“HINDEEEEEE!!!” No! Aniyo! Dili! Hindi maaari ito!
Ang bag ko! Nakabukas na ito at ang mga gamit ko ay nakakalat.
“Mga walang hiya! Pinagtawanan pa ako kanina dahil ang baduy ko pero ito sila ang nag nanakaw!” galit na sabi ko.
“Nag-effort pa naman ang Tatang ko dito!” Naalala ko si Tatang, teary-eyed na ako. Eh kasi naman eh!
Chineck ko kung anong kinuha nila. Present halos lahat ng damit ko kaso nakakalat. Pero yung mga tools, pagkain, food, at PAGKAIN. Zero, as in betlog. Buti at itong swiss knife, lubid at portable bag(yung natutupi) ay nasa bulsa ko. Teka. May lubid at portable bag pala akong dala kanina sa dagat. Nagsakripisyo pa akong magtop-less. Taeness.
“Hwaaaaaahhhh! hwaaaaah!!” Ngumawa na ako na nakaupo at nagtatadyak ang paa ko. GUTOM NA AKO EH! Ikaw ba naman ang lumangoy ng ganun ka layo.
TING! Teka. May niyog kaya akong dala. Keri pa itong kainin diba? At least magkakalaman ang tiyan ko ba.Dali-dali kong kinuha yung batong gamit ko kanina sa unang niyog. Mejo nahirapan ako kasi ang bigat pala nito!
I did what I had to do. Binato ko ito at vuala! A mermaid doll popped. Ang swerte ng doll na to ah. Nag effort ako masyadong hanapin. Sana yung forever ko naghihirap ding hanapin ako. YUN OH!
So ayun nga. May mermaid na doll. Pag tomguts ka na at doll lang ang loob ng niyog, anong gagawin mo?
A. Maging masaya kasi may doll ka na
B. Sirain ang doll
or
C. Kainin ang doll?Ay ewan, A nalang siguro. wala kasi akong doll, alam niyo naman sa hirap ng buhay, bakit ako gagastos para sa laruan kung pwedng pagkain nalang diba? busog pa kami nga mga kapatid ko.
Lumingon ako sa gilid, at tinignan ang box na may kalakihan. Baka may foods dito. Binuksan ko ito at tinignan ang laman. Merong mapa, swiss knife, compass, jacket, at tent.
Wow. Ang effort ko, wala pagkain? I kennot. I wanna cry 😭 Pero wait. May tent? Hala. Ang galing. Magbunyi!! May matutulugan ako mamayang gabi! Magbunyi! Di na ko kailangan gumawa ng bahay bahayan. Magbunyi!
Kinuha ko ang mapa pagkatapos magbunyi at may natapong letter dito.. binuksan ko ito at binasa
"Congratulations! You found the lucky hint! This will be a big help to find the maze. Good luck!"
Tinignan ko ang mapa, nakalagay dito kung saan banda sa isla ang maze. Ang problema ko nalang ay kung saan ako banda sa isla. Pero okay lang. Ang swerte ko parin. Thank you God. :) Sana makahanap din ako ng foods.
Ang bilis ng panahon dito sa isla. Di ko namalayan hapon na pala. Galing ako naghanap ng foods. Kanina, sumulat ako sa buhangin ng napakalaking "spooɟ puas" baka may maawa na sponsors. Pero wa epek eh. Kaya naghanap na ako the hard way. Hehe.
Alam ko namang, pabilisan ito matapos ang maze pero malapit na lumubog ang araw at feel ko nakakatakot ang gabi mag-isa. Nag set-up na ako ng tent at gumawa ng bonfire. May nahuli akong isda kanina. At sa kaswerte-swerte ko naka kita ako ng ahas, kamukha nung ahas na malapit na pumatay sa akin. Sana ito talaga yun ng makaganti ako. Hahaha ang bad.
Pagkatapos kung kumain, pumasok na ako sa tent. Nagmumuni-muni muna ako. Di ko akalaing na nandito ako. Na napunta ako sa sitwasyon ko ngayon. . . Pinahiran ko ang luha kong tumutulo sa aking pisngi. Hayss.Namimiss ko mga si Tatang at ang mga kapatid ko. Hindi pa naman ako sanay na walang katabi sa pagtulog.
Kumurap-kurap ako ng may narinig akong parang gumagalaw, nakatulog ako habang nag bre-brainstorming kakatingin sa mapa at compass. Nasesense kong parang may hayop o tao sa paligid. Nanayo mga balhibo ko mejo nakakatakot dahil ako lang mag isa. Walang back up at babae pa ako. Walang ingay na kinapa ko ang swiss knife sa bulsa ko. Hindi muna ako tumayo sa pagkakahiga.
Maya-maya may naaaninag ang mata ko na katawan ng isang babae. Papunta siya sa harapan ng tent kung saan nandoon ang bonfire at tira tira kong pagkain.
aba! Ito ata yung nagnakaw ng pagkain ko kanina. Plano pa ata nito pagnakawan ulit ako. Nakakakilabot. Ibig sabihin nito, sinusundan niya lang ako. grabe ang isang to.Yumuko ang babae. Parang nay hinahanap ito at alam kong hindi niya ito nahanap kasi narinig ko ang mahina nitong "urgh!". Hala! Alam kaya nito na may mapa siya? hindi lang ata pagkain ang pakay nito. Iniwan ko ang box sa labas, ito yata ang tinitignan niya. Pero wala na itong laman kundi ang jacket kasi may jacket naman akong dala.
Maya-maya, umalis na ang babae. Nag-iisip ako kung sino kaya yun hanggang nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Perks of Being His
RomansaNang dahil sa lubos na pangangailangan, sumuong siya sa isang laro. Larong ang 1st prize ay ang maging asawa ng makatulo-laway at hulog-panty na tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa anim na kontenente dito sa mundo. Throughout the game, she wi...