Chapter 41

33 1 0
                                    

Pagkahatid sa amin ni Frank sa bahay deretsyo agad ako sa room ko, nagbukas agad ako ng gmail. Balak ko idadownload ko lang yung picture para maipost na sa instagram. 


but there's something caught my attention. 

 March 2014.

To: AhlieKent. 

 From: Frank.deliado 

 Hi layls, Mag iisang taon na tayong walang communication. Miss na kita. Sobrang miss na kita. Ahlie, sana ikaw na lang kasama ko dito. Sana mahintay mo ko. Mahal na mahal kita layls. 

 April 2014. To: AhlieKent.

 From: Frank.deliado 

Good morning layls, sana nababasa mo to. Kamusta ka na? Simula nung pumunta ako dito wala na akong nagiging balita sayo. Ang hirap ng wala ka. Hanggang ngayon naiisip parin kita. Hintayin mo ko layls ha. I love you. 

biglang tumulo ang luha ko. 

"bakit ngayon ko lang nakita to"

"bakit hindi ko naisip buksan ang account na to nung mga panahong yun?"

"ang galing naman ng tadhana, napaka mapang laro"

 "What if nababasa ko to edi sana noon pa lang alam na niya na nagkaanak kami . Ano kayang gagawin ni Frank kung nalaman nya dati pa?"

7:30 na pala. pinahid ko ang mga luha ko, ayokong makita ako ni kahlie ng ganito. nung maayos ko ang sarili ko, pinuntahan ko kagad si kahlie sa room nya kase for sure gutom na yun. 

 "Kahlieee......" Laking gulat ko ng nakita kong andun pa si frank. 

 "hi mama" sweet na bati saken ni kahlie

"HALA! BAT ANDITO KA PA?" 

 "Hinila kase ako ni kahlie." Nakangiting sabi ni frank. Yung ngiting alam mong masaya sya. Yung mgiting lagi nyang pinapakita sa akin nung panahong kami pa.

lalong nalungkot ang kalooban ko... "Ganto kaya kami kung maaga nyang nalaman?"  

pilit kong nilabanan ang nararamdaman ko... "Kahlie, dinner na. Sa labas tayo kakain, hindi nakapagluto si mama."

"yeeeeyyy Jollibeeeee. Sama ka tito frank" 

Tumingin sa akin si frank. Halatang hinihintay nya ang sasabihin ko.

itinaas ko lang ang isa kong kilay bilang sagot.. alam na nya ang ibig sabihin nun.

 "Tara na?" Sabi ni frank 

 "Yeheeeey" sigaw ni kahlie.

 Nasa sasakyan kami sa front seat ako syempre sa driver seat si frank at sa likod naman si kahlie.

"Siguro kung kami pa rin. Ganto kami lagi." Ang daming panghihinayang ang napunta sa isip ko.

 "Mama" 

 "hmmmmm?"

"Babalik pa po ba si papa?" Napatingin sa akin si frank. 

 "bat mo natanong yan?" 

"Sana kagaya ni tito frank si papa" ako naman ang napatingin kay Frank. ngumiti sya saken. 

 "Oo nga kahlie. Sana kagaya ko sya, pogi" tumawa naman si kahlie sa kanya..

"at mabait pa" sabay apir pa nila

 Nakarating kami sa jollibee. 

Gentleman pa rin si frank. Pinagbuksan nya kaming mag ina ng pinto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COMPLICATED SITUATIONWhere stories live. Discover now