Dirty #14

13.7K 255 5
                                    



NOTE: Hello! Hello!, tinapos ko na ang flashback ng kwento bago pa ako magkaroon ng writer's block sa present plot nito baka matagalan na naman kung iyon ang mangyayari.

And if you are curious about somethings between them kindly comment it below so that I can answer you at para na din malaman ko kung ano ang itatakbo ng kwento. Iyon lang. THANK YOU.

Listen the song above while reading this. I guess kasi na fit siya sa chapter na ito. Thanks.


*****

"Ella" hindi ko siya nilingon. It is past midnight at nandito ako sa pool nakababad ang paa ko sa tubig.


Hindi kasi ako makatulog dahil sa kakaisip sa mga nangyari noon. If only I didn't cheat, if I only I didn't fell out of love. Wala ako dito, wala ako sa puder ng taong ito and maybe, I have my own Michael with another man and it won't be him.


"Ella" hindi ko parin siya nilingon hanggang sa maramdaman kong tumabi siya sa akin. Inilubob niya rin ang kanyang mga paa sa tubig at kasama ko ay tinignan namin ang langit. Times like this kung mahal namin ang isa't- isa ay siguro masaya ako na kahit kailan ay alam kong safe ako sa kanya pero hindi eh, I can feel the danger in his side.


"Sorry" napalunok ako, I'm not used to this. Greg is such a cruel person na konting kibot mo lang he will be so aggressive na hindi mo na alam kung paano siya pahihintuin.


"Siguro hindi mo pa ako pinapansin ngayon pero I want you to listen carefully" hindi parin ako nagpatinag sa kanya. Nanatili lamang kami sa ganoong sitwasyon.


"When you become a teenager. Naisip ko na hindi lang pala kita mahal... bilang kapatid kundi bilang babae pero ng sinabi ko iyon kay Alfred he want me to stay away from you kung ayaw ko daw masira ang pagkakaibigan namin. So I did but when Bench confessed that he feel the same way walang pagdadalawang isip na sinuportahan siya ni Alfred..." nagbuntong hininga ito bago ngumiti ng mapait.


"...I ask him why, bakit kung ako ay hindi pwede pero kung si Bench ay suportado niya. And when I have the answer alam ko na kung bakit... natawa pa nga ako dahil sabi niya hindi daw kita seseryusuhin. That you will just ended up getting hurt if you will be in my arms dahil... babaero ako..."


"I admit that I am pero when it comes to you, iba eh mahal na kita. But wala na naman akong magawa when you and Bench officially dating, until officially in a relationship. Nasaktan ako kaya lumayo ako. I didn't let them know where I am until I realize that I need to go back. Mahal kita at alam kong bata pa kayo. Pwede pa kayong maghiwalay..."


"So I did the most stupid plan that I thought. To seduce you, to make you fall for me. And guess what? I succeed pero akala ko lang pala dahil mom wants me to marry someone. At nalaman din ni Alfred na tayo na. He wants me to stay away from you or else siya mismo ang maglalayo sa ating dalawa. I don't have a choice--" hindi na ako nakatiis kaya nagsalita na ako.


"You have a choice Greg, either you will give me up or you will fight for me" sabi ko pero hindi ko parin siya tinitigan. He just shrugged at chuckled.


"I know... pero bata ka pa kasi. You wanted me to fight for you until when? Until I crashed your dreams? Nah~ that is why I choose to hurt you kahit masakit sa akin... pero after ilang months ay bumalik ulit ako, nalaman ni mommy na ginagamit lang kami ng pamilyang iyon dahil palugi na ang negosyo nila. I was so eager to win you back pero naging busy ulit ako. Mom is giving me a head ache. She wants me to marry another girl, until my lolo died and my lola is in coma. As well as dad na naka confine din dahil sa stroke..."


"...Litong- lito na ako noon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, so I marry you pero wala parin dahil ayaw maniwala ni mommy na kasal ako. Gusto kitang dalhin sa US noon pero ayaw ng kuya mo. Alam niyang kasal tayo. Kaya sa sobrang stressed ko sa iyo ko nabunton lahat"


"...Parang nagdilim na ang mundo ko noon, I hurted you not just emotionally but physically. Hindi iyon alam ng kuya mo pero ng malaman niya ay umalis ka na noon. Hinanap kita pero wala eh, hindi ka na nagpakita sa akin. I tried to call you pero wala na ring saysay. Nasira ang pagkakaibigan namin... hanggang sa inayos ko ang buhay ko para kapag nakita na kita I can say that I am a better man now" nahigit ko ang hininga ko ng hinawakan niya ang kamay ko.


"Mahal na mahal kita pero ng lumubog sa utang ang kompanya namin wala na akong ibang matakbuhan hanggang sa si Alliana ang tumulong sa akin, in return of marrying her. Hindi ko man iyon gusto pero wala na naman akong magawa. Choices, is always my enemy here. Kaya kong magdecide para sa sarili ko pero hindi ko kaya na ang kapalit noon ay ang mawala ang mga tao na mahalaga sa akin"


"Hindi ko na alam eh, parang pasan ka na ang mundo pero dumating ka ulit. Nagpakita ka at ayaw ko mang aminin gusto kitang itali sa akin. Iyong hindi ka na makakaalis kaya lang Alliana didn't like the idea lalo na at nagkakamabutihan na ang kapatid niya at si Hienz..."


"Alam kong mali ang naging desisyon ko pero sa lahat ng desisyong iyon ay ikaw ang iniisip ko. Na sana maintindihan mo ako at hindi mo ako bibitawan. Pero alam ko din na impossible na dahil ikaw na mismo ang bumitaw sa akin at naiintindihan kita" nakatitig lamang ako sa kanya, hindi ko mapigilang hindi maiyak.


"Lagi kitang naiintindihan at alam ko din na ngayon, you want us to be separated. Nakausap ko ang kuya mo and I know that the best decision is to let you go. Marami na akong napinsala sa iyo. Nasaktan na kita Ni hindi kita nirespeto. Kaya it's my time to let you go..." gusto kong sabihing wag pero bakit ko iyon gagawin? Malaki nga ang kasalanan niya sa akin.


"Pero pwede ba? Kahit isang buwan lang, manatili na muna tayo dito. Gusto ko pang makasama ang anak ko pati na din ikaw bago ko kayo pakawalan" tumulo na naman ang aking luha. Ito na talaga, wala ng bawian. Tumango ako at ngumiti sa kanya.


"Thank you" iyon lang ang sinabi niya bago umalis sa tabi ko pero hindi na muna siya pumasok ng bahay kasi binalikan niya ako at may inilapag sa tabi ko.


"Here. I just want to grant your wish" aniya at ngumiti ng mapait bago ako tinalikuran.


Kinuha ko ang envelope at doon ko napagtanto kung ano ito.


Annulment paper.


And he already signed it. Ang akin na lamang ang kulang. Tumulo na naman ang luha ko. Ito ang gusto ko pero bakit ang sakit? Bakit hindi ako masaya? Bakit?

The Dirty Night (Run Away Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon