Masiyado na akong nabo-bore. Nakakainis naman kasi, bakit nataon pang mahal na araw ngayon. Wala tuloy akong taping. Kung kailan naman gustung-gusto kong magpaka-busy, saka naman hindi.
Napasandal ako sa upuang bakal at napatingin sa kawalan. Kasalukuyan akong nasa terasa ng aking kuwarto. Sa isang kilalang condo sa Tagaytay ko naisipang magbakasyon. Wala akong ibang isinama kahit pa ang bago kong PA. Oo, bago na naman ito dahil napalayas ko ang dalawang buwan ko lang na PA. Sa loob ng halos dalawang taon kong pagiging sikat na artista, mahigit pitong beses na ata akong nagpalit ng PA.
Nakakainis din kasi minsan ang mga ito. Ang simple lang ng instruction pero ang tatanga. Meron naman, karamihan pala sa kanila, inaakit ako. E, ang papangit na nga nila, mahirap pa. Kaya ayon, tinatanggal ko kaagad sila kapag nararamdaman kong iba na ang motibo nila. May dalawa naman akong pinatulan, magaganda na, seksi pa. Kaso lang, nagpanggap na mga buntis, akala siguro makukuha ang kaguwapuhan ko. Mabuti na lang at magaling ang abugado ng aming pamilya. Pera lang pala ang katapat nila.
Lalaking PA? Nah, ayoko kasi feeling ko hindi sila maayos sa mga gamit. Baka malaman ko na lang ginagamit na pala nila ang mga mamahalin kong mga gamit at kasuotan, mahirap na. Ayoko rin sa bakla o tomboy kaya.
Kaya nahihirapan akong kumuha ng sa tingin kong matinong PA. Naiintindihan ko naman na they can't resist my charm, kaso lang suwerte na nga nilang ako ang aasikasuhin nila, nakakasama palagi at plus babayaran ko pa. O, tapos hindi naman gagawin ang kanilang trabaho.
Sayang! Pinakawalan nila ang opportunity na halos ipagpatayan ng iba.
Minsan nga, ayoko na sanang kumuha pa kaso nahihirapan akong magbibitbit ng mga kailangan ko, lalo pa at sikat na sikat na akong actor.
At the age of twenty-three, maraming kababaihan ang nahuhumaling sa akin, pati pala binabae. I'm in my peak of fame in showbiz industry hindi mawawala ang kabi-kabilang mga offer na natatanggap ko. Kaya minsan, wala na rin akong time para sa sarili ko.
Hmm... ngayon pa lang siguro.
Pero, ayoko ng ganito. Sobrang bored!
Napasulyap ako sa laptop na nasa harapan ko. Kapag nagbubukas ako ng Facebook, Instagram o kaya ay Twitter, halos sumabog na ito sa dami ng notification na natatanggap ko. Lalo na siguro ang e-mail ko. Kaya hindi na ako nagbubukas ng mga notif, e. Karamihan kasi puro mga pagpapahayag nang kanilang nararamdaman sa akin. Tapos may ilan, nagpapadala pa ng mga hubad nilang larawan.
Kaasar 'di ba? Akala nila madadala ako ng ganoon lang.
Ayoko namang i-off dahil kahit paano nag-e-enjoy ako sa atensiyon ng mga taong nahuhumaling sa akin. ' Yon nga lang minsan, nakakasawa rin pala.
E, ngayong bored ako. Naisipan kong magbukas ng e-mail. Personal gmail ko ito para kaunti lang ang notif na natatanggap ko. Hindi rin naman ito ang ginagamit ko sa mga social media kaya hindi naman siguro ako mabuburaot dito.
Sinort ko muna sa mga unread emails at from old to latest ang ginawa ko. Hmmm... marami-rami na rin pala. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapagbukas.
Sinunod-sunod ko ang pagbubukas. May mga fans din palang nakakaalam nitong personal email ko. Karamihan kasi sa kanila galing. Isang email ang nakaagaw sa akin ng pansin.
Date: March 17, 2014 10:59PM
To: Johnny Lee
From: FMS fms666@gmail.com
Subject: Hi crush!!!hi... :)
love,
new fan here!!!Date: March 18, 2014 9:15PM
To: Johnny Lee
From: FMS fms666@gmail.com
Subject: Kamusta????
BINABASA MO ANG
Kakaba Ka Ba?
Horrorcompilation of horror stories... all original stories... PLAGIARISM IS A CRIME! kinakabahan ka na ba??? © jhavril All rights reserved 2016 January 29, 2016