Chapter # 13
"Second Encounter of Mr. G""Negroooooooooooo!!!!!" Malakas na sigaw ko. After one million years nahanap ko din siya sa building nila.
Buset kasi ang negrong toh! Ako pa talaga ang pinapunta sa building nila.kalalaking tao eh! Nakakapagod kaya tsk!
Lumingon naman siya sakin at nang makita niya ko isang malaking emong muka ang nakita ko hahaha epic. Patakbo akong lumapit sa kanya at siya naman naka pamiwang.
"How many times do i need to tell you to stop calling me NEGRO!!!" bungad niya sakin ng nasa harapan na niya ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin " bakit may reklamo ka?" Maangas na tanong ko sabay hablot sa colar ng uniform niya.
"Whow wow relax lang haha di ka mabiro. Cute cute mo talaga " sabi niya sabay kurot sa ilong ko.
Napabitaw ako sa pag kakahawak ko sa kanya."oh! ano na? akala ko ba ililibre mo'ko ngayon ng lunch?" tanong ko sa kanya. nangako kasi siya kanina na gagawin niya lahat mag kabati lang kami. so? sino ba naman ako para tumanggi? diba? kaya ayun sabi ko libre niya ako lagi ng free lunch.
"oo na. mamumulubi talaga ako sayo minne. " simangot na sabi niya. sabay kamot sa ulo niya.
"So? nag rereklamo ka na ngayon? edi wag mo na lang ako ilibre. basta di parin tayo bati." sabay bilat ko sa kanya. " jan ka na nga" akmang aalis na ko ng hablutin niya yung kamay ko pabalik sa harap niya.
"To naman. joke lang ayus lang mag hirap ako kakalibre sayo wag ka lang magalit sakin. huh!" inakbayan niya ako sabay gulo sa buhok ko.
Tinapik ko naman yung kamay niya. "ano ba charles, guluhin mo na lahat sakin wag lang ang buhok ko.ang hirap hirap kaya mag ayos ng buhok tsk! " reklamo ko.
" wow! ang arte mo na ngayon ah! eh dati naman di ka naman nagagalit pag ginugolo ko yang buhok mo. nag bago ka na talaga minne"
"kaya nga 'DATI' passtince. parang ikaw di nag bago ah! ang itim itim mo dati tingnan mo ngayon ang puti puti mo na." pinag dikit ko yung dalawang braso namin sabay turo ko. " tingnan mo mas maputi ka pa sakin. tinalo mo pa ko. sabihin mo nga lumunok ka siguro ng isang box ng gluta noh? "
"hahaha ganun talaga nahiyang sa states. dun kasi kami nag stay nina mama nung alam mo na. kaya wag ka ng magtaka kung bakit mas maputi pa ko sayo." mahabang paliwanag niya.
gusto ko sana itanong sa kanya kung bakit bigla na lang sila umalis sa lugar namin. pero hahayaan ko na lang siya na siya na lang ang mag kusang mag kwento. nabalot na lang kami ng katahimikan.
"Oh? ano na? san mo ba gustong mag lunch? " biglang tanong niya. nag isip ako kung san may masarap na kakainan.
"ah! sa jollebe na lang tayo. feel kung mag chikenjoy ngayon haha" naka ngiting sabi ko sa kanya.
"sige dun na lang tayo gutom na din ako so tara?" tanong niya tumango lang ako.
mag lalakad na sana ako ng maramdaman kung hinawakan niya yung kamay ko. saring saring bultahe ng kuryente yung naramdaman ko. pero mukang wala namang malisya yun sa kanya kaya hinayaan ko na lang.Malapit na kami sa gate ng school ng makita ko si Sam na papunta sa way namin at ayun kasama nanaman yung bakla niya boyfriend. iwan ko ba feel ko talaga na gay yang boyfriend ni sam. Isipin mo nga may tunay bang lalake na papatol sa isang feeling girl. Meron siguro pero wala pa akong nakaka in-counter na ganun. Ng nasa harap na namin sila parang baliw kung makangiti si sam with matching taas baba kilay pa. problema niya?
"ahm.. Jade may balak ka naman siguro na ipakilala sakin yang hot papabol mo? ano mo siya? boyfriend mo? " nakangising asong tanong niya.
Parang gusto ko siyang tawanan hahaha pati pala siya di makilala si charles.
BINABASA MO ANG
Second Time Around
RomanceKaya mo bang bigyan ang sarili mo ng second chance para mag mahal ulet?kahit na nasaktan ka na? kahit na gusto mo pinipigilan ka pa rin ng puso mo.... Para di mo na maranasan ulet ng masakatan.pero mapipigilan mo kaya na mahulog sa isang tao na nagt...