E-mail 2

1.7K 86 20
                                    

Lumipas ang tatlong araw na hindi ko na naalala ang tungkol sa e-mail ng babae ba o lalaking iyon. Lumabas ako isang gabi para sa labas kumain. Pagdating ko sa condo, nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto ay napakadilim. Hindi ko ugaling magpatay ng ilaw, lalo pa at lalabas ako. Pinindot ko nang sunud-sunod ang switch pero hindi pa rin iyon bumubukas. Binuksan ko ang cellphone para maging gabay sa madilim na aking nilalakaran. Agad kong tinungo ang kinalalagyan ng telepono. At napakunot-noo ako nang walang dial tone!

Naiinis na ibinagsak ko ang aparato. Ano ba namang klaseng condo ito?! Binalak kong lumabas para bumaba na lang sa information desk.

Napalingon ako sa kama nang biglang bumukas ang laptop na nasa ibabaw niyon. Umilaw ito sa kalagitnaan nang kadiliman. Napakunot-noo ako dahil hindi ko naman iyon iniwan ng bukas.

Nakalimutan ko ba?

Marahan akong lumapit at nakiramdam sa paligid baka lang may nakapasok. Subalit, nalibot ko na ang may kaliitan kong condo ay wala namang ibang tao bukod sa akin. At kung meron man, malamang ay kinuha na niya ang mahahalagang gamit ko.

Bahagya pa akong nagulat nang tumunog ang laptop.

Date: September 25, 2015 9:12AM
To: Johnny Lee
From: FMS fms666@gmail.com
Subject: Gusto na kitang makita!!

Nalulungkot ako ngayon. Ikatlong movie mo na pero hindi pa rin ako nakapunta sa premiere para makita ka! Ang sakit! Mas masakit pa sa mga pananakit na ginagawa nila sa akin!

love,
your soon-to-be-wife!!!

Hindi na sunud-sunod ang date ng mga e-mail. At kahit wala naman akong ginagawa, bigla na lang bumubukas ang mga ito. At kahit anong galaw ko sa laptop ay patuloy lang ito. Kusang nag-o-open ang mga e-mail!

Date: November 01, 2015 10:05AM
To: Johnny Lee
From: FMS fms666@gmail.com
Subject: Another Success!!

Yehey! Makikita na kita! Sila kasi, lagi nila akong kinukulong at sinasabihang huwag daw akong lumabas, bawal daw. Kaya ngayon, pinatay ko ang mga magulang ko para sa 'yo! Para makita na kita! Ang saya lang!

Tamang-tama, araw ng mga patay ngayon, patay na rin sila!

love,
your soon-to-be-wife!!!

Nahindik ako sa mga nababasa ko. Baliw ang kung sino mang babae o lalaking ito! Bigla akong napatayo at binalak na tuluyang lumabas. Kaso lang, biglang sumara ang pinto at hindi ko ito mabuksan! Natataranta na ako dahil ano bang nangyayari? Kahit anong sigaw ko at pagkalampag na gawin ay wala atang balak tumulong sa akin.

Bakit ba kasi ninais ko pa ang sound proof na kuwarto?

Nagsisigaw na ako ng unti-unting humarap ang laptop sa akin. Nahihintakutang napalingon ako rito. At kahit medyo malayo ako sa kinalalagyan nito, kita-kitang ko pa rin ang mga nakasulat dito.

Kakaba Ka Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon