Dedicated sa lahat ng naghintay ng chapter na ito :) Sorry talaga at ngayon ko lang ito na updte, nagka writer's block kasi ako at ang planned plot naman ng kwento ay nawala itinapon ata ng kapatid ko kaya ayon nag back read ako tapos inisip kung ano ang magiging kausnod nito :) So hello at thank you sa pag hihintay.
"Greg" nilingon ako ni Greg na ngayon ay nakaupo sa gilid ng pool habang tinatanaw ang anak namin na naliligo.
"Hmmm?" Tumabi ako sa kanya at nagbuntong hininga. Halos isang buwan na ako dito pero gusto ko ng umuwi, alam kong nag- aalala na din ang kuya ko sa akin lalo na at nangako pa ako noon na pupunta ako sa dinner namin kaya lang ay ito nga ang nangyari.
"Kailan mo ba kami iuuwi sa Manila?" tanong ko pa dito na nakatingin lamang sa anak namin. Naramdaman ko namang napatitig siya sa akin kaya naman ay tinignan ko siya at napataas na lamang ako ng kilay sa expression na pinapakita niya.
"Hindi ko kayo iuuwi hanggang sa hindi mo ako matutunang mahalin ulit" tiim bagang na sabi niya kaya naman ay dali- dali akong tumayo at iniwan siya doon. Wala sa plano ko ang magmahal ulit ng kagaya niya, lalo na at alam ko namang kapag nangyari na iyon ay iiwan na naman niya ako at pagmumukhaing tanga. Sapat na sa akin ang dalawang beses pero ngayon? Hindi ko na alam kung kaya ko pa siyang mahalin ulit.
"Mom?" lumangoy ako at pinuntahan ang anak ko. Naglaro lamang kami sa tubig ng maramdaman ko ang mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Pilit ko itong winawaksi ngunit hindi niya ako binitawan kaya hinayaan ko na lamang.
"Mukhang masaya ang paglalaro niyo ah, pwede ba akong sumali?" aniya at ikinatuwa naman iyon ng anak ko.
"Yes daddy!" anito at nagsimula na silang magsabuyan ng tubig.
"Let me go Greg! Ako ang nababasa sa kalukuhan niyong dalawa" inis na sabi ko dito dahil ginawa niya akong panangga para hindi siya mawisikan ng tubig galing sa anak ko. Pero imbes na makinig ay tinawanan lamang ako ng dalawa at pinagtulungan kaya naman ay iyon din ang ginawa ko sa kanila.
Tawa lamang kami ng tawa hanggang sa maramdaman kong humigpit ang yakap ni Greg sa akin at hinalikan ako sa leeg. Nagpumiglas ako at mabuti naman ay nakawala ako. Hindi ko alam pero naramdaman ko na naman ang inis ko sa kanya.
Umalis na ako sa pool at pumasok na sa bahay, hindi ko kasi kaya iyong makasama siya at makatawanan dahil lahat ng iyon ay palabas lamang.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kuya. Ito din ang isa sa pinasasalamat ko sa kanya dahil kahit nakakulong ako dito sa isla ay hindi niya ako pinagbawalang gumamit ng cellphone iyon nga lang bawal kung sabihin kahit kanino kung nasaan ako dahil kapag nalaman niya iyon ay babalik na naman kami sa dati.
"Young lady?" napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Kuya. Miss na miss ko na siya pero hindi pa pwede.
"Kuya, nakuha mo na ba?" Tanong ko dito, alam ko naman na hindi ko na kailangan banggitin kung ano ito dahil alam na naman niya.
"Yes, pero nahihirapan akong ipadala diyan dahil alam kong si Greg ang makakakuha nito at alam mo naman ang mangyayari kapag nalaman niya ito diba?" napapikit na lamang ako. Kaya ko siya kono-convience na bumalik na sa Manila dahil sa bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
The Dirty Night (Run Away Series #3)
Storie d'amore"Sometimes, it's better to be hurt because of pain than be hurt because of him" Loving him was a better choice- iyon ang akala niya. Minahal niya ang lalaking akala niya'y magiging kanya hanggang sa dulo pero ginamit lang siya nito, sinaktan at pina...