"Ella" hindi ko siya tinignan, nanatiling nakatingin lamang ako sa bintana. Ilang araw na ba akong ganito? Hindi ko man lang magawang kumilos dahil kapag ginawa ko iyon ay naalala ko ang mga gabing--
"Stop thinking about it please" dinig kong sabi ni Greg, tinitigan ko siya at hinaplos ko ang mukha niya. Napapikit pa siya at hinalikan ako sa noo. Isang buong linggo ng ganito sa akin si Greg, na inaalagaan niya talaga ako.
"Kasama ko ngayon si Dra. Doroteo she's a psychologist at nandito siya para tulungan ka" nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.
"Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!" Sigaw lang ako ng sigaw at naramdaman ko na naman ang mga yakap ni Greg na tila pinapakalma ako. Ang kaninang mga iyak ko ay tuluyan ng nawala ng maramdaman ko ang security sa tabi ni Greg, kaya naman hindi ko siya hinayaang kumawala sa akin.
"Hi Ella, Ako pala si Hannah asawa ako ng kaibigan ni Greg. Uhm hindi naman ako nandito para sabihing baliw ka, nandito ako para tuluyan mo ng makalimutan ang mga nangyari sayo. So kumusta ka na? Napapaginipan mo ba ang mga iyon?" napayuko ako at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Greg bago tumango.
Gabi- gabi akong dinadalaw ng panaginip na iyon kaya naman palaging nasa tabi ko si Greg tuwing gabi para patahanin ako.
Habang nakayakap kay Greg ay marami pang tinanong sa akin ang sinabi bi Greg na Dra. Doroteo, mga katanungan na kailangan ko daw sagutin kong gusto kong mawala ang panaginip ko.
"Pwede pa ba kitang maka- usap sa susunod kong pagdalaw sa'yo dito? Iyong tayong dalawa lang" humigpit ang yakap ko kay Greg, hindi ko alam. Magaan ang loob ko sa kanya pero feeling ko na kapag kaming dalawa lamang ay ipapaalala niya sa akin na baliw ako. Pero hindi ako baliw alam ko iyon sa sarili ko.
"Uhm Hannah, okay lang naman siguro kung nandito ako diba? Tsaka mas mabuti na ding alam ko iyon" nadinig kong tanong ni Greg.
"Yes, okay lang naman since nandito tayo sa bahay mo. But Greg remember this okay? Kailangan ng anak mo ang ina niya. Alam mo iyan lalo na ngayon at aalis ng bansa ang kapatid mo" ng marinig ko ang salitang anak ay agad akong napaluha.
Michael. Tama, iyon ang pangalan ng anak ko. Kailangan kong makita ang anak ko.
"Michael... michael" naiiyak ako habang inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Hindi ko makita ang anak ko! Sigaw lang ako ng sigaw pero hindi ako makagalaw, yakap- yakap ako ni Greg pero kailangan kong makita ang anak ko. Kailangan kong makita si Michael.
"Shh baby please calm down okay? Makikita mo na si Michael kaya tumahan ka na" tumango na lamang ako at parang batang kumandong kay Greg. Wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin ng kasama namin pero miss ko na kasi ang anak ko.
BINABASA MO ANG
The Dirty Night (Run Away Series #3)
عاطفية"Sometimes, it's better to be hurt because of pain than be hurt because of him" Loving him was a better choice- iyon ang akala niya. Minahal niya ang lalaking akala niya'y magiging kanya hanggang sa dulo pero ginamit lang siya nito, sinaktan at pina...