Chapter 21

20 2 0
                                    

Last week ko na sa banda. Okay naman. Enjoy na enjoy ko naman ang pagiging vocalist. Hindi na sumasama si Frank sa mga gig ko pero sinisigurado nya na inihahatid at sinusundo nya ako. Ewan ko ba sa engot na yun kung bakit ayaw pa nya ko bilihan ng kotse. CEO hindi mabilhan ang asawa ng kotse? Psh. his effort was really appreciated. Tipong magcacancel pa yun ng meeting para lang masundo ako. Kung minsan naman, malelate yun sa office para ihatid ako. Instant eh no? Asawa na, driver pa! San ka pa?

The past month was our second wedding monthsary. Ikinain lang nya ako sa jolibee. Badudels tong asawa ko! from human size teddy bear to book. Weird! Yes, book yung bigay nya sakin. Ayos lang atleast meron! Hindi ko nga alam kung matatapos ko yun basahin eh hindi naman ako pinanganak na bookworm. he said, he wanted me to read that just to appreciate something. Eh kahit naman ata hindi ako magbasa nun. Naappreciate ko na sya!

That made me realize my priorities. That is him!. My life is full of twist. In just a snap, hey im married, in just one click, hey im enjoying it. And maybe, in just one step, hey im falling inlove with my husband... or sooner in just one turn, this complicated situation becomes a happy purposeful situation.

I m currently waiting for Frank. Kakatapos lang ng gig namin. 30 mins na ko dito sa food court ng mall. Tinetext ko sya at puro sya malapit na. May malapit ba na 30 mins na? Engot talaga!

Nakita ko na sya tumatakbo at dahil late sya lumakad ako lalo palayo. Hmmm habol pa more!

naka baba na ko ng escalator pero wala padin sya. To the point na tumatakbo sya at ako naglalakad lang.

Ganoon ba yon kaengot para hindi ako masundan? Psh

Umakyat na ulit ako. bumalik sa food court. Nagpalingon lingon ako. At ayun! Nakita ko na sya. Nakatalikod sya mula dito sa view ko. Kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya at sinundot ang tagiliran nya.

"HUY!"

Wala syang reaksyon sa pagsundot ko pero ngumiti lang sya bilang bati. Tapos tumingin na ulit sa... may kausap pala sya..

Tiningnan ko ang kausap nya, kulot, morena, matangos.. to make it short, pilipina beauty..

"Gel this is Ahlie, my wife"

Gel?? The ex is back? Kinakabahan ako. Para akong hahaharap sa mga pulis at magpapaliwanag pero hindi eeh wala naman akong dapat ipaliwanag sa kanya.

"ahlie,this is Gelai"

We shook hands "nice meeting you" sabi ko ng nakangiti.
. Hey, im pretending. Natatakot ako. Natatakot ako na baka masira ang magandang pagsasama namin ni Frank. Baka sa isang iglap magiba ang binuo naming samahan. Bakit pa ba sya nagpakita kay Frank. Sana hindi na lang.

"Sige gel, lets talk again some other time, we have to go". Pagpapaalam nya then they hugged. Buti naman nagpaalam na sya baka kase kung ano pa ang magawa ko. Oo na nagseselos na ko! Aminado naman ako eeh. Bakit kasi may pa hug hug pa eh pwede namang umalis na lang di ba? Hey, legal wife po andito sa tabi!.

Paglingon namin sa kabilang side nakita ko si rocco at sheryll. Natigilan ako. Ganoon din si Frank. Humigpit ang hawak nya sakin. nginitian ko lang sya at tumango bilang senyales na okay lang ako.

Deep inside napaisip ako. Dati ako yun. ako yung hawak nya. Ako yung kasama nya. Ako yung ngingitian nya. pero sa isang iglap lahat ng yun nawala ng saglit oras lang. hindi ko masabing masaya ako na makita silang magkasama. Ewan ko ba. Wala akong naramdaman. 

napangiti ako sa pag intertwined ng kamay ni Frank sakin. bigla ko tuloy naisip. Baka kaya hindi na ako ang kasama ni Rocco kasi mas masayang kasama tong engot na to...

Nasa kotse na kami.. tahimik sya. kaya tumahimik na din ako.

Oo masaya ako, paano naman sya? Ano kaya ang nararamdaman nya? Kamusta ang puso nya? Nagsisisi na ba sya na hindi nya inilaban si Gelai? Gusto nya na bang bumalik?

Ayokong masagot ang mga tanong na to. Baka kasi hindi ko kayanin. Kung kay Rocco madali kong natanggap, siguro this time.... guguho ang pagkatao ko. Asawa ko sya, ayokong maging diborsyada. Alam kong imposible ng may maghal sakin kung ganoon ang maging status ko sa buhay. Kung magkataon man, ayoko na rin magmahal.

Please Frank don't leave me.

Dalawang buwan. Dalawang buwan na kitang pinagsisilbihan.. at lahat ng yun natutumbasan mo. Ang pinangarap kong buhay unti unti mong ibinibigay.. oo nagtatalo kami kung minsan. that's the thrill of this complicated relationship. Hindi ako nagsasawa kasi may ibat ibang putahe ng emosyon.

But i have to know
.
.
.
.
"are you going to leave me?"

Nagpreno sya. Dahan dahan syang tumingin sakin.

"Why should i?" Ngumiti sya at nagpatuloy na sa pagmamaneho nya.

COMPLICATED SITUATIONTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang