Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis, ni hindi ko na tinignan kung ano ang itsura ko dahil hindi ko pa kaya. Wala pa akong lakas ng loob na titigan ang mukha ng babaeng inalipusta ng babaeng kinamumuhian ko noon paman.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko, hindi ko iyon pwedeng isipin ng isipin dahil alam ko na kapag nasa isip ko iyon ay hindi ako makakalimot. Kahit na mahirap kakayanin ko dahil hindi lang naman ang sarili ko ang dapat kong isipin kundi pati na ang anak ko.
Matapos kong magbihis at magsuklay ay agad akong nagtungo sa sala. Siguro ay naroon ang mag- ama pero bago paman ako nakababa ng hagdan ay agad kong narinig ang boses ni Michael sa isang silid kaya hinanap ko ito.
At natagpuan ko ito sa silid ni Greg.
"Uhm bakit hindi po sumunod agad si Tito- Daddy Justine?" Hindi ako pumasok sa loob, nanatiling nakatayo lamang ako at nakikinig sa kanilang dalawa. Sinilip ko pa ang maliit na awang ng pintuan at doon nakita ko si Michael na naka upo sa may kama at katabi si Greg. May distansya pa sa kanilang dalawa.
"May kailangan kasing puntahan ang tito mo, tsaka isa pa ayaw mo ba sa akin?" parang may awkward sa pagitan ng mag- ama pero mararamdaman mo naman ang sabik nila sa isa't- isa.
"N-nahihiya po ako sa inyo eh" hindi ko allam kung matatawa ba ako sa sinabi ng anak ko o hindi. Hanggang ngayon parin pala ay nahihiya siya sa ama niya. Kung sabagay hindi ko naman siya masisisi dahil ngayon lang sila nagkakilala.
"Bakit ka naman nahihiya sa akin? Ama mo naman ako" tumalikod na ako at hinayaan na silang dalawa, maghahanda na lamang muna ako ng pagkain bago ko sila balikan sa taas.
Dumiritso na ako sa kusina at doon ko nakita si manang, ngumiti ako dito.
"Buti naman po at okay na kayo" aniya pa at tinulungan ako sa meryenda ng dalawa.
"Salamat po kay Greg at inalagaan niya ako" sabi ko pa dito.
"Hindi mo na ba siya iiwan?" napatigil ako sa tanong ni manang. Hindi ko alam ang sagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nawala iyon sa isip ko.
"Hindi ko po alam" nakayukong sabi ko dito bago sinimulan ulit ang paghahanda ng mga sandwich at juice nila.
"Sana po ay makapag- usap na kayo. Marami na pong problema si Sir sa Metro pero nanatili siyang nandito para samahan ka. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari pero sana intindihin mo si Sir" tumango na lamang ako at umalis na ng lugar na iyon.
Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni manang pero wala na akong pakialam sa ngayon. Ang kailangan ko ay mapatawad namin ang isa't- isa. At ang pakikipag balikan ay wala sa aking listahan. Sa oras na makabalik kami sa Metro ay sisisguraduhin ko na aayusin ko ang annulment paper namin.
Kailangan ko siyang palayain dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan matapos ang lahat. Hindi ko man alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa ni Alliana pero sisiguraduhin ko na wala na akong kinalaman pa doon.
"Uhm hi" bati ko sa kanila matapos kong pumasok sa silid. Napangiti pa ako ng makita kong naglalaro na ang dalawa ng video games.
"Mommy natalo ko po si daddy sa nilalaro namin!" I patted my son's head before saying congratulations. Tumayo naman si Greg at kinuha ang dala ko bago ito inilapag sa tabi nila ng anak ko.
"Halika, samahan mo kami ni Michael" tumango na lamang ako at tumabi kay Michael. Pinanuod ko silang dalawa at halatang nagpapatalo lamang si Greg. Alam ko kasi na isa siya sa mga expert sa larong ito lalo na noong nasa highschool palang kami ay ito ang lagi naming pinag- aawayan.
Boyfriend ko pa siya noon at naglalaro sila nito ni Kuya, naiinis ako sa kanya tuwing hindi niya ako tinatapunan ng tingin kahit anong pa cute ko sa kanya noon. Naalala ko pa na mas lalo pa akong nainis sa kanya ng pagalitan ako ng kuya ko na tinawanan niya ako pero after no'n ay hinarana niya ako.
Umakyat pa siya sa terrace ko dahil lagot siya kay Kuya kapag nalaman nito ang lahat.
Ang sarap lang balikan pero hanggang ala- ala nalang dahil ilang buwan palang kami noon ng makipag hiwalay siya. Ang masakit lang ay hindi pa nga kami isang araw na naghiwalay ay may kahalikan na siyang iba.
Pero inintindi ko iyon, sinabi ko sa sarili ko na baka fling lang niya iyon. Kaya ayon, mas naging magkaibigan kaming dalawa pero mahal ko parin siya. Hanggang sa I need to do decisions, pinilit ko siya ng pinilit hanggang sa ako ang pakasalan niya, may nangyari sa amin at doon na nagsimula ang slave thing hanggang sa mabuntis niya ako.
May pinagsisihan ba ako sa nangyari? Well sa totoo lang ay wala. Dahil kahit na trinato niya akong parang hayop ay minsay pinaramdam niya sa akin ang halaga ko at laki ang pasasalamat ko sa kanya dahil doon tsaka isa pa, may Michael na ako ngayon.
"C-can we talk?" napalingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit.
"Just be contented of this Greg dahil kahit feeling mo okay tayo ay hindi parin. Aalahanin mo Greg malaki ang kasalanan mo sa akin at ang pag- aalaga sa akin sa loob ng ilang linggo ay hindi batayan para mapatawad kita" sabi ko dito at agad na umalis. Alam ko naman kasi na may gagawin pa silang mag- ama kaya hahayaan ko na lamang sila sa ngayon.
Sa totoo lang pwede namang mag- usap kami ni Greg para matapos na ang lahat. Pwedeng sa pag- uusap namin na iyon ay sasabihin ko na sa kanyang ibalik na ako sa syudad para maasikaso ko na ang annulment paper namin pero alam ko naman na hindi niya ako papayagan. Baka maulit na naman ang nangyari noon.
Napabuntong hininga na lamang ako at dumiritso sa labas ng bahay. Gusto ko kasing makalanghap ulit ng sariwang hangin lalo na at ilang linggo akong nakulong sa lugar na iyon.
Kumusta na kaya si Kuya? Ang mga kaibigan ko? Wala na naman akong balita sa kanila. At hindi ko na alam kung paano ako makakagawa ng paraan para makumusta sila. Sana lang ay matauhan si Greg at isipin niyang hindi niya ako preso.
Oo kasal kami pero kasal lang kami sa papel.
BINABASA MO ANG
The Dirty Night (Run Away Series #3)
Romansa"Sometimes, it's better to be hurt because of pain than be hurt because of him" Loving him was a better choice- iyon ang akala niya. Minahal niya ang lalaking akala niya'y magiging kanya hanggang sa dulo pero ginamit lang siya nito, sinaktan at pina...