chapter 11

26 3 0
                                    

Chapter 11

Nasa parking lot na kami. Pinagbuksan ako ni frank ng pinto ng kotse pero hindi pa ako nakakasakay ng may tumawag sa akin.

“Ahlie” lumapit ako sa kanya at si frank naman sinara muna ulit yung pintuan

“ah. Hmmmm bakit?”

“I just wanted to say thank you”

“it’s okay. besides I miss singing” lumapit sa amin si frank “ah by the way, si frank nga pala. Husband ko. And frank, si Rocco ex boyfriend ko”

“nice meeting you” sabi ni frank sabay abot ng kamay nya

“nice meeting you too” shake hands

“wait May kailangan ka pa ba rocco?”

“a. wala naman. Nagpasalamat lang ako sa pagsagip mo sa banda kanina kasi for sure kung wala ka baka maraming fans ang nagagalit na sa amin ngayon.”

“it’s okay. una na kami ah.”

“sige pare una na kami”

He just nodded

Iba pa rin pala kapag kaharap mo na yung taong iniwan mo noon para magpakasal sa taong hindi mo naman kilala. Oo masakit maiwan pero mas masakit ang mang iwan lalo na kapag mahal na mahal mo ang taong yun pero wala kang magawa, hindi mo magawa ang ipaglaban sya kasi alam mong malaki ang mas mawawala. Masama bang mas pinili ko ang pamilya ko? Masama bang pinili ko ang kompanya na pinaghihirapan ng magulang ko? Hindi naman dib a?

Naisip ko kasi noon, mas mabuti na sya ang iwan ko, mas magiging maganda ang buhay nya pero kung ipaglalaban ko sya, alam kong gagawin at gagawin lahat ng magulang ko para lang mapaghiwalay kami.

“malalim ata iniisip mo ah”

“ha? Hindi ah”

“tell me, anong iniisip mo?”

“ha? Wala nga to”

Bumaba sya sa…… office?

“anong ginagawa natin dito?”

“wag ka ngmaraming tanong sagutin mo na lang yung tanong ko” sabi nya sa akin habang pinagbubuksan ako ng pinto

“gabi na ah. Bukas pa ba ang office?”

“tsk” tumigil sya sa paglalakad “sasagutin mo ba yung tanong ko hindi” seryoso na sya na medyo parang naiinis na”

“ah eh.. ano nga ba ulit yung tanong mo?”

“ahlie ano ba? Ano ba talaga yung bumubulabog dyan sa isip mo ha?”

“wala nga sabi”

“please ahlie don’t ruin this day”

“fine. Si rocco”

“mahal mo pa ba sya?”

“……”

“hindi ka makasagot?”

“……”

“yung totoo ahlie”

“hindi ko alam”

“let’s talk about it kapag may isasagot ka na sakin”

“but….”

“this day is special for us. Not for rocco” hinila na nya ako. Madilim na sa loob ng office maliban sa papuntang elevator. Hila hila nya lang ako. Ayoko uminit ang ulo nya kaya sumusunod lang ako. Hanggang sa makarating kami sa rooftop.

Oh my gosh!!! Ginawa ba nya ito? Punong puno ng petals ang mga dinadaanan namin tapos sa gitna may table at ilang maga lights. Kung titingnan mo ito, isa itong lugar na napaka romantic.

Nung uupo na ako, may nakita ako na teddy bear na nakalagay sa upuan. Kinuha ko namanagad ito may nakasulat na “happy monthsary wife. Take care always. Please always stay at my side”

Napatingin naman ako sa kanya, sa iba sya nakatingin at halata mong nahihiya sya

“thanks husband. Thank you for  1 month of happiness. I will always stay at your side just please keep my heart smiling”

Napangiti sya sa sinabi ko

“I will”

Then kumain na kami.  Ang sarap ng mga pagkain.sinusubuan pa nya ako kapag ayaw ko na kasi busog na busog na ako. Nagtatawanan kami, nagkukulitan at nagpicturan ako pa eh picture picture yung hilig ko.

Heto kam ngayon nakahiga, nanonood ng mga stars

“layls”

“hmmmm”

“im happy because you’re here by my side”

“top”

“hmmmmm”

“im happy that you really came into my life”

Ngumiti lang kami pareho

“layls”

“hmmmm”

“sino mas pipiliin mo ako o si rocco?”

“ikaw”

“talaga?”

“oo. Kaya ko nga sinaktan ang sarili ko at sarili nya eh para sayo tapos alangan namang hindi ikaw yung piliin ko eh di walang kwenta yung ginawa kong pangiiwan? Nuh yon lokohan?”

Napatawa na lang sya sa sinabi ko

“darating kayayung panahon na mamahalin mo ko layls, yung totoong pagmamahal”

“possible top. Okay ka naman eh.. ang dami ngang girls na nagkakandarapa sayo dib a?”

“kasi ang nakikita nila eh yung looks ko”

“without your looks,okay pa rin naman eh pero kung isasama yung looks mo. Okay na okay”

“alam ko naman yun”

“top nalimutan mo nab a si gelai?”

“oo”

“pano?”

“kasi mas pinapahalagahan ko yung mga taong nasa tabi ko sa ngayon.  Tingnan mo to layls ah, pareho tayong nang iwan, pareho tayong nasaktan sa ginawa natin but still kailangan natin isipin na ginawa natin ito para sa mga pamilya natin. At ang gusto ng pamilya natin ay ang maging Masaya tayo sa isa’t isa. Bakit hindi mo gawing Masaya ang sarili mo sa paraang gusto nila? Yun naman dib a yung purpose natin kung bakit natin sila iniwan dib a? ang sumunod ayon sa kagustuhan ng mga magulang natin”

“may point ka top, maasaya naman ako ngayon eh.. Masaya ako dahil kasama ka pero maypart din sa akin na nasasaktan dahlia alam mong nakasakit ka ng tao noon”

“yes, nakasakit tayo pero naisip ko siguro may purpose kung bakit nangyari to. Ipagpabahala na lang natin kay God ang lahat for I know he has a better plan”

COMPLICATED SITUATIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora