Kinabukasan, dahil sa sobrang curious ko kung sino talaga yung nagbibigay sakin ng regalo ko. Effort na effort kaming pumasok ng maaga ni Karen.
" Jusko Bes, nagtatanggal palang ako ng morning star ko nang ganitong oras e. " sabi niya sabay hikab.
Sobrang aga naming pumasok, 5:30 palang at 7:00 AM pa ang pasok namin. Eh sa gusto ko nang malaman kung sino siya e!
" Anukaba, okay lang yan. Ililibre naman kita e. " sabi ko sa kanya. Kaya lang naman siya pumayag dahil sa kondisyong ililibre ko siya. Alam mo naman ang kaibigan, nagiging magaling kapag nakarinig ng magic word-libre kita.
" Oo na. Oo na. " pagmamaktol niya.
" Shh. Wag kang maingay. Ayan may paparating na! " nagtago pa kami sa likod ng bookshelf. May dumating at dire-diretso siya sa may Red big box. Luminga-linga pa muna siya kung may tao. Agad naman kaming lalong sumiksik ni Karen sa gilid. Sumilip ulit kami nang makita naming lumabas na siya.
" Si Carlo yun diba? " tanong ko.
" Wah, don't tell me siya ang Monito mo? " hindi makapaniwalang tanong ni Karen. Lumabas na kami sa pinagtataguan namin at lumapit sa pulang kahon.
Kinuha ni Karen yung sobreng pula. At nakasulat ang pangalan ko.
For: Coolyn David
Kinabahan ako. Si Carlo nga, siya nga yung nagbibigay sakin ng mga bagay na iyon. Bakit ba ganun siya magbigay?
--

BINABASA MO ANG
My Monito/Monita
RawakThis is a one shot story of Coolyn and Drake. The simple crush that turns into something serious- LOVE.