Parang tumaas bigla ang bp ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Dali-dali kong tinungo ang elevator. Sakto namang nag dumating si Gerald. Yung nagyaya sakin.
"Emergency talaga. Next time nalang. Sorry. Bye!" He just nodded and waved. Tapos tumakbo na ako. Urghh! Kaimbyerna be! Ang tagal ng elevator! Nasa 3rd floor pa at na stuck doon. 25th floor pato. ughhh. Fire exit na nga lang.
Mag expect na kayo na para akong galing nagwork out pagdating ko sa baba. Tumakbo na ako kasi keri lang naman takbuhin. Bzooom!
Ugh! Langyah lang be! Tanaw ko na ang paroroonan ko eh! Bumigay patong made in China na sandal ko. Grabe, kanina sa elevator, ngayon sa sandal naman? Naiiyak na ako. Nanunukso kasi eh. Alam niyo yung feeling na kung kailan may emergency, saka naman maraming bagabag. NAKAKAIMBYERNA talaga. Tumingin ako sa taas para hindi tuluyang tumulo ang luha ko. Tapos binitbit ko nalang ang sandal ko at sinimulan ulit ang pagtakbo.
Maraming nakatingin sa'kin. KEBS ko sa kanila. Mainggit sila sa kagandahan ng paa ko. huhubells, may gana pa akong magjoke! Chill. Dapat chill lang ako.
Sa wakas, nakarating din ako sa Hospital at masakit na ang paa ko.
"Miss, okay lang po ba kayo?" Tanong ng nurse.
"Saang room naroroon si Samuel Mortaleza?"
"Sandali lang miss ha. I checheck ko." pumunta siya dun sa information desk at kinausap yung in-charge doon. Pagkatapos humarap siya sa akin.
"Sa OR po." Nanlaki ang mata ko.
"OR? OPERATING ROOM?!"
"Opo. Doon po ang daan."
Nagpasalamat ako at tumakbo uli. Sa sobrang dami ng emosyong nararamdaman ko ngayon, parang gusto ko nalang ngumawa at sumabog.Tumakbo ako ng tumakbo na parang wala sa sarili. Then suddenly, I found myself lying on the floor. Pati ba naman dito sa hospital? BAKIT BA ANG TANGA KO?! I stayed lying on the floor.
"Watch where you're going!" ani ng familiar voice napatingala ako and there I saw the men whom I least expect to see. I looked at him straight in the eyes. Boom.! Ngumawa na ako. Iyak ako ng iyak kasi feeling ko ang malas malas malas ko na.
"What the F#ck?"
I cried harder and tried to stand up using the wall. Langyang to. Di man lang ako tinulungan.
Ang sakit na ng paa ko pero kinaya ko, nilagpasan ko siya ng walang kime kime (kasi narealize kong nakakahiya na pala) at tumungo sa OR.
~~~
"LANGYA YAN! ANONG NANGYARI SA'YO? Para kang narape ng maligno!" Bakas sa mga mukha ng mga kapatid ko ang pag-aalala.
"Si papa?" Napalitan ng lungkot ang pag-aalala.
"Uhmm.. Ahh, Paano ko ba sisimulan?" sabi ni ate Sherie. Pang apat siya sa panganay.
"Ako na. " si Ate Shizan, pangalawa.
"Sobrang okay naman kami kaninang umaga bago ka umalis pero suddenly he was screaming in pain. Nag panic kami syempre at sinugod si Tatang sa hospital..." nag umpisa na siyang humikbi. Inalo naman ito ni Kuya Sam.
"Ang sabi ng doctor, his kidney's are failing tapos nagka heart attack si Tatang na kapag nasundan pa ng isang attack ay maaaring--maaaring-- ika wala ng buhay niya." pagpapatuloy ni Kuya Sam dahil umiyak na si Ate Shizan.
"They had to remove one of his kidneys and replace it ASAP kasi ang isa niya pang kidney hindi narin mapagkakatiwalaan. Kailangan ding operahan siya sa puso. Kasi may ugat daw na namamaga daw. Buti nalang at may na contact kami na donator ng kidney."
"Pero diba mahal ang pagpapa opera?"
"Buti nalang din at nadala ko ang pouch kung saan naroon lahat ng ipon natin pero sapat lang ang lahat ng yun para sa down payment." si Ate Shatz ang nagsalita. Siya ang panganay at ang tumatayong Nanay namin.
Parang namutla ako ng mga 1/4, kung down payment lang ang lahat ng ipon naming magkakapatid, saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga?
"Okay lang, basta buhay si Tatang. Gagawin ko lahat." sabi ko bigla sa kanila. Napatingin sila lahat sa akin. Nashock ako kasi parang iba ang tingin nila sa akin.
"Hoy Yan! Alam ko yang iniisip mo! Baka plano mong sumali sa budol-budol gang! Naku! Masasapak talaga kita!" Si Ate Sherie yan.
"Langya! 'yan naba tingin niyo sa'kin? Di pwedeng maging high class prosti muna?"
"Di ka naman tatanggapin baka sa pucho puchong bar lang bagsak mo." ani ni Sean nakakabata lang sakin ng isang taon. Akmang susugurin ko na yung kutong lupa kong kapatid ng hinarang ako ni Kuya Steve panglima, pang anim kasi ako. HARDWORKING kasi masyado si Nanang at Tatang kaya ayan.
"Naku, pwede bang wag muna kayo mag-away? Tsaka, Masamang biro iyan Yan. Kahit sobrang nangangailangan na tayo dapat good money parin." sabi sa akin ni kuya Steve.
"Alam ko. Magdadag-dag nalang ako ng work."
"Kami rin. Shift-shift nalang tayo ng pagbabantay kay Tatang pero bago ang lahat, manalangin muna tayo."
We formed a circle, naghawak kamay at taimtim na nanalangin. Hindi ko maiwasan na maiyak. Sana magiging okay din ang lahat.
BINABASA MO ANG
Perks of Being His
RomanceNang dahil sa lubos na pangangailangan, sumuong siya sa isang laro. Larong ang 1st prize ay ang maging asawa ng makatulo-laway at hulog-panty na tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa anim na kontenente dito sa mundo. Throughout the game, she wi...