Tutunguhin na sana ni Isay ang kusina nang marinig niya ang pag-ingit nang marahang bumubukas na pinto. Napalingon siya rito, pero walang taong pumasok. Nanatili lang iyong bukas. Lalapitan sana ito ni Isay dahil baka nahihiya o akala walang tao sa loob.
Subalit, napaigtad siya nang marinig na may lumabas mula sa kusina. Nalilitong napatingin si Isay rito lalo pa at makita ang babae na may dalang siyanse.
Nasaan ang batang kasama nito kanina?
"Ma'm, akala ko po wala kayo. Sinilip ko kanina ang..."
Hindi natapos ni Isay ang sasabihin nang hindi man lang siya pinansin ng babae, kung hindi sa pinto.
Sa pinto na wala namang tao...
"Ano iyon?" saad nito at sa pintong bukas pa rin nakatingin.
Saglit itong tumahimik. Na parang may kausap ito sa may bandang pinto.
Sumenyas ito na parang may pinauupo, gamit ang siyanseng hawak. Pabalik na sana ito sa kusina at nang habulin nang nalilitong si Isay.
"Ma'm! Ma'm!" bigla itong tumigil at napatingin sa lalaking pababa ng... hagdan?
"Martha, sino 'yan?" Ang lalaki iyon kanina! Parehong damit kaninang suot nito bago umalis. Bumalik na ng hindi niya napansin?
Pero, paanong...?
Hindi na maintindihan ni Isay ang mga nangyayari!
Nakatingin lang siya sa lalaki na sa tabi naman niya nakatingin.
"Baby sitter ni Eryl." sagot naman ng babae bago dumiretso sa loob ng kusina.
Nanlaki ang mga mata ni Isay sa narinig. Tumango-tango naman ang lalaki at sa katabi niya nakatingin. Napatingin si Isay sa katabi, pero wala namang naroon. Dahil wala naman talagang taong pumasok kanina!
Sino ang kausap nito?
"A, S-sir? Sino po ang..."
Hindi rin siya nito pinansin bagkus ay tinawag nito ang pangalan ng anak.
Sabay pa silang napalingon ng isang batang naka-walker ang dumating. Parehong bata kanina; Napakaganda at napakaamo ng mukha.
Napapaatras na si Isay palayo sa mag-ama.
"Huwag. Nangingilala siya." mayamaya ay saad nito sa pagitan nang pag-aayos ng necktie. Napailing-iling na si Isay sa mga nasasaksihan.
Nakatingin lang muli sa kaniya ang bata na nasa walker.
Nilapitan naman ito ng lalaki at hinalikan sa noo. Hindi naman inaalis ng bata ang pagkakatingin sa kaniya. Kung kanina ay ngiting-ngiti siya sa bata, ngayon ay hindi na kaya ng labi niyang gawin iyon.
Nanginginig na ang buo niyang katawan habang hawak nang mahigpit sa dibdib ang bag!
Nais na niyang umalis sa lugar na iyon!
Tumayo nang tuwid ang lalaki habang hawak ang isang attache case.
"Martha, papasok na ako!" napaigtad pa siya nang biglang sumigaw ito sa katahimikan ng paligid habang hinagod-hagod ang buhok.
Lumabas naman kaagad ang babaeng tinawag na Martha at pagkatapos bilinan ang asawa na mag-ingat ay hinalikan ito sa labi. Nakangiting binuhat pa ng babae ang bata at hinalikan din ito ng lalaki bago sumulyap sa tabi niya at tumango.
Hindi na niya alam ang gagawin lalo pa at dumiretso na sa pinto ang lalaki at isinara pa nito iyon!
"Saglit lang at matatapos na ako." saad ng babae at muli pagkatapos nitong pumasok sa loob ng kusina, nanumbalik ang katahimikan ng paligid.
BINABASA MO ANG
Kakaba Ka Ba?
رعبcompilation of horror stories... all original stories... PLAGIARISM IS A CRIME! kinakabahan ka na ba??? © jhavril All rights reserved 2016 January 29, 2016