Chapter 31

14 2 0
                                    

"umuwi ka na sa bahay nyo ni Frank, kunin mo na ang lahat ng gamit mo... sa atin ka na ulit uuwi" unti-unting bumuhos ang mga luha ko sa sinabi ni mom. hindi ko lubos maisip kung nasa reyalidad pa ba ko? bakit nagkakaganito?

i composed myself.. "sumunod ka na lang. wag mong gawing mahirap ang sitwasyon na to.. in the end, ikaw ang matatalo but if you just agree malay mo sa mabuti ka ulit nito dalhin.. kagaya ng ginawa nila sa arranged marriage mo. wait... sa maganda nga ba ako nito dinala? bakit nasasasktan ako? but remember ahlie, hindi mo naman pinagsisisihan na nakilala mo si Fank hindi ba?" para akong engot na kinakausap ang sarili ko. nakakahawa pala ang pagiging engot?

sumakay na ako sa taxi... all the way, ang dami kong iniisip..

how about the moments we've shared together?

The rules... rules na nabuo at nasira na naming kasi tanggap na namin ang isa't isa.

My first kiss.. na nasundan ng hindi na mabilang na kiss.

Ang pagsisilbi ko sa kanya... pagluluto, paghuhugas ng pinagkainan nya, paglalaba, pamamalantsa, paglilinis ng bahay, pagtatali ng necktie nya... lahat ng yon tapos na.

Ang pagpunta namin sa boracay..

Ang pagtawag nya sa aking layls at sya naman si top..

Ang pag surprise nya sakin na pagpapakilala sa buong employee ng hotel nila..

Ang pagsisimula na magkatabi kami matulog, sabay magtoothbrush, sabay kumain... sa mga susunod na araw iba na ang kasabay nya.

Our monthsaries.... Surprise nya sa taas ng rooftop with the human size teddy bear, the book, the yacht dinner date...too many to mention.

Yung pagaaway namin kasi nagseselos sya.

Yung pagsuporta nya sakin sa mga gig ko.

Napatigil ako sa pag reminisce dahil nasa tapat na pala kami ng village. Hindi pwede pumasok ang taxi sa loob kaya bumaba na ko..

Kapag ganitong nag iisa ako mas lalo akong naiiyak. Mas nararamdaman ko na mag isa na lang ako...

Hinubad ko ang heels ko at nagsimulang tumakbo..

Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo...

Napatigil lang ako ng maramdaman kong paltos na ang paa ko dahil sa init ng samento. Tumigil ako sa may puno at umupo. Tiningnan ko ang paa ko. Mapula na ito dahilan para lalo akong umiyak. I never thought I would hurt myself like this.

Dumating ako sa loob ng bahay.. bumungad sa akin ang mga kinorostich ko noon na picture namin sa boracay..tinanggal ko ito sa pagkakasabit "tatanggalin na kita dyan ha, may iba na kasing ilalagay dyan yung bago nyang mapapangasawa, kung iiwan kita sa kanya baka sunugin ka lang.. sa akin safe ka"

Niligpit ko ang lahat ng gamit ko.. iyak lang ako ng iyak.. lahat ng moments namin sa bahay na ito.. lahat bumabalik.

Pati sa pagliligpit ko ng mga damit ko.. umiiyak ako. Dahil ilan sa mga ito sabay naming binili.

Ibinaba ko na ang lahat ng gamit na dadalhin ko. Ayokong maabutan ni Frank ang pag alis ko. Bago ako magpasundo kay dad ipinagluto ko muna sya ng pang dinner nya. Diniliga ko din ang mga alaga kong halaman. "lagi kong ipagdadasal n asana kahit once a week umulan para atleast patuloy ang buhay nyo" nasabi ko na lang sa mga halaman.

Nang dumating ang driver ni dad.. nilingon ko ang buong bahay "I will miss you" at sa pagsakay ko sa sasakyan tumulo na ng husto ang luha ko.

I don't want to fall in love over and over again..

I cried.

a/n: check the past chapter and vote. 


COMPLICATED SITUATIONWhere stories live. Discover now