Part VI

70 1 8
                                    

( Kaito Kid Pov)

Paglabas ko ng cubicle bigla kong nakita si Kudo. 
"Kid!! "
"Yo! " pagngiti ko sa kanya biglang may bola na parating sa mukha ko.  Nakailag ako sabay takbo.  Ang bilis niya buti nakaiwas ako. 
"Hoy! Saglit lang" tumakbo ako papunta sa fire exit at pagbukas niya ng pinto pinasabugan ko siya ng sleeping gas.  Tumakbo ako paakyat.  Napunta ako sa floor na puno ng pulis. 
"Hehehe napadaan lang" nabangit ko na lang dahil nakatingin sila lahat sa akin. Napakamot ako ng batok ko. 
"Kudo,  good timing" sabi sa akin ng lalaki nakablue suit

( Conan Pov )

Nasa third floor ako ngayon dahil napatakbo ako pababa.  Nakakainis dahil napakawalan ko nanaman si Kid.  Oo lagi na lang. 
Papunta ako sa elevator ng may nauna sa akin, Si Bourbon.  Nagtago ako sa pillar na design ng hotel at pagsilip ko nakita ko ang babae na kasama ni Mr.  Hikaru.  Sumunod ito kay Bourbon sa elevator.  Napatakbo ako pabalik sa conference hall para sabihin kila mama ng biglang may tunog ng bomba.  Nagdilim ang buong hallway at napalingon ako ng may tumawag ng "Kudo? "

( Ran Pov )

"Aoko subukan mo ito" inabot ko ang blue dress sa kanya.  Nasa mall kami ngayon malapit sa hotel.  Nililibot namin si Aoko kasama si Sonoko.  Kakilala lang namin ni Aoko pero kung magtrato kami sa isa't isa parang matagal na magkaibigan. 
Familiar siya pero hindi ko matandaan saan kami nagkita. Masayang kasama si Aoko.  Binibilan namin siya ng damit bilang souvenir.  Tumitigin ako ng damit na babagay sa kanya.  Pero maganda si Aoko kaya alam ko na lahat babagay.  Nasa dress section kami ng biglang may kumalabit sa akin. 
"Ran?! "
"Mom! " napayakap ako sa kanya.
"Ginagawa mo dito? Oh,  ang ganda naman ng dress na hawak mo"
"Mama,  para ito kay Aoko" tinuro ko si Aoko. "Anak po siya ng kaibigan ni Papa"
"Hello po! Ako po si Aoko Nakamori.  Nice to meet you" ngiting bati ni Aoko.
"Nakamori.....? Anak ka ni Detective Nakamori?! "
Natawa ako kasi yung reaction ni mama. Hindi mo talaga aakalain na mag-ama sila.
"Busy na naman mga tatay niyo kakahuli kay Kaito. Hindi na nga nila mahuli si kaito napapabayaan pa nila mga mahalaga sa kanila" napatulala na lang kami ni Aoko. "Ano ba, wag niyo na isipin yun.  Ganto lang mga nagkakaedad na"
Nagtawanan na lang kami ng biglang may narinig kaming pagsabog. Tinawag ko agad si Sonoko, sabay takbo palabas ng mall. Napapaligiran na ng bumbero ang hotel at ang mga pulis nakakagulo na dahil sa pagsabog na naganap. "Aoko!!" pahingal na tawag ni Detective Nakamori. 
"Buti at ligtas kayo, Ay Mrs. Mouri kayo pala. Aoko isama mo sila sa mga patrol para madala kayo sa headquarter.  Dun ka muna dumiretso, kailan ko pang tumulong sa pag-aayos"
"Sige po papa" sagot ni Aoko
"Detective nakita niyo po ba ang papa ko? Kahit yung batang kasama niya na nakasalamin? "
"Hindi, pero sasabihin ko pagnahanap ko sila. Sige na pumunta na kayo"
Pagdating namin sa mga patrol nakita mga magulang ni Shinichi at si Prof. Agasa. Tinanong ko din sila kung nakita nila sila Papa at Conan dahil nag-aalala ako. Kasama nila si Conan kanina pero nagcr daw kaya nahiwalay sa kanila. Dinala na kami sa headquarters na kasama si Mama. Hindi man niya aminin pero nag-aalala siya kay Papa. Nagulat kami ng makita namin si Papa sa headquarter pero wala pa rin si Conan. 
"Shinichi?!!" pagkita ko nasa gilid siya kasama ni Shiratori.
"Kaitou!! Anong ginagawa mo dito?"
Kaitou??
biglang lumapit si Aoko kay Shinichi.
"Hindi ba si Shinichi yan"
"Ano ka ba makikilala mo naman anak natin" sagot ng mama ni Shinichi. 
"Kamukha siya ni Shinichi" yan na lang nasa isip ko. 
Natandaan ko na saan ko nakita si Aoko.  Sa hospital, nakausap niya sa elevator si Shinichi.  Napatingi ako kay Prof. Agasa.
Biglang nagring cellphone ni Prof.  Agasa.

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon