Dirty #8

16.8K 295 7
                                    

"Anong nangyari sa kanya Doc?" naalimpungatan ako sa ingay na meron sa loob ng kinaroroonan ko, ang huli kong natandaan ay ang nangyari sa amin ni Greg matapos akong mag collapse kaya marahil ay nasa Clinic niya ako ng bahay niya.



"She's fine, nabigla lang ang asawa mo sa ginawa niyo and besides nanghihina parin siya hanggang ngayon kaya dapat ingatan mo ang asawa mo baka iwan ka na naman niyan" bumaling ang tingin ko sa nagsasalita, hindi nila ako nakikita dahil may nakatabing na kurtina sa akin pero rinig na rinig ko ang usapan nila.



"Seryoso Doc?" may halong pagkainis sa boses ni Greg.



"Iyon nga, kailangan na muna niyang magpahinga for a week. No sex for the both of you lalo na when I checked her insides talagang ginamit mo ng husto ha?!" Hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta nakadinig na lamang ako ng daing na para bang nasaktan iyong kausap ni Greg.



"Chill bro, hindi naman ako ang nag check sa kanya kundo ang asawa ko. Ikaw talaga masyado kang seloso kaya ka iniiwan eh. Nga pala bago iyon, iwasan mo na muna siyang itali bro, hindi baboy ang asawa mo, tao 'yan at kung gusto mo na talaga siyang buntisin, dahan- dahan ha? Baka kasi hindi lang isa ang magiging anak niyo kundi isang daan" napalingon ako sa kabila ko at doon ko lang napansin ang dextrose sa kamay ko. Hindi ko nga kinaya ang nangyari sa amin kaya kailangan ko na ding magpahinga.



"O siya, just call me when you need me bro gising na ata ang asawa mo" tinignan ko ulit ang kinaroroonan nila at doon ko nakita si Greg na nakatingin sa akin. Ni hindi ko maramdaman ang galit sa kanya dahil alam ko naman na ako ang may kasalanan.



"Baby, sorry" nag iwas ako ng tingin. Hindi ako sanay na ganito ang mukhang ihaharap sa akin ni Greg na para bang isa akong bagay na dapat niyang alagaan kundi mababasag ako.



"Diba may magic word tayo? Bakit hindi mo iyon sinabi ng maitigil ko?" nakahawak lamang si Greg sa akin habang sinasabi ang mga iyon kaya hindi ko maiwasang mapatitig na naman sa kanya. Hindi siya ang Greg na kilala ko, hindi siya ang Greg na nakasama ko.



"N-nakalimutan ko" sabi ko na lamang sa kanya. Tumayo siya at hinalikan ako sa noo bago binitawan ang kamay ko at may kung anong kinalikot sa mesa.



"You need to eat para narin may lakas ka. The doctor said you need a bed rest for a week" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya na tila para akong bombang sasabog sa sinabi niya. Oo narinig ko na iyon pero hindi ko inakalang totoo dahil sa paraan ng pag- uusap nila ng kaibigan niyang doctor ay malamang aakalain kong joke lang iyon.



"Paano ang anak ko?" malumanay na sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita hanggang sa bumalik siya sa inupuan niya kanina at sinubuan ako ng pagkain, kahit na gusto ko ng madinig ang sagot niya ay kinain ko na lamang iyon, siguro nga kailangan ko na ding kumain para magkaroon ako ng lakas.



"Sinabihan ko na si Justine to take good care of Michael" hindi man siya nakatingin sa akin pero ramdam sa boses niya ang pangungulila niya sa bata. Alam na talaga niya ang lahat. He just want to confirm it, na sa bibig ko mismo manggaling ang katotohanan na gusto niyang malaman.



"B-bakit si Justine? Sana binigay mo na muna iyon kay Kuya" sabi ko sa kanya matapos kong inumin ang gamot at tubig na ibinigay niya sa akin.



"His my son right? Bunga siya ng mga nangyari sa atin diba?" hindi ako agad nagsalita, ni hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ito pero ito nga't tinatanong na naman niya sa akin.



"You want an annulment right?" napatingin siya sa akin na may pagtataka, pero hindi ko pinansin ang mga titig niya.



"I will give it to you" kahit masakit sa pakiramdam ay ibibigay ko sa kanya. Hahayaan ko siyang makasama ang anak namin pero hindi ko na siya hahayaan na makapasok pa sa buhay naming dalawa.



"No Ella, hindi mo iyon ibibigay sa akin. Just sleep and take a rest" napatanga na lamang ako ng walang sabi- sabing lumabas siya ng kwartong kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at mas lalong hindi ko alam kung bakit ayaw na niya sa annulment. He even shut me up.~ Damn!



The Dirty Night (Run Away Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon