Best Gift Ever

16 0 0
                                        

Lunes.

Nagbihis. Nag-ayos. Tumingin muna ko sa salamin bago bumababa at umalis ng bahay.

" Ingat anak! "

" Salamat po, Ma! Babay!"

Dumaan ako sa bahay nila Karen. Charan! Parang aattend ng debut to. Glamorosa lang ang peg?! Ako nga nakasimpleng jeans at blouse lang. Wala naman kasi akong magandang sunday dresa e.

" Iyan suot mo bes? Grabe, ano ka magwiwindow shopping lang? " tanong niya sa akin na para bang napakapangit bg suot ko.

" Okay na to. Saka wala akong bago at magandang damit na ganyan. " tinuro ko ang suot niyang dress.

" Wait. " pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto. Lumabas siyang may dala-dalang isang malaking kahon. Pagbukas niya. Tinaas niya ang isang magandang damit. Kulay puti ito. Longback at may kapartner na kulay silver na doll shoes.

" Magpapalit ka pa? Bilisan mo. " sabi ko sa kanya. Anong oras na e.

" Loka. Eto suotin mo. Bilis. Punta na dun sa Cr. " utos niya.

Sinunod ko naman siya, agad kong sinuot ang napakagandang dress.

***
Pagdating namin sa School. Nagsisimula na ang party. May mga nagsasayaw, kumakanta at may mga nagtatawanan sa paligid. Nakita ko din yung mga naggagandahang regalo nila sa bawat isa. Napayuko ako.

Nakakahiya naman ata yung regalo ko? Baka hindi magustuhan ni Drake to. Sabihin niya pang cheap.

"O bakit parang byernes santo yang itsura mo. Sayang naman yung maganda mong suot bes!" puna sa akin ni Karen.

"Bes, baka kasi hindi manlang magustuhan ni Drake to."turo ko sa regalo ko.

"PSH.Ano ba naman ito!Bes hindi naman kaso kung malaki, maganda o mahal ang regalo mo. Galing naman sa puso mo yan kaya okay lang." pagcheer-up niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. Hays, sana nga..

Nagsimula ang party at kung ano-anong nangyari. Nagpalaro, nagpacontest at kumain. At ito na, nasa bigayan na kami ng regalo. Nasa kalahati na nagbibigayan at hindi pa natatawag ang pangalan ko. Si Karen ay nakatanggap ng isang magandang bag. Kaya naman siya'y tuwang-tuwa.

"Drake"banggit ni Ma'am at automatikong nanginig ang tuhod ko. Dahan dahan akong tumayo at naglakad patungo sa direksyon niya. Batid ko ang pagtingin sa akin ng lahat. Feeling ko nagsslow motion lahat.

"Ikaw?"iritadong tanong niya na may halong pagkagulat. Ngumiti nalang ako at iniabot sa kanya ang regalo ko. Agad niya itong binuksan katulad na lamang ng pinag-usapan.

Narinig ko naman ang pagtawa ng nga kaklase namin ng makita ang regalo ko.

Sino nga ba naman ang hindi matatawa sa isang pipitsuging Scarfbook? Tss.

Umalis na ako. Hindi ko naman inaasahang magugustuhan niya iyon at magpapasalamat. Sanay na ako. Sanay na ako na wala talaga akong ni katiting na pag-asa kay Drake Buenaventura.

"Salamat sayo, Coolyn. Ngayon sino kaya ang susunod?"sabi ni Ma'am at bumunot sa kahon. "There you go, hmm. Coolyn."

Napalitan bg ngiti ang mukha ko. Excited lang siguro akong malaman kung sino ang nakabunot sa akin. Napag-alaman ko ring hindi pala si Carlo ang nagreregalo sa akin. Dahil nakita kong isa sa mga kaklase namin ang inabutan niya kanina.

Biglang namatay ang ilaw. May ilang nagsigawan, umingay ang paligid.

Ano ba yan? Hindi ba nagbabayad ng kuryente ang School?

My Monito/MonitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon