6

34 3 0
                                    

Nagulantang kami bigla dahil nang sabihin niyang 'let the games begin' ay seryosong nagsimula na talaga. Round I part 1 of 3: Interview with the Parents of the Heir. Pangatlo pa ako.Sinong hindi kakabahan at magugulantang?! Hindi ako prepared nubayan! I like interviews and I am kind of good at it but. . . this is different! Iba to.! (trinaslate ko lang eh)

"Are you nervous?" yung katabi ko yan na naka smirk. aba! Masaya kang nenerbyos ako? chuserang froglet!

"Why should I be nervous?" pinamaldita ko yung mukha ko kahit mukhang anghel. tsar. nagbubuhat lang ng sariling bangko ang peg. hahahah

"I heard MOM is a very strict and unfriendly person. Very intimidating too." Mom daw? Ambisyosa.! lol. I went close to her ear and whispered.

"Mom? grabe s'ya oh. Saksak mo sa baga mo! Wala akong pake, kahit pa leon yan."

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Ako na naman ang nag smirk.

"No. 3, your turn." ay taeness.! kakadada ko mas hindi ako naging prepared. Naku! yang babaeng yan talaga!

"Good luck." sabi niya na super confident na kakabahan ka talaga at ma iintimidate. Desperada much?

"BAD luck." sabi ko na parang nag che-cheer sa kanya tapos tumalikod na ako papunta dun sa interview room.

~~~

Natulala ako pagkakita ko sa couple na nasa harapan ko. I expected kulubot ang balat, donya na donya, maraming kolorete sa leeg, kamay.. buong parte ng katawan ng MOM kuno ng babaeng impakta kanina but no. . . Para siyang Victoria's Secret model na late 30s. At ang DAD. . . oh la la! pwedeng siya nalang ang mapapangasawa ko?

"Introduce yourself iha." sabi ni Dad in a friendly tone. Yup, Dad ko na siya. Pwede din sweetheart. Hahaha.

"Good morning Madame, Sir! I'm Seanna Mortaleza. 22 years old. Cavite, Philippines!" ay tae. Bakt ko ba pinapahiya sarili ko? Nag chuckle lang si Dad. Nag taas ng kilay naman si Madame at parang hindi natuwa. Kaya pinaulanan ako ng sangkaterbang tanong na sinagot ko naman kahit na gusto ko ng sumigaw na 'STRUGGLE IS FOR REAL!!!'. Buti pa si Dad tawa lang ng tawa, nakaka-inlove.

"You seem to be not serious about this."

Pagkatapos ng isang dosenang maka nose bleed na tanong niya. . .(As in siya lang, si Dad parang props lang sa tabi niya.) SASABIHAN NIYA AKO NG HINDI SERYOSO?

"I am serious about this more than anyone else kahit hindi halata madame." para kay Tatang.

"Why are you here? Is it about the money? The physique of my son?" ahm. awkward... pwd rin katawan ng anak nya. . . may abs kaya yun? malaki kaya ang. . .ang. . . katawan niya? ihihihi

"Maam, I am here because I believe in destiny and the power of true love and love at first sight!" teka? tama pa ba tong pnag sasabi ko?

"Teka iha, hindi ko ma-gets masyado ang point mo." nag salita sa wakas si Dad.

" Eh kasi Da-- este Sir, napaginipan ko kagabi na makakasal ako ng maaga. Tapos syempre ang ganda-ganda ko dun tapos kamukhang-kamukha mo po ang mapapangasawa ko tapos nabalitaan ko to, diba destiny? Bigay ng Poong Maykapal na may power of true love. At pag nagkita kami ng anak niyo, yun ang tinatawag na love at first sight." syete, ano ba tong pinagsasabi ko?

Natawa lang ulit Dad at hindi na ma ipinta ang mukha ni Madame.

~~~

"This weekend, prepare yourselves for Round I part 2 of 3. We will send you thru e-mail the things you need to bring. Also, I want to inform you that everything is recorded and there are eyes watching your every move. We want the best for the heir."

Maraming nagreact sa sinabi ng host na everything is recorded, yung iba nag retouch, yung iba parang nag panic, yung iba na concious, yung iba natatae, at ako. . . na belong siguro sa natatae. hahaha.

"You all may now go."

Batse na kaming lahat ako lang medyo nag pahuli kasi ayokong makipag siksikan ang kagandahan ko sa kanila. At dahil nahuli ako, ako ang naka witness sa mga kalat na na iwan. (nagpa-snacks din kasi sila eh) Na bother ako kaya nilinis ko na ang kalat nila, total sanay na naman ako dito, ex sanitary engineer kaya ako, (pina sosyal sa janitor)

Nagpasalamat ako kasi may iba na hindi kinain yung mga snacks nila kaya may ma-bring house akong marami! Hehe.

Sa kakalinis ko may nakita akong cellphone, hala? kanino to? I turned it on and saw a cute little boy na naka simangot. Hala ankyot.

"Oh my! I thought I lost my phone!" may biglang sumulpot na cute na babaeng nahihiya ang balat ko sa sobrang kinis at puti.

"Eto oh."

"Thank you so much!" Tapos she hugged me. Nag struggle ako ng konti kasi medyo ma rami-rami kaya tong bringhouse ko.

"Hehe, Walang ano man."

"I am Sophia Deniz Ocrs by the way." she smiled and offered her hand.

"Ako naman si Seanna Mortaleza." I smiled and shook her hand. Ang bait niya naman. Akala ko puro impokrita ang mga andito.

"How could I repay you?"

"Wala naman talaga akong ginawa."

"No, I insist. Let me treat you to lunch, gutom na naman ako eh and I want to have company." Ano daw? gusto niya ng kumpanya? mukha na ba akong building? hihihi

"Okay." Hindi ako masyadong pakipot, lalo na pag ganito.

"Nga pala, sino yung batang wallpaper mo? Anak mo?" may bahid na pagka chismosa ang tunog ko. Hala, ngayon lang ako na inform na paki-alamera pala ako. hahaha

"No silly, come on let's go."

Ano daw? ayaw niya ng sili? ayaw niya ng maanghang? hihihi. Okay. last na yan pramis. hehe

Perks of Being HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon