5

28 2 0
                                    

WOW! Ang ganda naman dito! Nandito ako ngayon sa building kung saan kami i-oorient. OO, napasok ako sa top 20. *teary-eyed* Charot lang. hehe. Ang galing talaga mag-magic ni maam. Chinange niya yung position ko into a a higher position para ma qualified ako. Pero sa papers lang yun kumbaga. The best! Hehe.

Nasabi ko na pala kina Ate itong plano ko. Kina Ate lang kasi alam kong malaki ang tendency na hindi papayag sila Kuya. Alam niyo naman, over protective.

Nag-alala sila ate sa akin at first kasi nga baka ako yung manalo at magka asawa ako ng hindi sa oras. Grabe, taas naman ng paningin nila sa ganda ko. HAHAHA! Nag alala sila baka daw masaktan ako o di kaya magka aberya makasuhan pa ako, etc2. Pero pumayag na sila sa huli nung sinabi kong malaki ang makukuha kong pera para kay tatay. Kapit sa patalim kumbaga.

May usherettes na nag guide sa akin patungo sa room pero sumaglit muna ako sa CR. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Grabe, mukha talaga akong tao ngayon. Inayusan kasi ako nila ate at nanghiram pa sila ng dress para sa akin. Effort sila kasi nga baka di man lang ako tapunan ng tingin ng Heir at i-etchapwera ako agad. Edi wow.

Pagkatapos ko mag re-touch at umihi (kinakabahan kasi ako. nubayan) pumasok na ako sa isang room.

Nakakasilaw ang room, infairness. Puti lahat. Akala ko nga nasa langit na ako pag pasok ko eh. LOL. Para siyang auditorium ang style. Tapos may stage sa harap, doon kami pinalinya.

Pinagmasdan ko ang iba ng hindi ako nahahalata. I am a keen observer and alert ang senses ko palagi, maybe ito ang magiging strength ko dito. Hmm... Lahat sila magaganda, at halatang mataas ang uri, mapalahi man o sa estado ng buhay.

I checked myself. NAKU NAMAN! Mahirap na labanan to! Nag-ayos na nga ako sa lagay na ito. tsk. Ano namang laban ko sa mga daily costumer na ata ni BELO AT CALAYAN? Ano namang laban ko sa mga rich kids? Isang simpleng empleyada lang naman ako, dami ko pang tinutustusan. Tapos reyna ng kayagitan, sa'n ka pa?

Pero, hindi naman ata to sa pagandahan lang ng panlabas na anyo, diba? Kaya may laban pa ako! Laban!

" Out of 579 applicants, the 20 of you are the only passers." sabi nung naka amerkana na lalaki. Parang host ng isang reality show ang peg niya.

"Then, out of 20 only 15 will proceed to the next round, then 10 then 5. The top 5 will receive gifts from our family and the company. And when I say gifts, I mean GIFTS. Though from now on the 20 of you will already be given daily allowance. The winner? She will be the wife of the heir of the richest family on Earth. She and her family will be living like a royalty for the rest of their lives."

Kung hindi lang talaga pa demure effect tong mga babaeng katabi ko, I'm sure nag titili na sila. Pag mention na 'wife of the heir' parang na excite sila lalo na yung 'living like royalty'. Ako, Kahit top 5 lang po Lord God, please? O di kaya top 10.. basta mabayaran lang lahat ng utang then makaipon ng konting extra-money para sa maintenance ni tatang. Ayoko naman maging sobrang yaman. Gusto ko lang buong pamilya. Kontento na ako sa kung anong nandyan.

"Okay ladies. Are you ready?"

"Yes." nag chorus kami. Confident na confident pa nga yung iba.

"Any questions?" tapos biglang nag raise ng hand itong katabi ko. edi all eyes on her.

"I heard it has not yet been decided who the heir will be, is it true?"

"Yes." sagot nung host na ikina-shock namin. What? Nagpa ganito sila tapos wala pa palang heir? Tapos may nag raise ulit ng hand niya.

"So if this will all end and a winner will be announced but there is still no heir--" hindi na pinatapos nung host yung babae at nag salita siya.

"I get your point, of course we will not allow that the winner will not be chosen by the heir." HA? Ang gulo naman nito. ay ewan basta ako go for the gold! ay, silver lang pala o di kaya bronze. Ambisyosa much na ako para maging wife. Underground movement na nga tong pagkapasok ko sa top 20.

"Okay enough of that, now, LET THE GAMES begin!" hala? game daw? edi game! game na game ako dyan! bring it on!

Perks of Being HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon