto mo tawagan na lang kita kung kailan ako pwede"

"Nasaan ka ba? gusto mo puntahan kita?"

"Sige! Ran may gagawin pa ako" 

Binaba nanaman niya. Nakakahinala na talaga. Sana nagkamali lang ako. Pero palagi ko na lang naiisip ito. Pero sa ibang tao ko na narinig na si Conan ay tinawag ni Hattori ng Kudou. Kung totoo yun paano naman nangyari yun? Paano naging si Conan at Shinichi ay iisa?  Hindi rin naman siguro si Shinichi ang tinutukoy ni hindi kaya ...........................

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon