chapter 8

34 3 0
                                    

Chapter 8

So let the party begin at the beach.

Pero ako pumunta muna ako sa hotel namin ni frank para magpalit ng damit. Kanina ko pa kasi ito suot at sabi ni frank baka magswimming so I must be ready. So yun nanligo na ko, at ito magbibihis na naman.

Yung suot ko? Shorts lang tapos pink loose shoulder shirt na manipis at siguro pag nabasa eh kita yung bra but not my body hehe.

Habang nagbblower ako ng buhok dumating naman si Frank magpapalit na din siguro ng damit kasi hanggang ngayon naka office wear pa sya.

“oh buti tapos ka na. dalian mo na dyan ah kasi after kong maligo at magbihis. Punta na tayo dun sa party na inihanda nung mga barkada ko. Para makakain ka na rin ng dinner”

“okay. Bilisan mo na lang top ah. Kasi gutom na ko eh”

“kk” sabay pasok na sa c.r

Kinatok ko naman sya ka agad. “ah frank punta muna ako saglit sa baba ah. Babalik din ako kaagad intayin mo ko ah”

Bakit ako pupuntang baba? Wala lang. Actually di naman ako nagpuntang baba dun lang ako sa may veranda ng hotel malapit dun sa room namin. Tambay lang hahaha tsaka gusto ko Makita yung suot ng mga date ng barkada ni Frank. Baka mamaya ako yung may pinaka panget na suot eh. Pero from here nakita ko na sila and tingin ko okay lang yung suot ko kasi naka shorts lang din sila at shirt.

After 20 mins bumalik na din ako sa room. Nakabihis na din si Frank. He is wearing black sando at shorts na pang beach talaga. Okay he’s handsome.

“let’s go?” tanong ko

“ah yeah tara!”

Pagbaba namin…

“oh eto nap ala yung couple ehà sam

“oh pano inuman na? àlloyd (what? So mag-iinuman sila? Yeah ahlie naman. San ka ba nakakita ng party na walang inuman?)

“later bro, kakain muna kami d pa kami ngddiner eh” so makikipag inuman nga sya? Ang main concern ko kasi eh nasa iisang kwarto kami tapos iinom sya. Eh basta! G-r-r-r ito.

So haBang kumakain kami nagsalita naman sya..

“is it okay with you?”

“na?”

“uminom ako?”

“ah yeah.” Alangan namang sabihin ko na no kasi nasa iisang room tayo. Eh di kakahiya naman dib a?

“okay. Tagal na din kasi naming hindi nag kakainuman eh. You know yan ang bagay na nagpapasaya sa barkadahan namin” so pinagmalaki mo pa talaga sakin?

“fine. Just make sure. Di mo ko gagawing yaya mamaya just because lasing ka”

“oo naman. Ako pa malakas ako sa inuman noh!”

“ so lasengero ka?”

“hindi ah. Kasi minsan lang naman ako magi nom hindi kagaya ng iba na halos araw-araw.” Ayganun so okay na din pala. Parang ako din pala sya kasi umiinom din naman ako pag may mga occasion nga lang.

“okay. Sabi mo eh!”

“tingnan nyo girls yung mga boys oh. Ang saya nila tingnan” àmarie date ni Zedrick

“yeah. Iba talaga kapag barkada eh noh?”

“yup sinabi mo pa Ahlie kami ng barkada ko blah blah blah……” usap usap lang sila dun at ako nakikinig lang

“ikaw ahlie, may barkada ka din ba kagaya namin?” àkate date ni Nico

“ah yeah. Pero nasa Australia sila.”

COMPLICATED SITUATIONOnde histórias criam vida. Descubra agora