"Hon, dito talaga tayo sa kuwarto ng tita mo? Puwede bang doon na lang sa kabila? Natatakot kasi ako."
Nagpunas muna ng pawis sa noo si Marco bago nilingon ang asawa. Kita sa mukha nito ang pangamba habang karga ang kanilang 2 months old baby girl. Inililibot din nito ang paningin sa kabuuan ng may kalakihang kuwarto.
Ancestral house kasi iyon na ipinama sa kaniya. Tanging siya na lang kasi ang natitirang taga-pagmana, since namatay na nga ang natitirang tita niya last three months ago.
Nilapitan ito ni Marco at inakbayan ang asawa.
"Ano naman ang nakakatakot sa kuwartong ito? Ito ang pinakamalaki at medyo malinis. Iyong iba hindi tayo kasya at marurumi pa. 'Di ba baby?" at hinawakan niya ang pisngi ng tulog na anak.
Hindi naman nagkomento si Libby at pabuntong-hininga na lang na inilapag ang anak sa kama.
"Basta, iba ang feels ko sa kuwartong ito. Hanggang kailan ba tayo rito? Balik na lang tayo sa bahay natin sa Maynila."kumapit pa si Libby sa braso ng asawa.
Tigas namang umiling si Marco.
"Hindi! Sa akin na pinamana ang lahat ng ito kaya dito na tayo maninirahan. Para sa inyo rin naman ni baby ito." at inis itong tumungo ng pinto.
Subalit ganoon na lang ang gulat niya nang buksan ang pinto. Isang lumang wheelchair ang bumungad sa kaniya.
Saan galing ito?
Nakakunot-noong inilibot niya pa ang paningin sa labas subalit tanging sila lang ni Libby ang naroon. Napalingon pa siya sa asawa nang mapasinghap ito. Nakalapit na pala ito ng hindi niya namamalayan at ngayon ay nanlalaki ang matang nakatingin sa nakaharang na wheelchair.
"'Yan ba 'yong... wheelchair ng tita mo?" at mahigpit pa itong kumapit sa braso ni Marco.
Naiinis namang tinanggal ito ng lalaki.
"Bakit ba napakamatatakutin mo? Siyempre, dito siya nakatira kaya narito iyan. Hindi ko lang alam kung paano 'yan napunta diyan kasi kaninang pag-akyat ko wala pa iyan. Baka gumulong."
Tuluyang lumabas na si Marco ng kuwarto at hinila na lang basta ang wheelchair sa gilid. Mamaya na lang niya ito ibababa sa basement. Maghahakot pa siya ng mga gamit sa baba. Hindi na lang niya pinansin ang asawang nahihintakutan pa ring nakatingin sa wheelchair na nasa gilid na ng kanilang pinto.
Nayakap ni Libby ang sarili nang maramdamang parang kinikilibutan siya sa wheelchair. Matagal din kasing nakaupo lang dito ang tita ni Marco. Napakasungit nito at hindi na nakapag-asawa dahil sa sakit na polio.
Muntik na siyang mapasigaw ng parang napansing gumalaw ito at humarap sa kaniya.
"O, bakit para kang nakakita ng multo?" Si Marco at may dalang dalawang maleta. Sunud-sunod na umiling si Libby bago tinulungan ang asawa sa mga dala.
Baka namamalik-mata lang siya.
***
Nagising si Libby sa malakas na iyak ng anak. Inaantok pa siyang bumangon at tinungo ang kuna nitong nasa bandang kanan lang ng kanilang tulugan.
Nakapikit pa ang isang matang binuhat ni Libby ang anak. Subalit, nagulat siya nang biglang may kumatok. Nagtatakang napatingin siya sa asawang nasa kama. Patuloy pa ring umiiyak ang anak. Naulit muli ito at mas malakas kesa kanina. Parang nagmamadali ang kung sino man ang nasa labas. At sigurado siyang may kumakatok.
Mabilis niyang nilapitan ang asawa. Nanginginig na mahigpit pa ring hawak ang anak.
"H-Hon... may tao ata." Sumampa siya sa kama at niyugyog ito. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang anak nilang si Ley.
BINABASA MO ANG
Kakaba Ka Ba?
Horrorcompilation of horror stories... all original stories... PLAGIARISM IS A CRIME! kinakabahan ka na ba??? © jhavril All rights reserved 2016 January 29, 2016