4

24 2 0
                                    

Naging okay naman ang lahat. Okay nadin ang kondisyon ni Tatang pero he had to stay sa hospital para ma-observe. Actually, di naman talaga namin mailalabas si Tatang hangga't di namin nababayaran ang bills. Pero okay nadin para gumaling ng lubusan si Tatang.

Nakahanap nadin pala ako ng trabaho, o diba? Ang bilis ko? Kumakanta ako sa sa Casino sa gabi ng weekdays at waitress ako sa isang restaurant every weekend. Kineep ko parin ang side line kong  singer every saturday ng gabi sa isang korean bar, malaki pasahod at mga tip eh.

Nasa office pala ako ngayon, pero di gaya ng dati na naglalaro lang ako ng COC. Maraming pinapagawa sa aking si Maam.

Nagsosort nga ako ngayon ng mga documents in a folder. At every folder ay pangalan ng babae ang naka print sa center. Ewan ko naman para saan to. Napansin ko lang ay halos magagandang babae ang nagmamay-ari ng mga pangalan.

I know, binuksan ko isa-isa kasi nga chismosa eh. Hahaha. Nakakaaliw din kasi may resume aside dun may personal profile as in personal talaga hindi pang work.

May nabasa pa nga ako na 'I can be the girl that will make you reach the stars every night.' Tapos tinignan ko yung picture niya at mejo natawa ako. Tatlo kasi ang picture na A5 size, isang whole body na mukha siya trying hard model dito, isang informal upper half body na pabebe, at isang formal UHB na ... na... mukha siyang sundalo! HAHAHAHHAHA! Dami kong tawa be. HAHAHA! Tapos yung iba pa hayop sa ganda, yung iba hayop.. aw! HAHAHA! Makapanglait lang eh no? Pero they were all professional and rich women. Lalo tuloy akong nagtaka para saan to.

Krrriiinnnnngggg!

"Yes Maam."

"Seanna, tapos mo na ba yung pinapagawa ko sa'yo?"

"Yes Maam."

"Ipasok mo na 'yan ASAP." Dali-dali akong tumayo at kumatok sa pintuan then pumasok. Sobrang lapit lang kasi ng desk ko sa office ni maam.

"Good afternoon maam. Good morning po sir. Maam, ito na po yung pina-arrange niyo." may kasama kasi si maam na nasa early 40s na lalaki.

"Thank you, iwan mo na lang sa table ko." Ginawa ko naman yun.

"May ipapagawa pa ba kayo maam?"

"I'll just inform you, now you may go."

"Thank you maam." Umalis na ako pero before ko ma close yung pinto I heard them discussing something about sa mga documents.

"I've sent all the information through e-mail. Thank you for helping the heir find a suitable wife." ANO? ANO? ANO?

I slowly closed the door then dali-daling pumunta sa desk ko. And opened GMAIL. Yup, may access ako sa e-mail ni Maam. PA/Sexytary nga diba? hohoho.

Andun nga yung e-mail, I opened it and read it all.

"Oh my! Oh my!" Natutup ko ang bibig ko. TAE, agad2 kong kinlose ang g-mail at dali-daling inasikaso ang required documents. Kakausapin ko si Maam mamaya.

~~~

"But you are not qualified Seanna!" nanlumo ako pero di masyado kasi in-expect ko na to. Pero nakaka-sad lang kasi parang sinampal sayo na kahit saksakan ka pa ng ganda wa epek yan pag hindi ka anak mayaman o di kaya successful sa larangan mo. Tae lang.

"Maam, please maam? Alam ko namang kaya mong mama-magic yun maam eh. Papasukin mo lang ako sa top 20 maam total may allowance na yun. Alam niyo naman sitwasyon ni Tatang ngayon maam, diba? Maawa ka maam. Alam ko din naman maam na di ako mananalo maam eh. Sge na maam. " Puppy-eyes pa ako at supeer ka awa-awang face.

"My Gahd Seanna! I can help you if it's money you want."

"Maam, I appreciate it but maam, sobra sobra na ang tulong na binigay mo noong kay Nanang" Humina ang boses ko sa bandang huli, di pa din kasi ako maka move-on.

"Maam, kapag hindi ko na kaya maam saka na ako magpapakapal ng mukha at hihinge ng malaking pabor sa'yo pero sa ngayon maam. Ito muna hihingin ko sa'yo." Ang kapal na talaga ng mukha ko. Pramis.

"You have been a very outstanding secretary and PA to me. I trust you more than anyone in this company. But this is different Seanna, this is for his wife to be. And I owe him a lot." Nakikita kong nahihirapan si maam. Big deal pala talaga ito. She let out a deep sigh.

"Okay, I will help you. But you have to be ready to face everything kasi hindi basta-basta ang sistema nag pagpili. Pero, hindi ko alam ang lahat, sa pagpili ng top 20 lang kasi ako."

"THANK YOU SO MUCH TALAGA MAAM." I hugged her and she hugged back.

Perks of Being HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon