(A/N: I am very, truly, extremely sorry for being in hiatus. Personal reasons. Anyway, I'm back. Salamat sa bumasa nito with malagkit na pagmamahal. Trarot.)
"Waaaaaaahhhhh!" puro sigaw lang ang ginawa ko. Super saya pala kapag nahulog ka at alam mong secure ka. . . dahil sa parachute. Sana ganun din ang pag-ibig. NAKS! Humuhugot na rin ako. Bwahahaha.
Ngayon din ang sarap sumigaw, sumigaw ng TULONG. Kasi nasabit yung parachute ko sa sanga ng puno. Grabe naman talaga. Halos 15 minutes na akong stuck dito. Siguro yung iba nakahanap na ng clues o di kaya na stuck din pero may sponsor kaya natulungan. Taeness talaga. -_-
"Hssssssss. . ." may umiihiba? hala ang bastos naman, dito talaga malapit sa akin.
"HISSSSSSS" hala. Ang lakas naman niya umihi. Saan ba siya nang mabully ko. BWaahahhaha. K. ang sama ko.
"HHIISSSSSS" Halos lumuwa ang mata ko nang nakita ko yung umihi. Este. . . AHAS na ang patungo sakin. Mga 2 meters nalang. Na statwa ako. Isang magandang statwa. K. Jk.
"Snakey? Donty comey neary mey..." Pacute na sabi ko sa ahas. At ang walang-hiya patuloy parin sa pagpunta sa akin na parang sinasabi na "Food. Food. Food." ng paulit2 na parang bangag. huhubells.
Isang metros nalang talaga ang lapit niya at malapit na akong maihi sa takot at kaba. . . "shhhhhh". Ay joke. Naihi na pala talaga ako. WAAAH! Maliligo talaga ako sa dagat pag nabuhay pa ako after this... Wait. Mabubuhay ako. Para saan pa yung pinadala ni Tatang kung kaka Chapter 7 palang eh patay na ako? Andito lang yung. . .
"AHA! Dito lang pala sa bulsa yung multipurpose knife!" Dali-dali kong pinutol yung tali at before ako natapos. Dinilaan ko yung ahas!
"Bleeehh! Ano ka ngayon? Ble. . .WAaaaaah! *togsh*" Taeness talaga. Nakalimutan kong mahuhulog pala ako pagkatapos ko maputol yun. Ang sakit ng puwet ko. grabe. Tiningnan ko yung ahas sa taas. ABA! Mala-ahas yung ngiti niya na parang nagsasabing "Karma is a B*tch." Pwede palang mag-swimming sa Karma? K. Jk.
'''''
Andito ako ngayon sa dagat kasi... aherm. . .. Basta. Pagkatapos ko sa ginagawa ko sa dagat. umahon na ako. Ang sarap ng hangin grabeh. I spread my arms wide at tumingin sa langit. Pumikit pa ako niyan para damang-dama talaga. Ang tagal ko ng hindi naka amoy ng hangin na presko. Hindi ako nakuntento at tumakbo pa ako at umikot-ikot na parang baliw. sarap kasi sa pakiramdam eh.
"I LOVE NATUR— Arrraayyy!"
Lips to lips kami ng buhangin at the moment. Syet. First kiss ko ang buhangin. Kakahiya. Dejk.
"Langya naman! Sayang ang moment! Saket" Inalam ko ang suspect sa pagkadapa ko at may nakita akong buko. Dejk. Niyog na pala. Kasi brown na eh. Tama ba? Hindi? Edi waw.
"Ikaw! Wala kang utang na loob! Teka, so may utang na labas? Dejk! Basta. Wala kang galang!"
Kinuha ko ito sa pagkakabaon ng ¾ ng katawan niya sa buhangin. Pinagsisipa ko yung kawawang niyog—hindi siya kawawa! Pinatid niya ako! Baliw na ba ako? Eh sa naiinis ako eh.
"Yan! Yan! Ito pa!" Di ako nakontento, binato ko pa ito ng malaking bato.
"Ano ka ngayon? Bwahahaha!" Tinignan ko ito ulit pagkatapos ko tumawa. Nahati na ito dalawa. Nilapitan ko ito. Teka? ano itong nakikita ko?
Kinuha ko yung laman ng niyog.
"OMG"

BINABASA MO ANG
Perks of Being His
RomanceNang dahil sa lubos na pangangailangan, sumuong siya sa isang laro. Larong ang 1st prize ay ang maging asawa ng makatulo-laway at hulog-panty na tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa anim na kontenente dito sa mundo. Throughout the game, she wi...