Part VIII

117 0 0
                                    

(Conan POV)

"Toichi Kuruba, Master of Disguise"

Papunta kami ngayon sa tirahan nila Kaito.
"Si Toichi Kuruba, kilala sa buong mundo bilang Master of Disguise. Maraming sabi sabi na siya si Kaito Kid. Dahil sa galing niya sa pagdisguse, maraming naghinala sa kanya. Siya nagturo sa amin ni Sharon magdisguise" sabay kindat ni mama. Pwede bang huwag na niyang ulitin yun. "Professor, ano pang naresearch mo?"
"Ah! Tungkol sa pagkamatay niya. Hanggang ngayon misteryo pa rin. Wala kasi silang nakitang katawan"
"Ito yung libro ng Papa mo" inabot ni mama ang libro. " Nakalagay ang kwento jan tungkol sa pagkamatay ni Toichi. May ibang parte na likhang isip lang pero yung detalye nanjan. Ginawa ng Papa mo yan bilang last book niya. Alam kong hindi natin alam kung sino makakaharap natin pero ito naisip naming paraan para malure out ang suspect."
"Ma, wag mong sabihin yung huling aksidente ninyo dahil sa libro?"
"Siguro"
"Ah? Bakit hindi ka sigurado?"
"Bata ka, alam mo naman na hindi ka basta basta magcoconclude ng walang ebidensya. Hayss... Ang natandaan ko nun may building na sumabog. Nahulog ang debris kaya napatigil kami sa gitna nang biglang may black na sasakyan na binungo kami sa gilid" black na kotse??!!
"Ma, black ba na porsche at bumabaril yung tao sa loob" Napatingin si mama sa akin.
"Paano mo nalaman?"
"Nandun kami ni Hattori. Sinusundan namin yung itim na sasakyan nang may sumabog na building."
"Black Org?"
"Hindi ko din alam. Nung una akala ko yung pagsabog sa building para kay KID, pero ngayon tingin ko yung pagsabog hindi ang Black Org ang nagpasimula kundi yung taong hinahanap niyo ngayon. Dalawang beses na kayong pinagtangkahan" biglang napatahimik kaming lahat. Kung tutuusin pinili nila Mama to pero nakakakaba pa rin kahit handa sila.
"Ibang tao ang nasa likod ng pagsabog" nagsalita na ako para mabawasan ang tension at kaba.
"Shin-chan, kanino mo nakuha yung memory card?"
"Kay Kaito Kid. Inabot niya sa akin. Nakuha niya kila Vermouth"
"Kaya nasa hospital si Sharon" kinukwento ko kay mama lahat ng nangyari at paano nagkita si Vermouth at Kid.
"Yung kamukha mo!!! Si Kaito Kid at Kaitou Kuruba iisa!!. Kaya nung chineck ko hindi maskera dahil makamukha kayo"
"Ngayon mo lang narealize hehehe" sabay kurot niya sa pisngi ko.
"Malapit na tayo" tinanggal na ni mama yung kamay niya. Sobrang sakit nang pisngi ko.  Kung tutuusin maswerte si Kid dahil malaya niya nagagamit katauhan ko. Nakakainis pag naiisip ko mga kalakohan na ginagawa niya gamit pangalan ko. Tinuro ni Mama yung daan kay Professor. Binasa ko na rin ang libro.

(Author's Note: para sa nakakaalam nang pagkamatay ni Toichi Kuruba pwede niyo na iskip ang note ko. Sa hindi pa, igoogle niyo tapos balik kayo JOKE! Mula sa Magic Kaito, sinabi dun na naglaho siya. May magic show sila. Habang nakasakay siya sa roller coaster ay maglalaho siya. Sa kasamaang palad hindi bumalik ang katawan niya. Naniniwala sila Jii at Kaitou na ang organisasyon na gustong makakuha nang pandora ang may pakana. Para mas malinaw manood na lang kayo ng Magic Kaito XD )

Nakarating na kami sa bahay nila Kaitou. May sumalubong sa amin na matanda.
"Jii-san, nandito ba si Yusaku"
"Oh! Yukiko-san nasa loob si Yusaku" pinapasok niya kami. Tumuloy kami sa sala nila.
"Dito muna kayo, tatawagin ko lang si Yusaku"

Akala ko nung sadyang magnanakaw lang si Kid. Mayaman naman siya bakit kailangan pa niya magnakaw?
"Yan si Toichi"
Nakita ni Mama na nakatingin ako sa family photo nila Kaitou. Hindi mapagkakailang na magkamukha sila ni Papa.
"Bakit makamukha sila ni Papa"
"Hindi ko din alam, ang sabi nang papa mo magkaibigan sila"
"Edi magkakaibigan sila nila Professor"
"Hindi, walang gaanong tao nakakaalam na magkaibigan ang papa mo at si Toichi"

"Yukiko" sambit ni Papa

A hour ago

(Kaitou Pov)

Nakakakaba!! Bakit magkakilala sila.
"Master, ituturo ko lang daan papunta sa hideout"
"Saglit! Hindi ako papayag na may ibang pupunta dun. Sagutin mo muna tanong ko. Paano mo nalaman tungkol sa hideout?"
"Alam kong maghihinala ka ito." May inabot siyang usb
"Nandyan yung survellience camera ng pagkamatay ni Toichi"
Napatulala na lang ako kasi hindi ko alam sasabihin ko.
"Panoorin mo yan. Para kahit papaano may hint tayo sa pagkamatay ni Toichi"
" Sagutin mo muna tanong ko. Paano mo nalaman ang tungkol sa hideout?!"
"Ako ang unang tao nakalaman nang pagkatao ni Kaito Kid"
"Master, sorry kung hindi ko sinabi tungkol dito" bangit ni Jii.
"Walang pupunta sa hideout ng walang pahintulot ko" sigaw ko.
Kinuha ko ang usb at tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Present time

(Conan pov)

"Kinausap mo si Kaitou?" tanong ni Mama.
"Oo, pero hindi ko pa nasasabi lahat. Nasa kwarto pa rin siya"
"Pagpasensyahan niyo na medyo nabigla sa pangyayari si Master"
"Wag kang masyadong mag-aalala Jii. Yukiko may idea ka ba saan nakalagay yung info tungkol sa percieving bracelet?"
"Percieving Bracelet?!!" Sabay naming banggit ni Jii-san.
"Hindi mo ba alam tungkol sa Percieving Bracelet?" Tanong ni mama kay Jii.
"Alam ko ang tungkol sa Percieving Bracelet pero anong info kailangan niyo nandito?"
"Ang Percieving Bracelet ang may Pandora na kasalukuyang hawak ni Hikaru. Sasabihin ko ang lahat kapag handa na makinig si Kaitou"
"Matalinong bata si Master, madadala siya nang emotion niya pero alam kong makikinig din siya"

AHE..HEMM... MATALINO

"Kudo, wag mag-ganyan nang mukha alam ko nasa isip mo" wow nandyan na pala siya. Lumapit sa amin si Kaitou.

"Tuloy mo na sasabihin mo at may sasabihin ako"
"Una sa lahat pumunta ako dito para bigyan ka ng impormasyon. Alam kong ikaw si Kaito Kid. Hindi pwedeng magpalaboy ka nang walang alam dahil sa panahon ngayon hinahanap ka na nang mga pumatay sa Papa mo at nang Black Organization. Si Hikaru may hawak ng Bracelet at balak niyang palabasin ka. Sinulat ko ang libro tungkol sa pagkamatay sa Papa mo. Isa yun sa dahilan bakit nagpakita na siya."

Saglit!!!

"Susunod, kahit may makakuha nang pandora, hindi nila ito magagamit dahil kayo ni Toichi lang ang may kakayahan. Hindi ko alam kung paano kaya ko pinapahanap ang aklat na alam ko nandito sa inyo."
"Pa, saglit yung pagsabog sa hotel! Nakita ko si Bourbon saka yung babae na kasama ni Hikaru nung nasa elevator ako sa labas"
"Si Sharon yung babae na kasama ni Hikaru" sagot ni Mama
"Kagagawan yun ni Hikaru. Alam niyang may alam ako tungkol sa Bracelet. Nagpaconference ako para lumabas ang suspect pero di ko akalain na gagamitin din niya yung chance na mapatay kami sabay ni Kid"
"Tungkol sa usb, saan niyo nakuha yung vid?" Tanong ni Kaitou
"Nakuha ko yun sa memory card na inabot ni Shinichi" sagot ni papa
"Binigay mo yung memory card sa akin sa hospital"
Nagulat si Kaitou sa sinabi ko. Napatingin siya kila mama at nagtanong "Sino si Semillion at Vermouth?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Detective Conan last episode (Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon