2

41 3 0
                                    

Nagtanong ako kay ma'am kung may nabanggit ba si Engr. Pogi sa kanya pero wala naman daw. So ayun! HAHAHAH! Hindi naman siguro kami magkikita nun ulit kasi bihira lang daw yun bumibisita. Kahit sobrang, ubod ng, lampas langit ang ka gwapuhan niya na malapit ng bumaba ang panty ko nung natitigan ko siya ay... wala na. Sayang, di na ako makakascore nun sa kanya kasi paniguradong turn off na yun KAYA MABUTI NG WAG NALANG. Makatinda nga ng ampalaya. Ang bitter.
Matiwasay na ang buhay ko ngunit hirap akong makatulog gabi-gabi. Na-iimagine ko kasi ang mukha ni Engr. Gwaping. Haaaaay~ SYETE, otso, nueve.. Nakakita lang ng drop-gead gorgeous hombre, wala na. Nganga na. Kasi naman... Haynaku! Walang poor river! (Walang forever) HAHAHA! :P
Okay, update sa buhay ko. Uhm, andito ako ngayon sa office at dahil hindi busy, sumisingit maglaro ng COC(clash of clans). Huehue. I know, I know. Bawal to sa work pero stress na ako. Work with no play is wititit!
"Aherm. Hi Sean! Are you free this lunch?"
"mmm." tumango lang ako. Uma-attack kasi ako baka matalo ako at makunan ang trophies ko magwawala talaga ako. pramis.
"Well, that's good to hear! Yayayain sana kita sa labas."
Wohoo! I won, I won. May loot ako, maraming loot! (money received from winning) yess! with matching gesture ng kamay gaya ng lawn tennis player na nakapuntos. Yun oh! Victory! Tapos I faced him with a mukha ng tagumpay."Ano nga ulit yun?" I smiled. Tapos siya parang tuliling na nakatunganga. anyare sa kanya? Nahumaling sa kagandahan ko? LOL. I snapped my fingers.
"Huy! Anyare sa'yo?" Tapos parang bumalik siya sa Earth at namula. TSAR, MESTIZO ANG LOLO NIYO BE.
"So uhm, yeah, yayayain sana kita maglunch." Napaisip ako ng konti. Konti lang naman at mentally in-audit ang budget ko...
"MY TREAT." Yan. Yan ang key word. Yan ang password. Nagtitipid kasi ako since birth. Hehehe. I smiled happily at him."Sure! Libre eh! Sa'n ba?" Parang happy siya. As in happy. Bakit siya happy? Siya na nga 'tong manlilibre. Oh well.
"I know a place. You'll love it.""Geh geh. Basta laman-tiyan. Okay na okay." Kasi these past few days twice a day nalang ako kumakain. Nakikibirthday at lamay narin ako. haha. But thank God halos araw-araw ay may nanglilibre sa'kin. Ewan ko ba, ang generous ng mga work mates kong mga lalaki. Hahaha.
"Great. See you later."
~~~
Habang hinihintay ko nalang yung nagyaya sa'kin na sunduin ako, tinititigan ko ang family picture ko. I let out a sigh. Nakakamiss. Kumpleto pa kaming 11 dito oh. At sobrang saya. Umegerd...
Biglang nag ring yung phone ko.
"Oh te Sher!" Nakakatandang kapatid ko pala.
"Yan..." Nanginginig ang boses ni ate. Parang umiiyak na ewan. Bigla akong kinabahan...


[A/N: Si Gerald ang nasa picture. :)]


Perks of Being HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon