Maaga akong nagising at pagkagising ko kinuha ko agad yung ireregalo ko para kay Drake sa ngayong araw. Ang theme namin for this day ay something fluffy. Kaya ang unang pumasok sa isip ko ay ang magbake ng isang cheese cake. Nanghiram pa ako sa kapit bahay naming ng microwave para lang makagawa neto kagabi. Ngayong umaga, kinuha ko nalang siya. Pinalamig ko ang icing na ginawa ko overnight. Aba, Coolyn ilang araw ka nang bangag?! Ilang araw ka nang hindi nakakatulog. Sabi ni diwa ko. Okay lang yan, para kay Drake naman 'to kung bakit ako napupuyat.
Inilagay ko ang pinatigas kong icing sa ibabaw ng cheesecake. Isa iyong, heart shape na may smiley face na nakalagay sa gitna. Okay na siguro to? Sana magustuhan niya. Masarapan sana siya. Sabi ko sa sarili ko.
**
Natapos ang buong klase sa buong araw at ito na ang pinakahihintay ko. Bigayan na naman ng regalo.
Nakatanggap si Karen ng fluffy pillow. At tuwang tuwa naman siyang tinanggap ito. Yung iba naman fluffy wool blanket. Puros fluffy. Syempre, iyon nga ang usapan e. Something fluffy.
Natanggap naman na ni Drake yung regalo ko sa kanya. Nakita ko namang natuwa siya sa iniregalo ko. Syempre, how can he resists his favorite flavor? Alam ko yan dahil stalker niya ko. Alam kong cheese cake ang gusto niyang flavor ng kahit ano.
Agad niya iyong kinain na parang walang ibang tao nakatingin sa kanya.
" Pare, mind to share. " sabi ni Rommel Moslares, one of his friends.
" Mind your own business, I'm busy don't bother me. " sabi niyang seryoso at nagtawanan naman yung mga tropa niya. Si Janlerick Aguas at si Alfred Natividad
Natapos ang bigayan at sad to say wala akong natanggap. Mukhang namulubi yung nakabunot sakin dahil sa biglaang pagregalo ng malaking teddy-- ay forever bear sakin a? Okay lang maybe next time.
Nagsiuwian na ang lahat at kami nalang ni Karen ang natira sa loob ng room. Cleaner kasi ako kaya sinamahan niya muna akong ayusin ang mga upuan.
" Bakit kaya wala kang natanggap kanina? " tanong niya. Nag-iisip pa siya kung bakit.
" Ewan. Tsaka hayaan na natin, ang laki kaya ng teddy bear na regalo niya sa akin kahapon. Baka naghihirap yung tao. " sagot ko sa kanya. Habang inaayos ang bag ko.
" Sabagay " Komento niya.
*meow!*
*meow!*Nagkatinginan kaming dalawa nang marinig namin yung pag-meow nung kuting? Seryoso? Saan naman kaya nanggaling yon?
*meow!*
*meow!*" Saan galing yon? " tanong ni Karen at napatayo. " Pano nagka-pusa dito? "
" Hindi ko alam.--- wow! Ming ming ang cute mo naman. " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makakita ako ng kulay puting kuting na naglalakad papunta sa akin. Ang cute cute niya!
" Wow Bes! Ang ganda naman niya." sabi ni Karen. Binuhat ko ang kuting sa aking mga bisig.
" Oo nga e. Ang amo pa. " sagot ko.
" Oy sandali, may nakalagay sa leeg niya o." napansin ni Karen na may nakadikit na sticky note sa pet tag na pula na suot ni ming-ming.
"Oo nga noh." kinuha ko ang sticky note at feeling ko namula ako nung nabasa ko ang nakasulat.
HI COOLYN, sorry kung hindi ko nabigay kanina ang regalo ko. Hindi kasi siya mapakali sa kahon e. Naglagalag muna. Para sayo yan, siya nga pala si Meowpet. Sana magustuhan mo.
-FOREVER
MEOWPET? Ang ganda namang pet name noon. May pet na ako ang saya naman. Habang tumatagal lalong nagiging misteryoso sakin itong monito ko. I'm sure na lalaki siya kasi nafefeel ko. Pero what if tomboy siya?
Hinablot ni Karen yung sulat binasa." Ay hantaray! Meowpet ha? At FOREVER pa! Yung totoo bes? Kilala mo to noh? Bakit parang boyfriend mo to kung magregalo sayo? " nagulat naman ako sa boyfriend na sinasabi niya, eh hindi ko nga yan kilala.
" Luka, hindi ko yan kilala no. At mas lalong hindi ko boyfriend yan. Masyado na nga akong nacoconfuse sa kanya e. Gusto ko na agad magparty para malaman ko na kung sino siya. " sabi ko. Gusto ko na talagang makilala ko tong nakabunot sa akin.
" Tanungin mo yung pusa kung sino kamo nagpabigay sa kanya. Hahaha! " tapos tumawa siyang parang may sayad sa utak.
" Baliw bes. HAHAHA" At tumawa kaming dalawa ng walang humpay. Nasa kalagitnaan kami ng pagtawang makarinig kami ng kalabog mula sa pintuan. Yung tunog na parang may nauntog. Agad kaming tumakbo patungo doon sa direksyon na iyon pero walang tao. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko Carlo na tumatakbo palayo.
" Bes, si Carlo ba yun? " tanong ko. At tinuro siya.
" Oo. "
" Bakit siya tumatakbo? Siya ba yung tao dito kanina? " pagtatanong ko. Nagkatinginan kami ni Karen.
" Hindi kaya siya yung Monito mo?" tanong niya. Isang konklusyon din ang nabuo sa isipan ko. Hindi nga kaya, siya?
BINABASA MO ANG
My Monito/Monita
AcakThis is a one shot story of Coolyn and Drake. The simple crush that turns into something serious- LOVE.