Truth

5 0 0
                                    

Kinabukasan, nagjogging kami ni Karen. At sa hindi inaasahan, nakasalubong ko si Carlo kasama niya si Drake. Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang jersey shirt. Kahit ano talagang suot ni Drake! Napakagwapo niya.

Muling binaling ko ang tingin ko kay Carlo. Napalunok ako. Kung tanungin ko kaya siya? Kaya lang baka magalit, baka sabihin niya pang napaka-choosy ko naman ako na nga binigyan nag-iinarte pa?

" Carlo.. " pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

" Bakit? " tanong niya muli sa akin. Nakita ko namang napatingin si Drake sa amin.

" Pwede ba tayong mag-usap?" tumingin siya kila Drake at Karen na nag-uusap na din. " Yung tayong dalawa lang sana. ".Tumango naman siya at lumayo kami sa kanila. Nang makalayo kami. Huminga muna ako ng malalim bago ko tanungin. Nakucurious naman kasi e.

Jusmiyo! Kinakabahan ako.

" Anong pag-uusapan natin? " prenteng tanong niya. Anubayan ang cool niyang magsalita manang mana sa bestfriend niyang si Drake. Asar!

" Uhm. Ano kase tatanong ko lang sana kung... " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang tawagin ni Drake si Carlo.

" Dre! Tara na. " sigaw niya.

Waah! Nakakainis ni hindi ko man lamang natanong! Bwisit lang?

My Monito/MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon