My Monito/Monita

10 0 0
                                    

Nakakabagot naman. Ilang linggo nalang Christmas break na namin at super excited ako sa mga matatanggap kong regalo, actually.

Hindi ko alam kung bakit pa kami pinapasok ni Maam. Wala naman na kaming ginagawa e. Tulad ngayon, tingin ko hindi na papasok si Maam or late lang yata siya.

Maingay ang klase at ako na naman yung nag-iisang tahimik lang. Nasa sulok at tinitignan ang bawat galaw nila, ang bawat galaw niya.

Ako nga pala si Coolyn David, isang simpleng babae galing sa simpleng pamilya. Fourth year student na ako sa Limay National Highschool.

Wala na akong ibang ginagawa araw araw kundi titigan at tignan bawat galaw niya, bawat kilos ni Drake Buenaventura. Ang aking long-time crush simula pa yata nung kinder. Oh, diba? Ang harot ni Coolyn, kinder palang uma-aura na! Sa isip-isip ko.

Simula nga kinder crush ko na siya. At simula talaga nun napakasnobber niya. Ni hindi nga yan nangiti sa akin. Napasungit na akala mo araw-araw may dalaw. Madaming nagkakagusto sa kanya, at given na yun. Kasi ba naman sa gwapo niya, talino at galing sa mayamang pamilya, sino ba namang hindi magkakagusto diba? At dun ako nalulungkot kasi sino ba naman ako para magustuhan niya? Kumpara dun sa mga magagandang nagkakagusto sa kanya at dun sa mga nakarelasyon niya.

Napabuntong-hininga ako. Hay Drake, kailan mo kaya ako mapapansin? Kailan mo ko kakausapin? At higit sa lahat kailan mo ko mamahalin? sabi ko sa sarili ko.

Napaisip na naman ako, pano niya ko mamahalin e ni ngitian nga hindi niya magawa e. Mahalin pa kaya? Ang tanga mo Coolyn, wag nang umasa masasaktan ka lang hija.

" Hoy! Ang lalim yata ng pinaghuhugutan ng bestfriend ko a. Alam mo ba, sa sampu isa lang nakakaligtas dyan pero kritikal pa din. " nagising ako sa katotohanan ng marinig ko ang boses ng bestfriend kong si Karen.

" Gaga! Nabobored kasi ako kaya ayan buang na naman ang lola mo." palusot ko nalang sa kanya pero sadyang kilalang kilala niya ako kaya hindi keri ng powers kong maglihim sa kanya.

" Weh? If I know, iniisip mo lang yung lalaking yun. " sabi niya na may pagturo pa sa nanahimik na si Drake Buenaventura.

Agad-agad ko hinablot yung kamay niya. Hala! Loka-loka talaga to baka mamaya may makita samin, mai-issue pa ako sa school. Buti nalang at nasa likod kami kaya sure akong walang nakakita.

" Abney ka talaga! Baka may makakita. Grabe ka. " sabi ko sa kanya at ang loka nakatawa pa ng malakas.

" Ay, mas grabe siya. Hahaha! Bes, bakit hindi mo nalang kasi amining iniisip mo siya. Diba hindi lang isang simpleng CRUSH ang nararamdaman mo para sa kanya? Kundi isa nang pag-ibig. Wohoooo.... Oh. Oh. Oh. Oh. Pag-ibig.. " nagchachat pa siya. Grabe, hanep tong babae na sarap kutusan.

" Nako nga, wag mo nga akong binibigyan ng pag-asa dyan sa Drake na yan. Oo, mahal ko na siya pero gusto ko nang makalimutan siya as soon as pumasok ang 2016 dapat naka-move on na ko. " seryosong pagkakasabi ko. Gusto nang kalimutan si Drake. Pakiramdam ko kase wala na talagang pag-asa. Wala na. Hanggang dito nalang to. One-sided love lang to.

" Oh? Pano kapag may gusto RIN pala siya sayo? Kakalimutan mo nalang ba talaga siya? " natawa ako sa sinabi niya. Nakakatawa lang kasi hindi naman kaya mangyayari yon. Jusko!

" Hahaha. " pagtawa ko.

