KINABUKASAN, pumasok ako ng may ngiti sa aking labi. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Gravityyyyyyyyyy!
Pagkapasok ko nagkakagulo sila. Pinagkakaguluhan nila yung red big box na pinaglalagyan ng mga abubot na regalo.
" Yie! I'm so excited. Ano kayang something soft na regalo sakin? " excited na tanong ni Karen.
Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ito ni Drake.
Nako po Lord, sana po ngumiti man lang siya kung nagustuhan niya.
Lumipas ang buong araw at hapon na. Kaya naman oras na para magbigayan ng regalo. Pumunta si Ma'am para idistribute yung mga gifts. Unang tinawag si Karen, binigay sa kanya ni Ma'am ang isang box na medyo may katamtamang laki. Excited niya itong binuksan. Pagkabukas niya nakita niya yung kulay blue na cotton candy.
" Ay, cotton candy? " nanghihinang komento ni Karen. Siniko ko naman siya. " Ay joke lang! Kung sino mang nakabunot sakin. SALAMAT from the bottom of my beautiful heart. " natutuwang sabi niya. Nagtawanan naman silang lahat pati si Ma'am.
Binigay na ni Ma'am yung regalo ng kaklase namin. Madaming natuwa, madaming nainis, madaming nasiyahan sa mga natanggap nila.
" Ito naman ang para kay Mr. Drake Buenaventura. " nagulat ako nung makitang hawak na ni Ma'am yung regalo ko para kay Drake. Halaka! Baka mamaya hindi niya magustuhan. Napapaypay naman ako ng kamay sa mukha ko, feeling ko ang init-init.
" Huy, okay ka lang? Para kang sinisalaban dyan. " tanong sakin ni Karen.
" Oo naman. Penge nga. "kumuha ako sa kinakain niyang cotton candy.
Huminga ako ng malalim nung nakita kong bored na bored na kinuha ni Drake yung regalo at binuksan.
" Ano 'to? " tanong niya habang hawak yung isang bonet na sinulsi ko kagabi. Sobrang madalian lang talaga nun. Hindi nga ako nakatulog para dyan e. Sana magustuhan niya. Alam ko kaseng mahilig siyang magsuot niyan.
" Isang bonet na talagang pinagkaabalahang sinulsi. Mukhang napakabait ng nagregalo kay Drake a. " napangiti ako ng pahilim sa sinabi ni Ma'am. Ilan pa ang sumunod ng tinawag ni Ma'am ang pangalan ko.
" Coolyn David, woooooow! " amaze na amaze na sabi ni Ma'am nang ilabas niya mula sa pulang kahon ang malaking kulay blue na teddy bear. May nakalagay na tag name doon at nakapangalang ForeverBear.
Namangha din ang ibang mga kaklase ko. Nagtaka sila kung sino ang nagregalo noon sakin. Grabe na ito. Para akong nanaginip. Kung sino man siya, maraming salamat.

BINABASA MO ANG
My Monito/Monita
RandomThis is a one shot story of Coolyn and Drake. The simple crush that turns into something serious- LOVE.