" O bakit ka natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? "

" Oo, yung sa part na magkakagusto din siya sakin. Suntok sa buwan yun, bes. "

" Baliw bes. Malay mo naman. Kung ako sayo, yan i-wish mo ngayong Pasko. "

Kahit naman i-wish ko hindi magkakatotoo. Baka barahin pa ko ni Santa, napakaassumera mo naman para si Drake ang iregalo ko sayo.

Natigil ang pagdadaldalan namin ni Karen nang pumasok si Ma'am. May dala siyang isang malaking red box.

" Good Morning, Class. Sorry kung late ako may meeting kasing naganap kanina sa Conference Room. Anyway, we discussed all the lesson that we must have to tackle kaya this week we have our free time."

May mga natuwa, nagdadaldal at mga nagkomento. May nagtanong din kung para saan ang malaking pulang kahon na dala ni Ma'am.

" Class, since malapit na ang Christmas. Naisip kong magkaroon tayo ng Party dito sa Classroom. Pati na rin magkaroon tayo ng exchange gift. " sabi ni Ma'am na ikinatuwa naman ng lahat.

" Nako, masaya yan Ma'am. "
" Sino kayang mabubunot ko? Or sino kayang makakabunot sa akin."
" Sana si Crush mabunot ko."

Ilan sa mga komentong narinig ko mula sa mga kaklase ko. Tuwang-tuwa sila sa narinig nila, samantalang ako namomoblema, paano wala naman kasi kaming pera baka mamaya worth 1000pesos pala yung exchange gift edi chugi na me nun.

" The gift must be worth of 150 pesos only and above. Iyon ang minimum price, dapat something na magagamit sa araw-araw." sabi ni Ma'am na ikinagulat ko. Halaka! 150?! eh saang kamay naman ako kukuha nun? Naku po, pwede naman siguro hindi na sumama diba?

" So, magbunutan na tayo. Get ⅛ sheet of paper and write your name, roll it then pass it to me. " ginagawa naman namin yung sinabi ni Ma'am. Nilagay lahat ni Ma'am yun sa isang maliit na box. Pinabunot niya kami isa-isa.

Nung ako na yung bubunot bigla akong kinabahan. Bakit kaya? Dahil ba sa naaawa ako kung sino mang nabunot ko dahil baka wala kong maipangregalo?

Sinabi ni Ma'am ilihim kung sino ang nabunot. Hindi muna namin tinignan ni Karen kung sino ang aming nabunot. Mamaya ko nalang titignan sa bahay.

" Itong red box na ito, dito niyo ilalagay ang mga regalo niyo sa Monitos and Monitas niyo. For example, today is something sweet. Then dapat magreregalo kayo sa nabunot niyo ng something na matamis. And take note, don't use your name or kahit wag niyo nang ilagay ang pangalan niyo dun sa regalo niyo everyday, yung name na lang nun niregaluhan niyo. " paliwanag ni Ma'am. Anubayun? Kailangan pang magbigay araw-araw? Problemado na nga ako sa ipangreregalo sa mismong party e.

" Magsisimula tayo bukas, and the theme for tomorrow is something soft. Make sure na magbibigay kayo bukas. It will last for a week dahil next monday na ang Party natin." Omo. Something soft? Hm? Tapos next monday na agad yung party, anubayun.

Pagkauwi ko sa bahay, kinuha ko agad yung nakarolyong papel mula sa bulsa ng palda ko.

" Sino kaya tong unlucky person na nabunot ko? " sabi ko habang dahan-dahan na binuklat ang papel na kinagulat ko kung sino mang nakasulat.

" Oh my God! " napasigaw ako sa sobrang gulat. Hala?! Totoo ba to?

" Anak? Ayos ka lang ba? Bakit ka nasigaw? " narinig kong tanong ni Mama mula sa kusina.

" Ah.. Okay lang ako, Ma. Nagulat lang ako sa ipis. " palusot ko.

" Ah ganoon ba? O sya bilisan mo nang magbihis at kakain na tayo. " sabi ni Mama.

" Okay po. "

Muli akong nagbalik sa gulat scene ko. Ohmygod talaga! Si Drake! Si Drake ang nabunot ko! Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang saya ko! Wah! .

My Monito/MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon